CHAPTER 46

2.9K 37 2
                                    

= = = = = =
CHAPTER 46
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

"Aaaaah..." Sabi ko habang nanganga tapos sinubuan niya ko ng lugaw. Chineck pa niya kung mainit pa rin ako gamit ang kamay niya. Kumunot ang noo niya dahil di pa rin bumaba ang lagnat ko na simula pa nung sumugod kami sa ulan kahapon.

"Sorry baby ha? Dahil sakin nagkasakit ka." Sabi niya habang sinusuklay niya ng daliri niya yung buhok ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang baby." Sabay singhot! Uuuugh! Bakit ba kasi kakambal ng lagnat ang sipon! Ayokong-ayoko talaga ang magkaka sipon! Sakit sa ulo eh?!

"Ubusin mo na'to para makainom ka na ng gamot." Sinubuan niya ko ulit.

Hindi ko inaakala na ganito ka-sweet si Marco bilang boyfriend. Napaka maalaga niya. Boyfriend material. Yung aalagan ka kapag may sakit ka, sasamahan ka kapag loka-loka ka, higit sa lahat gwapo, macho, mayaman. Nag stay si Marco sa kwarto ko para maalagaan ako. Nagdala siya ng laptop niya para makapanood kami. Pareho kami na mahilig sa movie series. Una naming pinanood ang Hunger Games, sumunod ang Catching Fire at ang pinaka paborito namin na Mockingjay Part 1. Pareho naming crush si Katniss. Lalo na kapag naka braid ang itim na itim niyang buhok.

Nang makauwi na si Marco sobra sa pang iintriga si Jasmine sakin.

"Gurl, ang sweet ni Marco bebelabs mo!!" Sabay tulak niya sakin.

"Aray ko ha?! Alam kong sweet yung boyfriend ko! Kaya hindi mo na kailangang itulak pa ko?!" Sabi ko naman sa kanya at inirapan siya.

"Nakakalurkey kasi eh? Bat ba ang gwapo ng genes nun?"

"Hindi ko rin alam!" At tumawa kami ng malakas.

Kahapon pa nandito si Marco dahil sa thesis namin. Sakto namang umulan at lumabas ang pagka isip bata ni Marco na nag yayang maligo. Palaging ready si Marco, may dala yang toiletries at extrang damit kapag umaalis na palaging nasa kotse niya. Sumama yung pakiramdam ko pagkatapos naming maligo. Ang unfair lang kasi ang lakas niya! Hindi siya tinablan ng virus!

Bago siya matulog tinext niya ko.

Marco: Kamusta na pakiramdam mo?

Ako: Medyo masakit pa rin katawan ko.

Marco: You want me to hug you?

Ako: SOT ba to?!

Halos natatawa pa ko ng itype ko ang mga yun.

Marco: Hahahaha. Nope. Nasa labas ako ng bahay mo.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Joke ba to? Lumingon ako sa bintana ko para icheck kung may kotse sa labas. At nandun nga siya na nakasuot ng short na black v-neck tshirt at jacket na navy blue at sobrang sexy niya habang naka sandal sa Monterosport niya na red. Eeer. Why so yummy Marco Yvo?!

"Grabe, hustisya sa tambay sa gabi. Ang pogi niya pa rin kahit late na." Sabi ko sa sarili ko habang pinag mamasdan ko siya. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, I'm so careful not to make a single noise. Baka magising si Jasmine.

Pagkalapit ko sa kanya agad niya kong inipit sa yakap niya at hinalikan sa ulo. Matagal kaming nag stay ng ganun nakasandal ako sa kanya na halos mapahiga na kami sa kotse niya. Hindi makapasok ang lamig sa sobrang sarap ng yakap ni Marco. I never felt this before... I feel safe, loved, and I feel like I'm the only woman in his world.

"Matulog ka na baby. Halika papatulugin kita." Natawa naman ako sa tono ng pananalita niya dahil para siyang nanay na nag sasalita.

Dahan-dahan kaming umakyat sa kwarto ko. Medyo malaki naman ang kama ko, kaya nagkasya kami ni Marco. Naka unan ako sa braso niya habang nakaharap siya sakin... At sobra kong nafi-feel ang tigas ng dibdib niya! Ang bango-bango pa niya. Kahit may sipon ko tumatagos sa nostrils ko ang bango niya.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now