CHAPTER 45

2.6K 41 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 45
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

I thought having a broke up is easy. I was totally wrong. Masyado ko kasing binigay lahat, nag expect ng sobra, hindi nag tira sa sarili, kaya ganito na lang kasakit. Ayokong lumabas ng bahay. Minsan nga hindi ko tinatapos ang klase ko. Umuuwi ako kaagad. Marco keeps on asking me what's going on, but I keep on saying nothing happen, I'm alright. But it's tearing inside.

I found myself reading If I Stay at the public library near by our subdivision. I spent my spare time here, hoping that it'll help me to mend this heart. Napaisip tuloy ako, paano kaya kapag sakin nangyari yung nangyari sa bida ng storya, makikita ko kaya ang halaga ko sa kanilang lahat? Mag sosorry kaya si Raymond sakin habang tulog ako?

Napailing na lang ako. Hindi naman jiya gagawin yun dahil wala siyang paki sa feelings ko. Tama naman ako di ba? Kasi kung meron, hindi niya ginawa yun.

Napatingin ako sa umupo sa couch sa tabi ko. Nagulat ako dahil may hawak siyang isang Sci-Fi book. Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad niya ay nag babasa ng ganung libro. Well, kaya pala ang dami niyang Star Wars collection sa condo niya. Nag salpak siya ng earphones. Rinig na rinig ko ang tugtog doon, ugh... Parang gusto kong hiramin yung isa dahil Roses ng The Chainsmokers yung tugtog...

Hindi na ko nakatiis at kinalabit ko siya. Agad naman siyang tumingin nama agad siya sakin.

"Share tayo sa earphones please?" Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sakin at siya ang nag kabit ng isa sa tenga ko. Sinimulan niya ulit yung kanta.

Omg! Ang sarap talagang pakinggan nito! Nakaka relax!

"Nakaka relax yung kanta no?" Sabi ni Marco.

"Oo. Favorite ko nga to eh?"

"Same here." Sagot niya habang di inaalis ang tingin sa binabasa niyang libro.

"Madalas ka ba dito?" Tanong niya sakin.

"Oo, dito ko tinatravel ang isip ko para marelax naman. My other way of escape." Sabay ngiti ko.

"Pareho tayo." Sabi naman niya. Ang dami naming gusto na sobrang magkapareho kami. Pati flavor ng Pizza. Hawaiian, and Shrimp ng S&R Pizza, hanggang sa taste sa music. Pareho namin favorite ang color red at navy blue. Favorite niya din ang If I'm James Dean, You are Audrey Hepburn— acoustic by Sleeping with Sirens.

"Tara alis na tayo dito. Boring na. Kain tayo sa Seaside. Gusto ko ng hipon!" Tumango naman ako. Mag tataka sana ako kung bakit sa Seaside siya nakain ng Hipon. Kalimitan kasi ng nasa 10 Sex Machine sa Sogo at sa Motel nakain ng hipon.

Bumyahe kaming dalawa papunta sa Seaside while playing the songs and music remixes by the The Chainsmokers.

"SAY YOU NEVER LET ME GOOO!" sabay naming kanta ni Marco at saka tumawa.

Tawa kami ng tawa pagkababa namin sa kotse. Hindi nga namin alam bakit kami tawa ng tawa. Sa dami naming napag uusapan hindi na namin alam saan nagsimula yung conversation namin. Pareho din naming first time dito sa Seaside. Nirefer lang daw sa kanya to ng kaibigan niya gusto niya daw itry kumain dito kasama ako.

Sinigang na hipon yung pinaluto namin. Masyado na kasi kaming kumakain ng mga processed foods, fast foods at junk foods. Pare-pareho kasi kaming wala sa mga bahay namin.

Yung kanina naming ingay ni Marco nawala sa sobrang sarap ng sinigang! Nagulat kami pareho dahil ang dami naming nakain. Pagkatapos pa namin mag rice nag dessert pa kami. Kumain kami ng special halo-halo na may ice cream at madaming leche flan.

