PSP - 40

481 46 0
                                    

~Elsie's P.O.V~

"saan tayo pupunta ngayon?"tanong ko kay Aaron habang nag lalakad kami. Sabi niya kasi lilibutin daw namin tong beach.

"hmmm.... Gusto mo bili tayo ng Seafood dito."yaya niya.

"Huh?"tanong ko. Mag tatanong pa sana ako pero hinila na niya ako.

Napatingin ako sa mga nakahelerang seafood. Napatingin ako sa isang isda na may tusok tusok.

"ang tawag diyan baby. Pufferfish."rinig kong sabi ni Aaron. Ahh pufferfish pala ang tawag diyan.

"ah eh yung isa ring may tusok yung bilog?"tanong ko.

"alam mo may kinakain kami niyan yun nasa bote."sabi ni Aaron at napaisip kung anong tawag dun.

"ano ngang tawag dun?"tanong niya saakin.

"aba malay ko."sagot ko.

"ahh baka sir ang tinutukoy niyo ay ang Fresh swaki yung po yung mga laman ng sea urchins na hinaluan ng suka."singit naman ng lalaking nag titinda.

"ahh oo yun nga swaki."pag sangayon ni Aaron. Napatango naman ako.

"ahh sea urchins. Alam mo mamahaling delecacy yun sa japan na mura lang dito kasi masagana sila dito."paliwanag niya saakin napatango naman ako.

"kumakain ka non?"tanong ko.

"yeah kumakain kami non sa probinsya."sagot naman ni Aaron.

Bumili muna kami ng hipon at inihaw na pusit.

"saan tayo ngayon?"tanong ko.

"sabi nila may malapit daw rito na lighthouse. Maganda yon pag gabi kasi kitang kita mo ang ilaw ng buong lugar dito."sagot saakin ni Aaron.

"edi mamaya nalang, hapon palang eh."sabi ko kay Aaron.

"ngayon na para hindi na tayo mag madali."sagot niya napatango nalang ako at lumakad na kami.

*******

"seryoso ka aakyatin natin yan. Ang taas eh."sabi ko sabay tingin sa lighthouse. Sa mga di po nakakalam yun po ay parang tower na parang may veranda sa pinaka taas. Unting kataasan lang naman tong lighthouse. Di gaya ng iba na sobrang taas.

"oo, kaya tara na pramis nakakarelax dun pag nasa taas na tayo."sabi saakin ni Aaron.

"tara na nga."pag sang ayon ko nalang.

Medyo nakakapagod umakyat plus nakakahilo kasi paikot ang hagdanan parang bumabaliktad yung sikmura ko.

"okay kalang baby?"tanong saakin ni Aaron. Kung makikita niyo lang ang mukha ko muka akong lantang gulay hahaha.

"o-oo okay lang ako."sagot ko. Napatingin naman ako sa paligid. Talagang nakakarelax. May mga tao rito mostly mag jowa. Kasi nag haharutan.

Umupo muna ako at kumain ng binili namin kanina. Napatigil ako ng mapansin kong nakahinto lang si Aaron.

Napatingin ako sa kanya nagulat ako kasi nakatingin pala siya saakin.

"bakit?"taka kong tanong.

"ang cute mo lang kasi para kang bata."sagot niya at tumabi na saakin.

"babe ang sweet nila oh. May dala pa silang pagkain"

"bakit nagugutom kaba? Kala ko busog ka?"

"hindi, iba yung busog sa pag mamahal mo at sa pag kain"

Rinig kong harutan ng mag jowa malapit saamin. Nagkatinginan naman kami ni Aaron. At mahinang tumawa.

Pagkatapos kumain parang naantok na ako. Di ko mapigilan na mapapatong ng ulo ko sa balikat ni Aaron.

Habang nakapikit. Dinadama ko ang hampas ng hangin sa mukha ko.

~Aaron's P.O.V~

Naramdaman ko nalang na biglang ipinatong ni Elsie yung ulo niya. Sobrang saya ko kasi nakasama ko yung mahal ko. At dito pa sa lighthouse. Sana ako nalang ang pinili ni Elsie.

Sana ako nalang sana hindi siya nasasaktan ng ganon. Kung makikita mo sa mukha mo niya parang wala siyang problema. Maamo lang. Napapangiti nalang ako.

Sana maturuan na ni Elsie ang puso niya na mahalin ako. Dilang dahil sa plano kaya nagawa ko toh. Dahil rin mahal ko si Elsie.

Napaluha nalang ako sabi ko sa sarili ko na pipigilan ko ang nararamdaman ko pero di ko kaya. Bakit pa kais napapayag ako sa plano na toh alam kong kahinaan ko ang tanong gagawan ko ng plano.

Di ko mapigilan kung matapos man tong plano na toh. Susulitin ko na kung pwede lang saakin na pumabor ang tadhana. Elsie hindi ko ginawa tong plano na toh para saktan ka ginagawa ko toh kasi mahal kita tandaan mo yan.

Mahal na mahal kita di mo lang ako napapasin. Pero kung mangyari man ang di ko inaasahan tatangapin ko kasi kasalanan ko napasubo ako sa plano na alam kong ako rin ang masasaktan. Pero di ko mapigilan eh. Mahal kita eh. Kasi pag mahal mo gagawin mo ang lahat diba.

"oh bakit umiiyak?"rinig kong sabi ni Elsie. Kaya napapunas agad ako.

"ahh wala napuwing lang ako."sagot ko napaupo naman siya at pinaharap ako.

"alam mo Aaron di kita pinag tatabuyan kasi parte ka narin ng buhay ko. Bilang kaibigan."sagot niya lalo akong naluha. Di ko kaya marinig lahat sakanya.. Ang sakit sakit.

Niyakap nalang niya ako.

"alam mo Aaron minsan talaga hindi nating pwede ipilit ang sarili natin sa ibang bagay. Alam kong pareho lang tayo ng nararamdaman nasasaktan tayo sa mga mahal natin."sabi niya ulit habang hinihimas ang likod ko.

Tama siya pareho kami nagmahal. Pareho rin kaming nasaktan.....


~~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon