PSP - 53

419 33 2
                                    

~Elsie's P.O.V~

"Andito na tayo babe."rinig kong sabi ni Aaron. Napatingin naman ako sa bahay nila. Mayaman talaga sila atsaka malaki at maganda rin ang bahay nila.

"bahay niyo toh?"tanong ko. Obvious naman diba?

"oo bahay namin, ang laki noh kaso kami kami lang ni manang at ng isa pa naming kasambahay ang nakatira dito."sagot niya.

Oo nga pala nasa ibang bansa ang mama at papa niya.

"ahh ok."sagot ko. Pumasok na kami sa loob pag pasok namin namangha talaga ako biro mo ang ganda at ang laki ng bahay tapos tatlo lang silang nakatira.

"sandali may kukunin lang ako sa kwarto ko babe."nakangiting paalam ni Aaron.

Tumango nalang ako at pumunta sa mga picture frame nila.

Habang nagtitingin ako biglang may nagsalita sa likuran ko.

"at sino ka naman na pumapasok dito ng walang pahintulot?"

Napalingon naman ako sa likuran ko napag alaman ko na isa siya sa mga kasambahay rito base sa suot niya.

"ah ka----"diko na natapos nag bigla niyang putulin.

"ang alam ko walang kaibigan si Sir Aaron na isang KATULAD mo."pag putol niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay taas ng kilay.

Aba't sino toh para gantuhin ako. Kasambahay kalang rito. Sabi ng utak ko. Pero kailangan magalang lang.

"ah kasama kasi ako ni Aaron."sagot ko. Napataas ulit siya ng kilay.

"nag sisinungaling ka siguro, dahil ni isa niyang kaibigan hindi niya pa pinapapasok rito. Siguro magnanakaw ka?"tanong niya.

Infairness ha isa lang siyang kasambahay pero kung umasta akala mo sakanyang bahay. Tsk. Iba na talaga ang mga tao sa panahon ngayon.

"hindi ako nag sisinungaling."sagot ko.

"teka nga lang bakla kaba?"tanong niya.

"oo, masama?"tanong ko.

Tumawa muna siya bago sumagot.

"Yes, unang una hindi nag papasok si Sir rito lalong lalo na ang mga kagaya mo, atsaka i know na hindi nakikipag kaibigan si Sir sainyo."sabi niya sabay pandidiri face.

Arouch. Ang shakit tagos sa kailaliman ng balat ko. Bakit ba may mga taong makikitid ang utak. Mga bobo na mga tanga pa. Kung sinong mapanlait sila naman itong may kapintasan sa sarili.

Kung sino pa ang pangit sa mundo sila pa ang daig kung manapak ng pagkatao tumingin muna kayo sa salamin para malaman niyo ang nais kong sabihin.

"Me? Mas nakakadiri ka nga eh biro mo may itsura ka pero kasambahay lang pala ang bagsak mo."natatawa kong sagot.

Di ko gawain ang manapak ng tao pero kung sumusobra na. Abay ewan ko nalang.

Natahimik naman siya.

"oh ano natahimik ka?"mataray kong tanong.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon