PSP - 49

435 37 0
                                    

~Elsie's P.O.V~

Andito kami lahat nakaupo sa lamesa. Si Aaron, ako, alfie si Helena at yung demonyita.

"Ah so ikaw pala si Elsie"rinig kong sabi ni Ate Helena kaya napatingin ako sakanya.

"ah opo ate"sagot ko. Ngumiti naman siya saakin.

"nice to meet you, alam mo ang gaan na ng loob ko sayo." nakangiting sabi ni Ate Helena. Nakita kong napairap nalang si Megan.

"ako rin po feeling ko po ang bait bait niyo po malayo sa..."di ko na tinuloy.

"Plastic"rinig kong bulong ni Megan. Malapit lang siya saakin. Si Aaron lang ang agwat namin.

"alam mo Elsie may mga make-up ako rito."sabi ni Ate Helena.

"talaga po pero di kasi ako nag mamake-up pati crossdresser di ko rin gusto."sagot ko. Napatango naman siya.

"pero kung gusto mo andito lang ako."sagot niya nagtawanan naman kaming dalawa.

"Feelingerang bakla"rinig kong bulong ni Megan. Ewan ko kung naririnig rin ba ni Aaron.

"hmmm.. Alam niyo Ate Helena ang BAIT BAIT saakin nitong kapatid mo."plastikang tawa ko habang sinasabi.

"maniwala?"di makapaniwalang tanong ni Ate Helena. Nginitian ko muna ng sarcastic si Megan.

"Opo ate manang mana sa demonyo este parang anghel na bumaba sa langit. Actually masasabi kong bangungungot este biyaya si Megan saakin."sagot ko.

"talaga? Kasi dito para siyang reyna ang tawag ko nga diyan Queen of Evil."pagkasabi non ni Ate Helena nag tawanan kami.

"OMG talaga opposite attitude siya."sabi ko naman matching takip bibig pa.

"ayaan mo na siya ganyan talaga yan, oo nga pala Megan bakit hindi parin nagiging kayo ni Alfie."nagulat naman ako sa sinabi ni Ate Helena.

Nag katinginan naman kami ni Aaron at ni Alfie.

"a-ah e-eh DIPA pero balak ko na siyang sagutin."sagot ni Megan.

"hind----"rinig kong sabi ni Alfie pero agad ding pinutol ni Megan.

"nakakatuwa diba Ate."natutuwang sabi ni Megan pero alam ko namang plastic. Yuck.

"eh ikaw Elsie, ang gwapo nitong kasama mo ah anong pangalan mo?"tanong ni Ate Helena kay Aaron.

"Ah Aaron Jose Altamerano po"pakilala ni Aaron. Medyo natatawa ako kasi para siyang bata na nagpapakilala.

"ah so anong status mo?"tanong ni Ate Helena. Naguluhan ako pero nagets ko rin ang ibig niyang sabihin.

"ah manliligaw po ni Elsie."nakangiting sabi ni Aaron.

"tala----"dina natapos ni Ate Helena kasi biglang nag react ang bruha.

Napatingin naman ako kay Alfie kita ko sa mata niya ang pag aalala. Bakit kaya?

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon