PSP - 82

355 20 0
                                    

~Sandra's P.O.V~

"so ano ng plano mo?"tanong saakin ni Brith.

"relax kalang ito na tatawagan ko na."sagot ko.

Dinial ko yung number niya.

"Hello sino toh?"sagot ng lalaki sa kabilang linya.

"Hi Im Sandra Guevarra, pwedeng favor."sagot ko agad.

"anong kailangan mo?"tanong nito saakin. Napangiti naman ako.

"pumunta ka dito sa school namin exactly 9 am, alam mo naman kung saang school ito diba. So punta kana magsama ka kung sino ang gusto mong isama basta pumunta ka dito."paliwanag ko.

"bakit ko naman gagawin yun?"tanong niya ulit.

"basta pumunta ka, sa wednesday gaganapin ang intrams kaya dapat exact 9 andito kana, clear ba yun?"tanong ko pa.

"ano bang gagawin ko diyan at gusto mo kong papuntahin?"medyo irita na na tanong niya.

"ano bang gusto mo pera? Sabihin mo lang."medyo inis ko na rin na sabi.

Ayoko kasi sa lahat yung maraming tanong.

"hindi ko kailangan ng pera mo, may pera ako ang kailangan ko lang malaman ay kung bakit mo ako pinapapunta diyan."sagot niya.

"may sasaktan ka lang."sagot ko.

"sasaktan?"

"oo basta pumunta ka."sagot ko at binaba na ang cellphone.

"oh bakit parang badtrip ka?"tanong saakin ni Brith. Isa pa to puro tanong.

"wala, lets go."sagot ko. At umalis na kami.


~Elsie's P.O.V~

"oh anong sasalihan niyo?" pagbubukas ko ng topic habang sabay sabay kaming kumakain.

"basketball nalang siguro ako." sagot ni Drake.

"ah ako Volleyball."sagot naman ni Terry.

"ako din Volleyball."singit ni Pam.

Napatingin naman ako kay Alfie.

"Uy fi anong sasalihan mo?"tanong ko sakanya.

"ah? Ako? Ah basketball din."sagot niya.

Napangiti naman ako, naalala ko dati naglalaro kami ng basketball. Yun lang.

"so ikaw Els anong ipapakita mo sa intermission number? Singging, dancing,bali buto ano?"

Natawa naman ako sa pinagsasabi ni Terry. Kahit kailan talaga.

"grabe ka bali buto talaga, ah dancing nalang."sagot ko.

"luh muka ka namang zombie sumayaw."sagot ni Terry.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"edi singging nalang."sagot ko ulit.

"we? Palaka ka nga kumanta."singit naman ni Pam.

Sinamaan ko rin siya ng tingin parang hindi ko mga kaibigan bwesit.

"eh ano?"tanong ko.

"bali buto"sabay nilang sagot.

Napatawa nalang yung dalawang lalaking kasama namin. Mga bwesit kasi eh.

"bahala nga kayo diyan."inis kong sabi.

"joke lang hahahhaah, so ano nga?"tanong ulit ni Terry.

"ahh kakanta nalang."sagot ko.

Napatango naman sila lahat.

"goodluck"sabay sabay nilang bati.

Napangiti naman ako. Laking pasasalamat ko dahil may mga kaibigan akong katulad nila.

********

"sige ingat kayong dalawa, huy Alfie ingatan mo yang kaibigan namin ulit ha."nakangiting pahabol ni Terry.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"oo naman, sige ingat din kayo."sagot naman ni Alfie.

Tumango na rin ako at nagpaalam na kami.

Nang makasakay kami biglang nag salita si Alfie.

"Els ready kaba sa intrams?"tanong niya saakin.

"unti kinakabahan kasi ako."sagot ko.

"kaya mo yan ikaw pa, basta lagi mong tatandaan andito lang kami lalong lalo na ako. Sus ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi kita susuportahan."

Pagkasabi niya nun parang siya na mismo ang nagsampal saakin ng katotohanang kaibigan lang hanggang kaibigan lang. Yun lang yun.

Pero hanggat kaya kong itago edi itago.

"salamat"

Yun nalang nasabi ko, baka kung ano pang lumabas dito sa bibig ko.

"welcome basta andito ako ha wag kang mahihiyang magsabi."sagot pa niya sabay akbay saakin.

Akward naman akong napangiti.

"o-oo naman."sagot ko naman.

Oo hiya ako magsabi na mahal kita na gusto kita. Marami na akong nababasa na storya na naiinlove sila sa mga child hood friend nila.

Pero tingnan mo ngayon nararanasan ko na. Atsaka ang mga gantong pangyayari ay hindi sila nag kakatuluyan kaya siguro ganto rin ang mangyayari saakin.

Marami naman ang mga babaeng mas babagay kay Alfie mga babaeng kaya siyang bigyan ng anak at ng buong pamilya.

Ako? Wala lang. Hindi sa pag dodown sa sarili pero kasi tanggap ko na ang kapalaran ko. Swerte nalang kung may magmamahal saakin.

Katulad ng nangyari saamin ni Aaron tingnan mo wala rin.

Although may nagmamahal saakin sina mama at papa. Pero okay lang sapat na ang pagmamahal ng mga magulang ko para mabuo ako sa pang araw araw na lumilipas.

"okay kalang?"nabalik ako sa katinuan ng magsalita si Alfie.

"huh? Ako? Oo naman."sagot ko.

"ah wala lang kasi tulala ka, may iniisip kaba?"tanong niya.

"ah wala."sagot ko.

Maya maya pa ay bumaba na kami. Nagpaalam na ako ayoko ng magpahatid. Wala lang gusto ko lang magisang umuwi.

Gusto mo munang makalanghap ng sariwang hangin. At alam ko na kung saan ako pupunta.

~~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon