PSP - 67

362 32 6
                                    

~Elsie's P.O.V~

Nagulat si mama ng makita niya akong basang basa kahit si papa na nakaupo sa sala habang nanonood.

"Jusko anak bakit basang basa ka?"nag aalalang tanong ni mama sabay lapit saakin at tinanggal ang gamit ko ewan ko siguro basa narin yung gamit ko.

Di nalang ako nagsalita.

"Elsie anong nangyari at basang basa ka?"tanong saakin ni Papa. Tiningnan ko lang siya ng matamlay na tingin.

"O-okay lang po ako."sagot ko.

Pag balik ni mama tinanggal niya ang polo at inakbayan niya ako papunta sa Cr.

"anak mag buhos ka muna ng ilang beses mag hahanda lang ako ng sabaw para dika mag kasakit."utos saakin ni Mama.

Pumasok ako sa banyo pero di ako nag buhos oh ano manlang. Nakatingin lang ako sa salamin.

Deserve ko nanaman ba ang masaktan?

Bakit lagi nalang ako nasasaktan? Ako lagi ang mali? Ang unfair mo Earth.

Ilang minuto rin ako nag iisip at binabalikan ang mga nangyari at nag towel na para malaman ni Mama na naligo ako.

Pag labas ko nakahanda na yung sabaw.

"ubusin mo yan at pag katapos uminom ka ng gamot, mag bihis ka at matulog kana naku bata ka bat kaba kasi nag papaulan." panenermon saakin ni Mama.

"Oo nga pala anak nag sabi saakin si Aaron susunduin ka daw nasaan siya?"tanong ni Papa. Napatitig muna ako sa sabaw.

"m-may e-emergency daw po pa."sagot ko. Nang matapos umakyat na ako.

Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng tunog ng cellphone. Di ko na inabalang tingnan baka load ko lang na ubos na.


~Pamela P.O.V~

"Ate gising na raw."rinig kong gising saakin ng butihin kong kapatid.

Sa ganyang sweet asset niya alam kong may prank to eh. Pag kahawak ko sa mukha ko sabi na eh. Nilagyan lang naman ng glue ang mukha ko. Gagang bata talaga eh.

"Bwesit ka talaga Shane ha. Biruin mo na ang lasing wag lang ang magandang babae na bagong gising!"sigaw ko sakanya.

"Weh ate saan banda yang sinasabi mong ganda? Sa pwet mo ba AHAHAHHAA."natatawang sagot niya.

Natawa nalang din ako. Ganyan ako kesa maasar ako sa pang aasar niya natatawa nalang ako AHHAAHAH. Kayo ha baka pinapatulan niyo rin mga kapatid niyo naku naku masama yan.

Naisip ko naman yung text ko kay Baks baka may chat o nabasa manlang niya. Nakuha ko kasi tong no. Niya kay Sanchez.

Ang gwapo kaya ni Sanchez pero mas gusto ko si Franky AHAHAHHA.

Pagtingin ko Haystt legwak di niya nabasa baka naoofend or nagtaka kung saan ko nakuha no. Niya. Ang sabi ko dito.

To: Elsie

Good Evening Baks. Gulat ka noh? HAHAHAHA. Nakuha ko tong number mo kay Sanchez. Ano nga pala ganap nung binalik mo yung gamit ni Frank?

Yan yung text ko di manlang nag reply sabagay baka tulog nung pag text ko. Okay kang yan papasok na rin naman makikita ko narin siya.

~Elsie's P.O.V~

Nagising nalang ako na sobrang bigat at sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa Leeg ko shocks ang init.

Past is Past 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon