Chapter 18

62 1 1
                                    

Chapter 18

- ALLISANDRA'S POV -

"KUNIN mo kasi 'to!" pasigaw na sabi sakin ni Jasmine dahil sa pangalawang beses, tinanggihan ko ang pera na binibigay niy1a sakin.

"Jas, wag na. Madami na kaming utang. Hindi kita mababayaran." Honest kong sagot sa kanya. Umirap si Jasmine saka niya nilapag sa tabi ko ang pera.

"Alli, wag mong madaliin ang bayad sakin. Alam naman nating hindi talaga kasya yung allowance mo at kita mo sa part-time." Naka pamewang niyang sabi saakin.

Pagkatapos kasi ng isang linggo simula nung nalaman kong hindi ako makakapag exam at makakapag thesis defense dahil sa balanse ko sa tiution, isa na yata ako sa pinaka stress na studyante na nabubuhay. Hindi kasi ako pupwedeng ma-late ng bayad sa tuition dahil ayokong may binabalikan na subject, at saka gusto kong makasabay gumraduate si Jasmine, si Ray, at syempre ang team.

"Naiiyak tuloy ako!" Reklamo ko kay Jasmine.

"Gaga ka! Wag kang iiyak pati ako madadamay!" Sabi niya. Umupo siya sa tabi ko at umakbay. "Kaya mo yan, Alli." sabi niya. Hindi ko kinaya at sadyang bumagsak ang luha ko. Natatawa na lang kami ni Jasmine nang tumulo din kaagad ang luha niya. Para lang kaming mga tanga na mabilis umiyak at mahawa sa iyakan. I am so blessed that I have her beside me. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa masabi kay Raymond. O.A kasi mag react yung lalaki na yun lately. At saka alam kong gagawa din siya ng paraan para matulungan ako financially, which again, hindi ko gusto. I would of course appreciate the thoughts, pero hindi ko kayang tumanggap ng pera sa kanya dahil boyfriend ko pa lang naman siya.

Habang natutulog ako, napapanaginipan ko yung notice galing sa admin office. Parang nag sasalita ito at pinag didiinan ang bawat nakasulat, yung presyo ng utang, yung kinahantungan ng utang, mga pwedeng mangyari kapag hindi na settle yung amount na kailangan para lang maka tawid ako sa susunod a school year. It almost feels like a nightmare and I don't like it.

Kina-umagahan sa school, pilit kong pinipigilang wag makatulog. Naka ilang tumba din ang ulo ko sa kapipigil wag makatulog, mabuti nalang at natapos ko ang klase.

"Sayo na to, mukhang mas kailangan mo to kaysa sakin eh?" Sabay abot sakin ni Leo ng energy drink.

"Thank you!" Hindi ko na tinanggihan ang alok niya at saka ininom ang inumin. Inaantay kong mag tanong saakin si Leo kung bakit ako antok na antok pero hindi naman siya nag tanong. Wala naman akong balak itago sa kanya na nag tatrabaho na din ako. I'm sure he would understand.

"Anong oras shift mo mamaya?" Bigla niyang tanong na halos maibuga ko na ang iniinom ko. Akala ko naman kasi hindi pa niya alam. Pero paano niya nga pala nalaman?

"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin. "Wait lang, tatawagan kita mamaya. Five minutes please." Sabi niya sa cellphone.

"Ako ba yung tinatanong mo kung anong oras ang shift? Or yung kausap mo sa phone?" Tanong ko naman sa kanya and he seems confused.

"Uhm, I was not talking to you so, yeah... I was asking someone on the phone." He answered confused about what I've just asked him.

Napa tango na lang ako. "Yeah, of course." Sabi ko pa habang paatras na lumayo sa kanya hanggang sa nag madali akong umalis papalayo para makaligtas ako sa kahihiyan pero, nang makarating ako sa loob ng building naka bangga ko naman si AJ.

"I'm sorry, AJ." Aligaga kong sabi.

"Allibabes! Okay lang yan, ikaw naman naka bangga sakin. Kung iba syempre alam mo na..." He said in a "manyakis" tone na akala mo naman nagets ko ang sinasabi niya. "Anyway, mamaya nasa Sunset Trio ako, gusto mo ba sumama sakin or sa Paradise ka lang?" Mahinahon lang ang boses ni AJ ng itanong niya yun saakin habang nag lalakad kaming naka-akbay siya.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now