CHAPTER 36

3.3K 44 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 36
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

"Ang blooming mo naman ata Alli?" tanong ni Eunice sakin.

"Hay nako Eunice! Ganyan na yan kanina simula nung dumating sila kaninang madaling araw ni Raymond!" sabat naman ni Jasmine.

Naging kaibigan na namin si Eunice simula nung nakasama ko siya sa laro ng team. At syempre naipakilala ko na rin sa kanya si Jasmine at ayan, close na rin sila. Hindi naman mahirap makasundo si Eunice kahit na sobrang yaman niya.

Nanonood kami sa condo niya ngayon. Dumaan lang talaga kami ni Jas dito para isauli yung ginamit kong dress nung victory party, friday ngayon at wala namang pasok bukas kaya pinilit kami ni Eunice na dito muna. May lakad daw kasi si King, ayaw niya namang sumama.

"San naman kayo galing, Alli?" tanong ni Eunice.

"Pumunta kami sa bahay ng parents ko." sagot ko sabay kuha ng nachos.

"Naku, eh bat kayo ginabi?!" tanong ni Jas.

"Inaantok na kasi si Raymond, mahirap namang magdrive ng inaantok kaya tumigil kami sa motel."

"Nag condom ba kayo?" tanong ni Eunice. Nanlaki ang mata namin ni Jas sa tanong niya. Saglit palang kasi namin siyang nakakasama pero nakuha na niya ang estilo ng pagtatanong namin.

"Grabe naman po pala kayo. Motel lang, sex agad? Hello, natulog lang kami. Walang jukjukan na naganap! Well, muntik na pero, syempre pigil-pigil din pag may time."

"Mabuti na lang at goodboy yang si Ray. Ewan ko ba bat di sila nag work ni Val."

"Maharot naman kasi si Valerie, gurl." comment ni Jas kay Eunice.

"Well, you're right."

Tinuon na lang namin ang atensyon namin sa pinapanood naming movie nang bigla nanamang chumika si Eunice.

"Hay... Gusto ko na sanang sulitin ang ilang days before King flew to America." sabi niya.

"America?" tanong ko.

"Yeah, remember, they have basketball conference there as their prize to the last game?" sabi niya.

"Ilang araw na lang ba?"

"We only have five days left. You seems so uninformed. Why dear?"

"Walang sinasabi sakin si Raymond."

"Ohh..." at saka kami nanahimik ulit. Space out ako sa mga nalaman ko. Limang araw na lang pala bago sila umalis. Ibig sabihin, hindi ko siya makakasama the whole summer. Naiiyak ako sa sinabi ni Eunice. Naiiyak ako sa inis kay Raymond. Bakit niya sinabi sakin na five days na lang pala bago sila umalis? Anim na buwan sila dun sa America. Who knows what will happen in six months? America yun mga pre, madaming mas magaganda sakin dun, may mas kinabukasan ang dibdib di gaya ng sakin. Hays :( hindi naman sa iniisipan ko ng masama si Ray, pero kasi wala pa kaming isang buwan. Hindi pa stable ang tiwala ko.

Natahimik na lang ako hanggang sa umuwi kami sa apartment namin. Wala pang ilaw sa unit ni Ray, ibig sabihin wala pa siya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Allisandra, matanda ka na ba? Maka buntong hininga ka jan kala mo ang laki-laki ng problema mo!" sabi ni Jasmine.

"Alam mo kasi, hindi sinabi sakin ni Raymond na aalis na sila in five days." sabi ko.

"Ha? Bat di niya sinabi sayo? Naku! Babalian ko talaga ng leeg yang boyfriend mo!!" natawa na lang ako ng pilit sa sinabi ni Jas. Kahit kailan talaga.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora