CHAPTER 4

6.1K 84 0
                                    

♥♥♥

CHAPTER 4

-RAYMOND'S POV-

♥♥♥

Ray-earth. Hehehe. Ang kulit talaga ng babaeng un. Siya lang di nabaduyan sa pangalan ko. Turn on sakin ang babaeng tanggap ang pangalan ko. Yung ex ko kaya ko lang naman siya niligawan kasi maganda siya at crush ko siya simula noon pa. Mahal na mahal ko siya. Pero never niyang minahal ang pangalan ko.

Sa loob ng three years naming mag kasama, nag sawa na siya. Pero bakit ako di ko magawang mag sawang mahalin siya. Bakit di ko siya makalimutan?

May bago na siyang boyfriend. Sa ganung paraan nagawa niya kong kalimutan. Gayahin ko kaya siya?

Nakita kong nag lalakad si Alli. haggard  na haggard na siya dahil sa mga bitbit niyang gamit. Pero ang ganda pa rin niya.

I ran to help her.

"Kababaeng tao mo ang bigat bigat ng dala mo."

"Kaya ko naman eh. Saka trabaho ko to."

"Eh pano pag nalaglag matres mo. Naku talaga to. Hatid na kita."

Habang nag lalakad kami, maraming nag bubulungan. Tss. Di niya pinakialamanan. At napa hanga niya ko.

"Salamat ha." sabi niya pag dating namin sa quarters.

"No problem."

♥♥♥

Naulan. Mabuti na lang may dala akong payong. Actually hindi sakin to. Nakita ko lang to sa may quarters kaya kinuha ko. Pababa na ko ng school, pabundok kasi eh. Bigla na lang may kumuha ng marahas sa payong. Pag kakita ko si Alli basang basa ng ulan.

"Walangya ka! Mag nanakaw ng payong!" sigaw niya.

"Sorry naman. Di ko naman alam na sayo yan eh."

"Che!" sabay umalis siya. Hinabol ko siya kasi basa na rin ako.

"Papayong ako." dahil mas matangkad ako sa kanya kaya nakuha ko kaagad yung payong sa kanya.

"Ano ba!" sigaw niya pero ngumiti lang ako. Basa na rin kami pareho kaya non sense na may payong kami kaya tinupi ko na yung payong at sumigaw nanaman siya.

"Raymundo! Pasaway ka!"  pilit niyang kinukuha sakin yung payong pero wala siyang magawa dahil mas matangkad ako sa kanya.

♥♥♥

-ALLISANDRA'S POV-

"kapag tayo nag kasakit lalo ka na patay ka kay coach!" sabi ko kay Raymond. Para naman kasing bata eh.

"Malakas ako kaya wag ka ng mag alala."

Tapos hinila niya ako pasakay ng jeep. Bumaba kami sa may 7 11. Syempre hila-hila niya nanaman ako. -___- Ang hirap maging maliit infairnes.

Umupo ako sa stool na naka harap sa salamin. Maya-maya dumating na si Raymond at may dalang cup noodles. Mabuti nga pinapasok kami dito kahit na basang basa kami.

Chineck ko yung phone ko dahil baka sira na. Thank God. Di naman nasira. may nagtext pa nga eh.

FR. YOBAB

*YOBAB DEAR GAGABIHIN AKO NG UWI. INGAT SA BAHAY. HEARTHEART ♥

Puts! Wala akong susi. Pano na ngayon to?

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon