CHAPTER 39

2.6K 47 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 39
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

1 Month Ago

"Hi Bae!" bati ko sa kanya kahit na mejo inaantok pa ko. Umaga sa Pinas gabi naman sa kanila. Minsan ako ang nag aadjust. Siya naman ang online sa umaga ako naman sa gabi.

"Bae mag ayos ka muna mag hilamos ka muna ang dami mo pang muta oh?" sabi niya.

"Mamaya na bae, gusto ko munang maka-usap ka."

Ayun nga ang nangyari. Nagkamustahan kami. Palagi niya kong kinakantahan, tapos palagi niyang kinukwento anong nangyayari sa kanya. Syempre ganun din ako. Minsan kapag may time siya, nagvi-video call kami kasama ang team. Hindi naman ako nahihirapan kagaya ng iniisip ko. Naka survive kami ng isang buwan. We have five more months to go through...

"Okay, bae... Bye. I love you..."

"I love you din bae. Ingat ka jan ha."

Sinara ko na yung laptop na pinahiram sakin ni Ate Reycie at muli akong humiga pero hindi na ko natulog. Mga ilang sandali pa, nag ready na ko para pumasok.

After ko maligo, nakatanggap ako ng text galing kay Marco.

"Alli, pwede ka bang pumunta dito sa condo ko. I just need someone to talk to." pagbasa ko sa text niya.

Ano naman daw kayang problema nun? Nagbihis na lang ako para puntahan siya. Malaki siguro ang problema ni Marco. Mga ilang araw na ring matamlay at tahimik si Marco. Hindi namin pare-pareho alam kung anong problema niya dahil masikretong tao si Marco. Sabi ko nga, mas kaya niyang ibulgar ang sexual life niya kaysa sa personal.

Tinext niya sakin ang address ang condo niya pati na ang number ng unit. Grabe. Lahat na lang halos ng nag-aaral sa G.U mga naka condo. Liberated kiddo ba sila? Ako nga apartment lang eh? Hindi pa sound proof. Nahirap tuloy akong sumigaw nung alam niyo na. Hihi ^____^

Nang nakarating ako sa condo niya sumilip ako sa peep hole. Naka-ilang katok din ako sa pintuan niya kaya lang walang sumasagot.

"Madam kayo po ba yung girlfriend ni sir? Halina kayo pasok po kayo." nagulat ako sa biglang nagsalita. Isang matanda na naka uniform na white. Hindi na ko nagsalita at pumasok na lang.

Pagpasok ko ng bahay mejo magulo pa. At... Ang baho. Naghalo na yung amoy ng alak, yosi, at pawis. Lalaki nga ang nakatira dito.

"Pasensya na po kayo di pa ko tapos maglinis ng unit ni sir, ibinili ko pa kasi siya ng pagkain." sabi nung babae habang dala niya yung tray ng lugaw.

"Sige po manang ako na lang po mag-dadala niyan sa kanya." sabi ko.

"Ay salamat ma'am. Eto po. Ipainom niyo na rin po yang gamot sa kanya." sabi nung matanda habang iniaabot sakin ung tray.

Ipinagbukas ako ng pinto ni manang at nakita ko si Marco na naka higa ng di ayos sa kama niya. Ugh! Ang baho talaga ng bahay niya! Hindi yummy masculine scent, amoy balugang lalaki ang amoy.

Inilapag ko yung tray sa bedside table, Umupo ako sa gilid niya para magising ko siya

"Uhm... Marco? Gising na." niyugyog ko siya ng niyugyog pero panay ungol lang siya. Hay! This is out of my job description! P.A ako ng team hindi ako P.A ng halimaw na to. Kundi ko lang siya kaibigan.

"Hoy! Marco kapag di ka gumising sisipain kita palabas ng condo mo!" sabay malakas na hampas ng newspaper sa noo niya habang naka luhod ako sa kama niya.

"Aaah!" napalakas ang maghanoas ko kaya napatayo siya kaagad. Na-out of balance ako bigla at nahulog sa kanya, diretso sa labi niya. Hindi ko kaagad naialis ang labi ko sa gulat. Shit.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now