Chapter 5

1.5K 25 0
                                    

-Allisandra's POV-

Nakapikit akong nakahawak kay Leo habang papalapit na kami sa court. Naririnig ko na ang pito ni coach, mga ingay sa court, mga tilian ng mga babae, at kung ano-ano pa.

"Ibaba mo na lang ako please." Sabi ko sa kanya. Ayokong mag away kami ni Raymond. Wala naman akong ginagawang masama pero malaki ang inis ni Raymond sa tao na to kaya di malayong mag away kami.

"Wag kang mag alala, hindi tayo dadaan sa court. Para namang di ka nag aaral dito hindi mo alam ang short-cut papuntang clinic." Nagulat ako sa sinabi niyang short cut, hindi ko kasi talaga alam yon. Malaki kaya ang school?

Dumaan nga kami sa short cut na sinasabi niya at hindi kami nakita ng kahit sino mang nasa court. Nakahinga naman ako ng malalim dun.

"Nurse, paki check naman siya. Nadulas kasi sa balat ng saging." Sabi niya sa nurse pagkarating na pagkarating namin.

Inilapag niya ako sa higaan ng dahan-dahan.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sakin.

"You're welcome." Sagot niya. "Una na ko, may practice pa kami, di ba? Sasabihin ko na lang sa team yung nangyari."

"Ako na mag sasabi kay Raymond." Sabi ko sa kanya. Baka kasi kung ano-ano sabihin niya o hindi kaya ma-misinterpret ni Raymond ang lahat ng nangyari.

"Worried? Why? May tiwala naman sayo si Manlangit di ba?" He smirked.

"Alam ko. Pero..."

"Okay, bahala ka. Pagaling ka na lang. And please, bumili ka ng katalinuhan hindi yung tatanga-tanga ka sa pag lalakad." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumawa lang siya sa ekspresyon ng mukha ko atsaka lumabas ng clinic si Leo.

Mga ilang minuto lang nasa loob na ng clinic si Raymond. Hindi ko alam ang emosyon na bumabalot sa mukha niya.
Pero agad niya kong nilapitan, at dahil don, medyo nabawasan yung ka ba ko. Sana lang talaga walang sinabing masama si Leo sa kanya.

-Raymond's POV-

"Leo, paki sabihan naman si Alli na bumaba dito, pupunta ka na rin naman sa locker di ba?" Bilin ni coach kay Leo. Agad na napaling sa kanya ang tingin ko nang marinig ko ang utos ni coach.

Wag siyang mag tino, may kalalagyan sakin yang lalaki na yan.

Tumakbo na nga papa alis si Leo. Nagpatuloy kami sa pag papractice. Medyo ganado kami ngayon lalo na sila na mahihilig sa babae. Sobra kasi ang dami ng nanonood sa practice namin.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon