CHAPTER 16

4.6K 75 2
                                    

= = = = = =
CHAPTER 16
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

Habang pasan-pasan niya ko, nararamdaman ko ang pag hinga niya. Haays. Ang saya ko nanaman!

"Alli, kapag niligawan ko ba yung crush ko sasagutin kaya niya ko?" tanong niya.

From this ^______^ to this -_____________-

Hurthurt dude <\\\\\3

"Alli?"

"Ha? A-ano, oo naman! Ikaw pa!" sabi ko.

Kung ako liligawan mo sasagutin agad kita!

Gusto kong sabihin yan sa kanya. Pero, haays... lutang ang isip niya sa kakaisip sa babaeng mahal niya. Gosh. Nakaka inggit!

-RAYMOND'S POV-

Ano kayang meron kay Alli kapag ino-open ko sa kanya yung tungkol sa crush ko slash siya na-uutal siya, hindi kaya alam niya na? Naku? Baka pag nalaman niya lumayo siya sakin kasi may rules.

Pero hindi ko iniisip yung rules. Dahil ipag lalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya! Hahahays! Pag ebeg pota!

"San mo nakilala yung crush mo?" tanong niya.

"H-ha? A-ano, sa canteen!"

"Hm... Talaga. Anong course niya? Anong major niya?"

Sunod sunod yung tanong niya. Pano ako mag sisinungaling sa kanya?

"Hindi ko pa alam eh?"  palusot ko na lang. Sana maniwala siya.

"Hmm. Ganun ba? Tutulungan sana kita eh?" sabi niya. Hays -.- pano niya naman ako tutulungan kung siya yung crush ko?

"Pano ka naman tutulong? Babae ka eh?"

"Aba! Wag mo kong minamaliit!"

"Maliit ka naman talaga ha?!"

"Hahahaha -.- bahala ka nga jan!"

"Joke lang. Galit ka naman agad..."

At natahimik na kaming dalawa.

Ang sarap sa feeling na karga ko siya... Na, nakayakap siya sakin... Naka patong pa ang ulo niya sa mga balikat ko...

Naalala ko nung nag taxi kami nung hinatid ko siya, naalala ko yung sinabi nung driver. Haha. Akala ko hindi mang yayari yun. Mukhang iiyak nga ko kapag pinakawalan ko si Alli.

Pano ko kaya siya liligawan?

Matanong nga siya. Hindi naman niya alam eh?

"Alli, anong gusto mo kapag niligawan ka?"

-ALLISANDRA'S POV-

Sayang! Hindi niya alam kung anong course nung crush niya! Sisiraan ko sana siya eh? Hahaha!

Nang bigla siyang nag tanong.

"Alli, anong gusto mo kapag niligawan ka?"

Gusto ko lang naman ikaw eh... Haha. Charaught!

"Gusto ko may malaking picture ako sa edsa tapos may naka sulat na malaking i love you Allisandra Nicolie Sarmiento tapos flowers, stick-o tapos may mga ibat-iba pang surprises!" sabi ko. Pero biro lang. Haha. Para namang may gagawa nun para sakin.

Pero kung si Raymond ang manliligaw sakin, okay na yung haharap siya sa mga magulang ko...

"Seryoso ka ba?" tanong niya.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now