CHAPTER 28

2.9K 47 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 28
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

Excited na excited na kinuwento sakin ni King kung pano sila nagbati ni Eunice. Kaya pala wala pa siya kanina sa bahay ni coach, kasi kasama niya si Eunice. At sabi niya, si Eunice daw mismo ang nag set-up ng lahat para magbati na sila.

Awwwww! Ayan lang masasabi ko. Di ko lubos maisip na babae ang babago sa tulad ni King. Si King na ultimate sexminator. Haaays. Sobrang masaya ako para sa kanya.

"Alli, balita ko si Raymond daw nagsabi kay coach na pabalikin ka ha?" sabi ni King habang nakain kaming dalawa.

"Siya nga." at sabay ngiti ko. Bigla naman ngumiti si King na parang tanga.

"Aminin mo gurl, kinilig ka no?" sabi ni King in a beki's tone at saka ako humagalpak ng tawa.

Buong gabi si King ang kasama ko. Hindi ko gano napansin si Raymond kasi busy rin akong makipag tawanan sa iba. Sobra kong namiss silang lahat pati na rin ang makipag kulitan sa kanila. Nakakamiss din na makarinig ng green jokes mula sa mga gwapong nilalang.

Nag-vibrate yung cellphone ko, lumabas ako kasi masyadong maingay sa loob kaya sa labas ko sinagot ang tawag na galing sa unknown number.

"Hello?"

*/Finally, masosolo din kita.

"Huh? Raymond?"

*/Yes ako nga.

"Gagong to. Anong trip mo asan ka?"

*/Nasa tree house ni coach.

"Wait pupunta ko jan."

*/Mamaya na. Excited ka naman eh? May sasabihin pa ko sayo.

Inantay ko kung ano man ang sasabihin niya sakin. Medyo kinakabahan na ko. Hindi naman sa natatakot ako pero sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko.

*/Alli... I... *tooot*

Naputol yung call paghawi ko ng buhok ko. Shit. Eto ang katangahan ko kapag nasagot ako ng tawag eh? Pinuntahan ko na lang siya atsaka naman nakita ko siyang nag lalakad paalis.

"Raymond!" tawag ko. Mabuti na lang at lumingon siya.

"Ano ba yung sasabihin mo?"

"Wala yun... Naisip ko na ang panget kapag ngayon ko sinabi at saka hindi pa personal. Sasabihin ko din yun sayo." sabi niya, at saka nag lakad ulit paalis. Pero yung katawan ko ayaw pa siyang paalisin. Kaya tinawag ko siya.

"Raymond!" napalingon ulit siya sakin at napatigil sa pag lakad.

"S-salamat ulit ha? Sa...sabi ni mama."

Lumapit si Raymond sakin at saka kinulong ang pisngi ko ng dalawang kamay niya. Tinitigan niya ko mata sa mata.

dug.dug.dug.dug.

Nagsasabay na yung tibok ng puso naming dalawa. Parehas kaming unti-unting pinagpapawisan.

"Ayoko na kasing mawalan ako mg taong malapit sakin." sabi niya. Ako? Wala akong masabi. Wala akong maisip sabibin sa sinabi niya.

"Alli, wag mo kong iwan ha?" sabi pa niya.

Bigla ko na lang siyang niyakap at niyakap niya din ako. Mas mahigpit ang yakap namin ngayon kaysa kanina.

"Salamat Alli."

After ng party, umuwi na ako. Nag-lakad ako. Nararamdaman kong may nasunod sakin. Shit lang. Kinakabahan ako. Baka mamaya masamang tao to! Pero hindi ko sigurado kung takot ba ang nararamdaman ko. Sabi ko naman sa inyo, alam ko lahat sa kanya. Kaya lumingon ako sa likod ko.

"Sinundan kita, gabi na kasi eh?" sabi niya.

"Sana dinala mo na lang yung motor mo no? Para di tayo nag lakad." sabi ko. Sana dinala mo yung motor mo para mas romantic.

Malanding utak to! Halay mo te!

Natatawa siyang humawak sa bewang niya.  Matapos yun, natahimik kaming dalawa.

Hindi ko alam kung anong tumama sakin at bigla akong lumapit sa kanya at saka tumingkayad, mabilis kong hinalikan ang pisngi niya.

"Ray-earth... Thank you." nag-iinit ang mukha ko. Grabe na'to. Hindi maprocess ng isip ko na ako ang humalik sa kanya.

He smiled at me, and I blushed (as always -____-).

Naglakad kami ng tahimik hanggang makaratinv kami sa apartment namin.

"Uhm..." sabi ko na parang di ko mahanap ang sasabihin ko. Pareho kaming nakahawak sa pinto ng kanya-kanya naming unit.

"Goodnight." sabi ko. Pero alam ko hindi yun ang gusto kong sabihin.

"Goodnight too Allisandra." saka siya pumasok at pumasok na rin ako. Umakyat ako ng kwarto na hawak ang labi ko. Damn. Damn this mind, this automatic-mode na body! Keme!

Humiga ako sa kama ko. I face the wall. I know behind this wall is the man who kissed my lips first, who make me blush, and my crush. Sana lang mawala ang wall sa buhay namin para maging kami na T^T

--------------------
===========

LALALALALALA. Haha. Thanks for waiting.

-zandy_fragileheart:*

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now