Chapter 7

1.1K 20 0
                                    

-Raymond's POV-

"Congratulations to Mr. Manlangit for making it to the top. Good job!" bati saakin ng professor ko matapos kong magkaroon ng mataas na grade. Well, hindi ko naman magagawa lahat ng to kung wala akong girlfriend na masipag na palalahanan ako ng mga dapat kong gawin.

I really feel good and I want to hug Alli and tell what happened. Para akong bata na nakasama sa top ten na gustong-gustong ipagyabang sa nanay ang nangyari. Nag madali akong umalis ng classroom para makarating ako ss classroom ni Alli. Kahit na marami akong mabangga wala na akong pakialam dahil gusto ko na kaagad makita si Alli at ipagmalaki sa kanya kung anong nangyari sa mga hirap niya. She'll be very proud of me, I know that.

Nakita ko sa hallway si Leo, na alam kong kaklase ni Alli sa subject niya ngayon. Naglalakad na si Leo papunta sa direksyon ko galing sa classroom nila. Gustong gusto ko ng ibalita kay Alli ang achievement ko, because I cannot be like this without her. My achievement is hers too, so kahit na nayayamot ako sa pag mumukha ni Leo nilapitan ko siya para tanungin kung nasaan si Alli.

"Nasa classroom niyo pa ba si Alli?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman pumasok yun eh?" Sagot niya sakin.

"Anong hindi? Hinatid ko pa nga siya dito." Salubong ang kilay kong sagot sa kanya. Tumawa naman siya ng bahagya.

"Oo nga pala, hinahatid mo siya kaya lang iba ang sumundo sa kanya." Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya, hindi ko kasi maintindihan talaga.

"Sinong sumundo?"

"Si Marco." Diretso niyang sagot saakin.

Hindi na ako nag sayang ng oras ng marinig ko ang pangalan ni Marco. The thought of Alli being with that guy scares me for real. Alam kong may pinagsamahan sila noong mga panahong malabo ang relationship namin ni Alli. Ayokong makita nanaman ni Alli yung comfort na naranasan niya kay Marco. I don't want that thing to happen again.

I trust Alli. I just don't trust Marco. Hindi naman kami ganito ni Marco noon. We treat esch other like brothers that's why I have no idea why we hate each other now. Pagkatapos ng nangyari saamin ni Alli at pati na rin ang nangyari sa kanila ni Alli, hindi na kami ulit nag pansinan.

Tatawagan ko sana si Alli pero bigla niya naman akong tinawagan.

"Bae?" Tawag ko sa kanya dahil wala akong marinig sa kabilang linya.

"Alli ayos ka lang ba?" Bigla akong naka rinig ng pag hikbi sa kabilang linya.

"Bae..." She said between her sobs.

"Nasan ka ngayon? Susunduin kita." Sumakay ako kagad sa motor.

"Nasa apartment na ako." Sabi niya.

"Okay. Papunta na ko dyan."

Pinaharurot ko na kaagad ang motor ko pauwi sa apartment. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong napag usapan nila ni Marco. Ayokong mangyari na mag bago ang isip ni Alli, baka bigla siyang makipag hiwalay siya sakin at sumama siya kay Marco. Hinding hindi ako papayag na mag sama. If ever na mangyari yon, I'll never do the same mistake. I'll win her back everyday until she realize that I'am her the one.

Pagkarating ko sa apartment agad akong dumiretso sa kwarto niya. Nakahiga si Alli at nakaharap sa pader. Humiga ako kagad sa tabi niya at niyakap.

"Ang sexy talaga ng mahal ko." Sabi ko sa kanya sabay halik sa balikat niya.

"Raymond..." Humarap siya sakin, magang maga ang mga mata niya. Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata niya at nginitian siya.

"Ang panget mo kapag umiiyak ka." Biro ko. Pinipilit kong maging masaya ang tono ng pag sasalita ko, kahit na kinakabahan ako at natatakot.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now