CHAPTER 41

2.6K 36 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 41
-RAYMOND'S POV-
= = = = = =

Unang beses nangyari na hindi sinagot ni Alli ang message ko sa kanya. Maya't-maya ako ng check sa phone ko dahil gusto kong malaman kung sasagutin niya ba yung huli kong chat sa kanya. Online naman siya pero di niya ko kinakausap.

Hindi ko na lang din siya kinausap. Baka may problema siya na hindi ko na sakop ng buhay niya. Hahayaan ko siyang magshare ng kusa.

x x x

Dalawang linggo na lang at pasko na. Ilang araw na kaming ganito ni Alli. Hindi na siya nag-oonline sa oras na pinag usapan namin. Medyo kinakabahan na ko.

Hindi kaya may ginagawang mali si Alli?

-ALLISANDRA'S POV-

"ALLI! BAKIT MO KINAIN YUNG CADBURY KO!" mula sa kusina hanggang sa kwarto ko, rinig na rinig ko ang sigaw ng bestfriend ko. Napailing na lang ako na may halong awa sa mga makakarinig. Hays.

Mga ilang segundo lang nasa kwarto ko na siya at galit na galit siya.

"What?" cool kong tanong.

"Huh? Seryoso ka ba? Alam mo bang hindi ako galit dahil kinain mo yung chocolate ko? Galit ako dahil alam kong stress na stress ka at wala na kong alam sa nangyayari sayo!" Napatingin ako sa baba habang sinasabi niya yan.

"Wala akong problema." pag-dedeny ko.

"Wala ka palang problema eh? Edi bayaran mo yung kinain mo." sabay alis niya sa pinto ko at pumasok sa kwarto niya na nasa kabilang pinto.

Huminga ko ng malalim. Ilang araw na kong naiyak. Pagtulog at kada pag-gising ko. Lalo na kapag napapaharap ako sa pader.

Akala ko masayang mag break ng rules. Hindi pala. Hanggang ngayon hindi ko sinasabi kay Raymond ang nalalaman ko. Hanggang ngayon kasi, pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi niya kailaman magagawa ang bagay na yun. Mahal namin ang isa't-isa. And he made a promise.

Christmas break na. Gusto kong maging exciting ang bakasyon pero, paano? Paano ko gagawin ang bagay na yun kung alam ko sa sarili ko na may kulang?

Online si Raymond ngayon. Sana lang gumana sa kanya ang cold treatment ko.

Bored na ko so kakausapin ko na lang siya.

Me: Hi Bae. Kamusta na?

Ray: Bae, ayos lang ako. Buti na lang nagpang-abot tayo.

Me: Oo nga eh? I miss you.

Ray: I miss you too. Busy ka ba palagi?

Me: Oo

Ray: Baka naman may lalaki ka na bae?

Pagkabasa ko ng sinabi niya kaunti na lang mag-eevolve na ko into GoKu na anytime gagamit ng kemekeme wave! Ang kapaaaaaaal ng kalyo niya sa mukha. Infairness sa kanya!

Nawalan na ko ng gana sa sinabi ni Raymond. Syempre dineny ko na may lalaki ako. At kung meron man, edi its a tie!

Sobrang sakit lang dahil yung nagsabi pa sayo ay ang taong mismong gumawa ng ganung kasalanan.

x x x

Ilang araw na kong nainom ng beer. Natuto na kong uminom ng dahil sa sobrang stress. Kilala na nga ko ng mga tao sa bar at pati na rin sa 7/11 na palaging nabili ng tatlong can ng beer habang nakasuot ng pajama at loose long sleeves polo.

"Miss?" sabi ng isang babae. Pagkalingon ko, siya yung babaeng higad!

"Yes?"

"Do you still remember me?" Tanong niya. Bitch. Of course I do remember her ugly face!

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now