PSP - 73

398 32 6
                                    

~Elsie's P.O.V~

Umaga ngayon at maganda ang sikat ng araw pag dilat ko palang nang aking mga mata.

Bigla agad pumasok sa isip ko si Alfie. Omhay ghad. Ito na ba this?

Haystt mukang totoo nga natamaan nanaman ako. Iwas iwas naba ako? Di pwede baka ano nanaman isipin niya. Atsaka kababalik lang namin sa dati eh tapos ganiorn ulit hayst.

Shhh nalang muna ako baka sakaling mawala.

Bumangon na ako at agad na pumasok sa banyo.

~Alfie's P.O.V~

"oh anak mukang maganda ang gising natin ah at ang laki ng ngiti."pagbati ni tatay saakin kalalabas ko lang ng kwarto ko.

Hindi ko din alam eh basta pag gising ko lang nakangiti ako at excited ako sa hindi ko malamang dahilan. Promise mga bro ngayon din siguro nararamdaman niyo rin yun.

"Ewan ko ba diyan sa anak mo simula kahapon nung pag kauwi niyang anak mo lagi ng nakangiti ewan ko ba."singit naman ni mama.

Natawa naman ako.

"ewan ko po eh basta masaya ako ngayon ligo na po ako."sagot ko naman at dumeretso sa banyo.

Nang matapos nag bihis agad ako. Kasi dadaanan ko pa si Elsie palagi na toh kasi promise ko sakanya.

*********

Andito na ako sakanila. Di ko alam pero bigla ulit akong sumaya ulit. Ewan ko ulit kung anong nangyayari saakin.

Tok*tok*tok

Pag katok ko sa pintuan nila.

"oh ikaw pala Alfie halika pumasok ka iho."sabi ni Tita ng nakangiti.

Ngumiti ako pabalik at nag pasalamat at pumasok.

"oh ikaw pala iho kamusta?"tanong naman saakin ni tito habang nag kakape.

"okay lang naman po ako tito, nasaan po pala si Elsie po?"tanong ko.

"ah nandoon sa taas, sandali tawa-----"

Di ko na pinatapos si Tita.

"ah tita ako nalang po baka maabala ko pa kayo."sagot ko.

Tumango naman siya at nag salita.

"sige iho ang bait mo talaga."sagot niya at pumunta na ng kusina.

Ako naman dumeretso sa kwarto niya. Pag bukas ko wala siya kaya umupo ako sa kama.

Nakarinig ako ng mga buhos ng tubig ibig sabihin naliligo siya. Ngumiti ako at hinanap yung album naming dalawa.

~Elsie's P.O.V~

Nang matapos nagbihis ako at lumabas.

"hala!"medyo malakas kong sigaw kaya nagulat si Alfie teka bakit andito siya.

"bakit anong nangyari?"tanong niya sabay dali daling pumunta saakin.

"O.A? Pasensya na nagulat lang ako kasi andito ka."sagot ko.

Ngumiti naman siya at nagsalita.

"bakit bawal ba ako dito? Childhood mo ko atsaka importante ako sayo tapos importante karin sakin."sagot niya.

Para naman akong nakili sa tiyan. At biglang bumilis yung tibok ng puso.

Ito nanaman yung epekto.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon