Chapter 2

2.1K 25 0
                                    

-Allisandra's POV-

Maaga akong pumasok sa school para tulungan si coach na mag hanap ng isa pang P.A. magiging busy na rin kasi ako dahil sa third year na ako next school year. Mag hahanap pa ko ng kumpanya na nag ooffer ng internship at meron pa kaming thesis.

Pagkarating ko sa school, nasa loob na ng office si coach at nag aayos ng mga papel na nasa ibabaw ng table. Kumatok ako at lumingon siya sa direksyon ko.

"Good morning, coach!" Bati ko. Pumasok ako sa loob sabay upo sa isa pang swivel chair na nasa opisina niya.

"Good morning. Wala yata sa likod mo si Raymond?" Tanong ni coach.

"Napagod po kasi." Sabi ko naman.

"Easyhan mo lang kasi, Alli."

"Hoy! Grabe naman kayo coach! Ang dumi naman ng utak niyo." Namumula kong sabi kay coach. Tumawa lang si coach ng tumawa habang ako namumuo ang pawis.

"Anyway, mamaya nandito na yung appl lang icant." Sabi ni coach. Tumango ako sa kanya at tinext si Raymond na nandito na ko sa school.

Ilang minuto lang, may kumatok na. Sumigaw si coach na pumasok na siya. Nagulat kami sa pagpasok ng isang babae na naka palda na maigsi at medyo labas ang cleavage. Nakita ko kung paano nanuyo ang lalamunan ni coach kaya todo sa pag lunok.

Medyo malaswa ang pag upo ni ateng! Ang sarap sabihan na P.A ang hanap namin hindi sex slave.

Syempre, hindi siya natanggap. Mauuwi lang siya sa ibang P.A. na napaalis dahil sa pakikipag sex. Atsaka, nang nalaman ng babae na yun ang mga rules kitang-kita sa mukha niya na hindi na siya interesado.

So ano to? Sex lang talaga ang habol sa team? Kaloka!

Maya-maya, dumating si Raymond sa office ni coach. Umupo siya sa tabi ko habang hawak niya ang ibang hibla ng buhok ko. Pagkapasok ni Raymond may isang applicant na pumasok ulit.

Maganda at simple lang siya pero sigurado, ilang ayos lang sa kanya, gaganda na siya.

"Hi, I'am Tamara Marian Monestela." Pakilala niya.

"Anong pwede naming itawag sayo, Ms. Monestela?" Tanong ni coach.

"Marian na lang po." Sagot naman niya.

Masasabi ko na, pwede na si Marian. Mukha naman siyang mabait at mukhang masipag din. Nang matapos si coach sa pag iinterview sa kanya, inilagay ni coach si Marian sa mga pwedeng pagpilian bilang isa pang P.A.

Sabay kaming pumunta ni Raymond sa classroom. Nasa loob na rin ang mga team. Meron na rin kaming mga bagong kaklase galing sa ibang junior team ng basketball na nag aadvance ng subject.

Yung isa, naka upo pa sa upuan ko.

"Excuse me. Upuan ng girlfriend ko yan." Sabi ni Raymond. Hinigpitan ko ang kapit ko sa braso niya para pigilan ang pag init ng ulo niya.

"Bingi ka ba?" Sabi pa ni Raymond.

"Bae, hayaan mo na. Dun na lang tayo." Pilit ko sa kanya.

"Hindi. Upuan na natin yan simula pa nung first semester. Bago lang siya dito."

"Uhm. Leo, lumipat ka na lang bro." Paki usap sa kanya ni King. Umirap si Leo, at binitbit ang binder niya at ballpen sabay upo sa kabilang dulo ng row.

"Tanginang yon!" Bulong ni Raymond. Hinampas ko siya at naka kunot pa rin ang noo niya.

"Hayaan mo na lang siya." Sabi ko sa kanya.

Buti na lang may dumating na, na prof. So far, hindi naman tinitgnan ni Raymond si Leo at ganun din naman si Leo. Mukhang matanda na si Leo. Mas matanda kaysa kay Raymond o sa kahit na sino pang member ng senior team. Ngayon ko nga lang siya napansin sa school eh? And, junior team siya ng basketball.

Eh?! Basta. Ayokong maistress. Dapat intindihin ko ngayon ang iaasal na ugali ni Raymond. Mukha kasing hindi maganda ang impression niya kay Leo.

"I can see new faces here, mind to introduce yourself, please." Sabi ng Professor namin, may nga naunang nag introduce sa harap. Hanggang sa si Leo na lang ang natitira.

"Uhm... Mister, it's your turn now." Sabi sa kanya ng professor. Lahat kami nakatingin sa kanya, pero siya, tumingin pa siya sa likod. Nang makita niya na siya lang ang nasa likod, para siyang tinatamad na tumayo sa upuan at nag lakad papunta sa unahan.

"Asshole." Bulong ni Raymond. Siniko ko siya at saka inirapan.

"I'am Leopald Elizar San Gabriel." Pagkarinig ni Raymond ng pangalan ni Leo, napatawa siya. Kahit naman sino sa amin sa loob ng classroom, nag pipigil ng tawa. "Twenty-one years old."

"What a nice name, Mr. San Gabriel, Leopald Elizar." Our professor mockingly say.

Umupo lang si Leo sa upuan niya at tahimik lang siya buong klase. Pagkatapos ng klase namin, may practice sila ngayon, kasama ang junior team. Sana lang maging maayos lalo na ngayong nandito si Leo. Hindi ko kilala si Leo, but the way he acts, I can sense that he's rude. A cute rude ass.

Nasa loob pa ng locker room si Raymond kaya wala akong katulong mag dala ng mga tubig nila at mga towels. Medyo mabigat pero managable naman.

"Pathetic girlfriend, hindi ka man lang tinutulungan ng boyfriend mo." Napalingon ako kung sino ang nag salita. Si Leo.

I expect him to help me, but he continue to walk. Now, it's proven that he is completely rude. Rude. Rude. Rude.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن