Chapter 6

1.4K 22 2
                                    

-Raymond's POV-

I need to be extra careful in my actions. Dalawa na ang binabantayan kong asungot na umaaligid sa girlfriend ko. May tiwala ako kay Alli, pero syempre mahal ko siya at hindi mawawala ang pag aalala sakin.

Pinag mamasdan ko lang siyang natutulog sa loob ng yakap ko. Ilang buwan kaming naka survive sa kabila ng mga nangyari sakin at sa kanila ni Marco.

We already moved on. Pero nung nakita ko yung mga mata ni Marco, kung gaano siya nag aalala kay Alli, natakot ako. Nawala na si Alli ng isang beses sakin kaya di ko na hahayaan na mawala ulit siya sakin. No way na mga bes!

As a usual thing, sabay kaming pumasok ni Alli sa school.

"Alli tapos ka na ba?" Pagkatok ko sa pader niya.

"Wait lang! Malapit na ko matapos!" Sagot niya naman. Bumaba na ako para sa pintuan ko na lang siya aantayin.

Meron pa kaming 40 minutes bago ang klase namin. Dinadrive ko lang ang school sa loob ng 10 minutes kapag motor ang gamit ko. Malamang, wala pang tulog at kain yan si Alli kaya mag bebreakfast na lang kami sa labas.

Bumukas ang pinto at tumambad sakin si Alli na kita ang cleavage pero hindi naman sobra. T-shirt lang naman yun na medyo fit sa kaya at medyo reveal ang buong dibdib niya. Naka tight ripped jeans pa siya.

"Tara na." Yaya niya.

"Bakit ganyan yang damit mo?!" Pasigaw ko ng tanong sa kanya. Medyo nagulat pa siya. Tinignan niya yung buong katawan niya at saka niya nilipat sakin.

"Ayos lang naman ha? Hindi naman bastusin." Pagdedepensa niya sa suot niya. Napakamot na lang ako ng batok ng marealize ko na hindi lang naman niya isang beses sinuot ang t-shirt na yan. Mas sensitive na ata ako.

"Bakit bae? Seductive ba to? Ma-rurules nanaman ba ko?" She said panicking.

Inakbayan ko siya at hinalikan sa noo, "hindi bae, ako lang yung nase seduct." Sabay tawa ko.

"Baliw ka talaga! Wag kang mag alala bae, may cardigan akong dala pangtakip sa dibdib ko." Sabi niya naman habang sumasakay siya sa motor.

Pabiro akong may hinahanap sa dibdib niya matapos niyang sabihin yon.

"Oh bakit?" Tanong niya.

"Nasan ang dibdib? Nasan ang tatakpan mo?"  Tanong ko sa kanya. Bigla niya akong hinampas ng malakas sa braso.

"Last mo na yan ha?" Sabay irap niya.

"Joke lang naman yun bae."

"Oo na! Kapag ito lumaki who you ka na!"

"Let's see..." At pinalo niya nanaman ako sa braso. Siguro bago pa kami makarating sa Breakfast Hub may pilay na ko.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now