CHAPTER 21

3.4K 58 1
                                    

= = = = = =
CHAPTER 21
-RAYMOND'S POV-
= = = = = =

"TAKE ME TO YOUR ELEVEN AAARMS!" pagkanta ni Alli sa Thinking Outloud.

Well, she has a very loud voice. Hindi ako makatulog. Iniisip ko nga na baka lasing siya kasi kanina pa siya kanta ng kanta kahit mali-mali na yung lyrics niya. Lufet diba?

"ALLI! MANAHIMIK KA NA PLEEEASE?!" sigaw ng bestfriend niya sa kanya.

"HAHAHA. AYOKO NGA? GANDA-GANDA NG BOSES KO EH?" sagot naman niya.

At nagpatuloy siya sa pagkanta. Hays. Push na push niya talaga.

-ALLISANDRA'S POV-

Pagbangon ko ansakit ng lalamunan ko. Urgh. Kinarma na ata ako sa ginawa ko kagabi.

Sunasadya ko talaga na kumanta ng malakas para di makatulog si Raymond. Para maisipan na niyang maghanap ng ibang apartment.

Paglabas ko ng pintuan, nakita ko siyang nag lalakad palabas. Aish. Magkakasabay pa kaming pumasok! Nakakainis. Late na rin ako kaya hindi ko na pwedeng paunahin siya. Magsasabay at magsasabay talaga kaming dalawa.

Mga 3 meters away ang layo ko sa kanya. Ambagal niya pang maglakad. Ayoko naman siyang unahan kasi... Ah basta ayoko!

Pero infairness kay Ray-earth... Hmmm... Nice butt! Gosh. Ang sexy niyang lalaki. May curve yung katawan niya, malaki ang mga balikat, at kapag naglalakad siya, yung pwet niya umaalog ng bonggang bongga! Nakakahiya nga eh? Kasi mas maganda yung katawan niya kausa sa katawan ko.

"Allisandraaa!" biglang tawag sakin ng pamilyar na boses. Lumingon ako at si Clark nga yung tumatawag sakin. Nakasakay siya sa bike. Tumigil ako atsaka siya inantay.

"Haay... Sabay ka na sakin." sabi ni Clark.

"Sige ba. Sa likod na ko aangkas."

"Hindi na. Dito ka na lang sa harap."

Umupo na ko at saka kami umalis.

Si Clark ay isa sa mga matalik kong kaibigan. Para na kaming magkakapatid nila Jasmine. Kapag nasa bahay nga kami nila Jas, Bunso ang tawag nila saken, Kuya naman ang tawag namin kay Clark.

Pagdating ko sa classroom saktong kakarating lang ng professor namin. Buti na lang at naka angkas ako kay Clark.

Tinignan ko yung upuan ni Raymond. Wala pa rin siya.

Nung magsisimula na kaming mag exam, saktong dumating si Raymond. Umupo na siya atsaka kami nagsimulang mag exam.

Pagtingin ko sa exam.

Omagosh. Katapusan na ng utak ko. Gosh. Ansakit sa ulo. Wala man lang ako kaalam-alam dito. Wala akong maisagot kahit isa. Nilingon ako ni AJ na nanghihingi ng sagot. Sumenyas ako na wala din akong maisasagot.

Haays. Gagamitan ko nanaman to ng malupit kong spell.

"Mini mini minee mo babalik babalik sa kanya."

TADAAAA! Nagkasagot din -__-"

"Last 30 minutes!" sigaw ng sugapa naming prof. Letse! May oras pa talaga to ah? Eh ang aga-aga niya kung magpa exam!

Saka. Wala pa kong sagot. Bat ba kasi di ako nag review eh? T___T

Bigla akong mahinang sinipa ni Raymond sa paa kaya napatingin ako sa kanya. Pinapakita niya sakin yung sagot niya.

Urgh. Pride o Answer? Hays. Kainis. No choice na ko. Kaya kinopya ko na. Pero di lahat. Mamaya malaman ni Sir na parehas kami ng sagot eh?

Nung natapos ako, lumingon ulit si AJ sakin. Syempre nanghihingi siya ng sagot. Buti na lang busy yung prof namin kaya di niya alam kung may nagkokopyahan o wala.

At mabuti na lang multiple chance (choice) ang exam. Ibig sabihin, madaling magsenyasan.

Kapag "A" isang daliri as in number "1"

Kapag "B" number "2"

Kapag "C" number "3"

Kapag "D" number "4"

Natapos na kaming mag exam. Sumakit ulo ko nun. May practice sila ngayon ng basketball. Sasali kasi sila sa isang malaking game ngayon. Kung saan, yung isang international coach ay manonood at kukuha ng isang magaling na player at kukunin kapag kagraduate para sa NBA.

Sabi nila, malakas daw ang potensyal na si Raymond ay makuha dahil palaging maganda ang performance niya. Wala talagang forever. Tamo. Crush ko palang iiwan na ko. Saya men!!

Habang nagpapractice sila mag shoot, nagliligpit ako ng mga pinag inuman nilang bote. Mamimiss kong gawin lahat ng to kapag natapos na ang kontrata namin ni coach. Bakit pa kasi ako nag inarte nung una edi sana forever na ko. Hays. Life nga nemen.

Pagdating ng uwian. Naglakad na ko. Napagod ako ngayong araw na to. Dadaan nanaman ako sa 7-11 para kumain. Di kasi ako nakapag lunch. Mejo nahihilo na nga ko eh.

Mga ilang lakad pa, umiikot na yung paningin ko. Hanggang sa hinimatay na ko.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

HAPPY 5K RULE NO.12 :) <3.<3

Hi guys. Sorry ngayon lang nakapag update. Salamat sa lahat ng naglagay ng Rule No.12 sa mga Library at Reading list! Mahal ko kayo.

-zandy_fragileheart

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now