"Marco?" Tumingin kami ng sabay ni Marco sa magandang babae na nasa harap na namin.

"Kara... No, Carla? Narra? Oh Im sorry..." Sabi ni Marco na halos kumunot na ang noo sa pag alala ng pangalan ng babae na nasa harap namin.

"The name is Mara, Marco. Is she your little sister?" Sagot naman nung babae.

"No, she's my girlfriend." Proud na sabi ni Marco. Hindi ko alam pero natuwa yung puso ko. Sobrang lakas ng tibok nito.

"Wow, that's good news. I'll go ahead my dad's calling me." Humalik naman si Mara sa pisngi ni Marco at halos madikit na sa mukha ni Marco ang dibdib niya.

Sinundan namin siya ng tingin. Yung lakad niya ang ganda. Para siyang nag lalakad sa runway. And damn those butt, they were so perfect. Pustahan tayo tinatayuan na tong isang to.

"Wag ka mag selos baby. Ikaw lang naman ang girlfriend ko eh?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Marco and at the same time nahiya din.

"Wag ka nga! Hindi ako nag seselos." Depensa ko.

"Alam ko naman yun Alli." Sagot naman niya at saka ngumiti. Sa ngiti niyang yun kamuntik ng matunawa lahat ng yelo sa halo-halo ko.

Habang nakain kami naikwento niya na nakilala niya si Mara sa isang fraternity party. Member daw kasi ng isang Sorority si Mara. Syempre alam niyo na ang ginawa nila na hindi ko na tinanong sa kanya dahil siya na mismo ang nag kwento.

Matapos naming mag exam ng midterm exam namin, pinatawag kami ni coach para sa isang meeting. Chineck ko ang agenda ng meeting. Tungkol sa Valentines Day.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na kailangan niyong mag prepare para sa Valentines day dahil ang basketball team ang naka assign sa Free Hug booth" Sabi ni coach.

"Dapat sex booth na lang satin..." Narinig kong bulong ni AJ kay Allan na tahimik. Siniko naman siya ni Allan pabalik. Hahaha. Gago ka kasi, napala mo.

"At tayo ang kapartner ng marriage booth para mag supply ng condoms as a souvenir sa booth ng men's volleyball. Maasahan ko ba kayo? Alam ko namang hindi niyo hilig to so nag volunteer ang cheering squads na mag ayos ng lahat para sa inyo. Thanks to Marco's charm for that. Dismiss."


Nandiri naman ako. Bakit naman ganun ang souvenir ng Men's Volleyball. Ano may tinatago din silang libog? Oh well, hindi naman lahat sa kanila straight guys yung iba may chance, yung iba naman bisexual na pero hindi cross dresser.

Kasama ko si Marco sa basketball court. Nakaupo lang kami sa bleachers habang nakain ng hotdog. Medyo nahirapan akong kumain dahil hawak ni Marco ang isa kong kamay. Buti na lang maingat akong kumain walang kumakalat na mayonnaise at catsup sa mukha ko.

Medyo nahihiya nga ko dahil kapag may tumitingin samin na mga tatambay din sa bleachers tinitignan niya ng masama.

"Oh bat mo tinignan girlfriend ko?!" Maangas niyang sabi sa freshmen na tumingin samin. Natakot ata yung freshmen at tumungo para mag sorry.

"Titingin pa dadaan na lang." Sabi pa niya. Namumula na ko sa hiya at sa kilig.

Sobra akong natutuwa sa ginagawa ni Marco. Ganito pala ang feeling ng totoong girlfriend. At tama nga si Marco, nakakatulong nga to na makalimot...

= = =

Ayan na po ha? Gatas na gatas na utak ko sa pag a-update. Sorry kung mapapangitan man kayo. Ayan muna ha?

Kapag umabot ng 12K reads to, lalagyan ko to ng Book 2. Kaya ishare niyo na to. And don't forget to vote.

Thank you.

-zandy_fragileheart<3

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now