CHAPTER 19

3.8K 54 2
                                    

= = = = = =
CHAPTER 19
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

Naglalakad ako papunta sa office ni.coach. Hawak ko na ang resignation letter ko. Although isang linggo na lang ay endo na ako sa pagiging P.A., well hindi ko na kayang masaktan pa. Charing. Dahil to sa issue ng rule no. 12. Hindi ko ugaling maging masuwail sa mga ganyang bagay. Kaya eto nanginginig ang aking kamay habang papalapit sa pintuan ng office ni coach.

Kakatok palang sana ako kaya lang bumukas ang pinto at si Raymond ang lumabas kasunod ang kanyang tatay.

"Good morning po sir." bati ko sa kaniya pero inisnob lang ako ng papa niya. Edi wow? -.-

Pumasok na ako sa office ni coach at nakita ko siyang naghihilot ng noo niya.

"Coach ayos lang po ba kayo?" tanong ko.

"Ah... Not really ija. You see, Raymond wants to leave the team. Tinawagan ko ang daddy niya to concern this thing. Mabuti na lang at tinawagan ko ang daddy niya kaya napigilan namin siya."

"Ganun po ba?" simpleng sagot ko. Tinago ko muna ng palihim sa likod ko ang dala-dala kong resignation letter. Hindi pa ito ang oras.

"Alli, I hope you will stay with us with loyalty..." pahabol ni coach. Napaubo na lang ako... Nakokonsensya na kasi ako.

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Wala po. Magpapa aircon lang." biro ko.

"Abnormal ka talagang bata ka."

"Well atleast coach tumatawa ka na. Wala na yung mga wrinkles mo na parang pedestrian lane sa dami. Hahahahahahahaha." biro ko pa.

"Ah ganon? -___-" tanong ni coach. Seryoso at mukang na asar.

"Syempre may kasamang joke ser." sabi ko.

"Sige sir... Alis na po ko. Nilalamig na ko eh?" sabay tayo ko at umalis.

Paglabas ko, naalala ko si Raymond. Ano kayang dahilan bakit gusto niyang umalis? He's doing great nemern? Saka base sa mga performance niya para na siyang professional basketball player.

"Oh well... Im too beautipul to think about it!" sabi ko sa sarili ko sabay toss ng buhok.

-Raymond's POV-

After umuwi ni Alli, narealize ko na hindi magiging kami ni Alli kung nasa team pa ang isa samin.

Kailangan ni Alli ng pera. Kailangan niya ang mga benefits na natatanggap niya galing sa pagiging P.A. kaya hindi pwedeng maalis siya dahil sakin. Ayokong ako ang maging dahilan.

I get my keys and right away, I hit the road going to my dad.

Nasa construction site si papa. Isa kaso siyang architect na kasalukuyan kong kinukuha sa college.

Nag-ipon na ko ng lakas ng loob para sabihin sa kanya na ayoko ng maging basketball player. Pangarap kasi ni papa sakin to dahil ako lang ang nag-iisang lalaki samin.

Inaamin ko. Namamasa ang kamay ko sa kaba.

"Anong sabi mo?"

"Pa, sana payagan niyo ko."

Ayan kaagad ang reaksyon ni papa. As expected. Nasa isang resto kami. Dito kami nag-usap ni papa dahil maingay sa site.

"Im sorry pa."

"Sorry? Alam mo ba kung ano ang bibitawan mo? Para kang nagpapakawala ng isang magandang babae na pakakasalan mo!"

Nanahimik lang ako.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now