CHAPTER 15

5K 65 1
                                    

= = = = =
CHAPTER 16
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = =

"San ka nanaman pupunta?" tanong ng bestfriend ko.

"Uhm. May dinner kami sa bahay ni coach eh?"

"Okay. So kami na lang mag didinner ni Kevin."

"Oo kayo na lang. Siguraduhin niyong kanin ang kakainin niyo ha? Baka mag egg and hotdog sandwich lang kayo with mayonnaise." sabi ko. Sinamaan ako ng tingin ng bff ko.

"Pano mo nalaman na yan ang kakainin namin ha?!" biro niyang sabi. Tumawa lang kami pareho at nagbatukan. See? We really love each other! Feel na feel namen ang pag mamahalan sa pamamagitan ng pag babatukan!

"Sige na layas na!" sabi pa niya.

Naglakad na ko papunta sa sakayan ng tricycle. Naka tokong shorts na pink lang ako atsaka white na t-shirt sabay keds na sapatos. Wala din akong dalang bag. Wallet, cellphone at headset ko lang ang daladala ko.

Ayan na lang sinuot ko. Kasi naalala ko na nasa rules ang bawal magsuot ng seductive attire. Nung victory party kasi yung suot ko alam niyo na. But alittlebit lang naman yun noh. Di gaya ng mga kasamang babae ng mga bakulaw na yun.

Nang naka rating na ko sa bahay ni coach, naririnig ko na ang pag tribble ng bola. Mukhang nag lalaro sila. Meron kasing half court si coach eh? Grabe kasi sa laki ang bahay ni coach. Kaso siya lang mag-isa. Nakakapag taka lang. Hehehehe ^_____^

"Hey Alli. Mabuti nandito ka na. Kala namin di ka dadating eh?" sabi ni AJ.

"Ano ka ba? Syempre bawal tumanggi sa pagkain!" sabi ko.

"Uy baby, ang cool ng headset mo ah? Pa-testing... Please?" sabi naman ni Marco. Iniabot ko sa kanya ang headset ko.

Natigil silang maglaro at nag kwentuhan kami. I mean, sila. Hindi ako makarelate dahil ang pinag uusapan nila ay kung pano nila napa ungol ang mga babae nila. Si Marco na gamit ang headset ko, hindi naka tiis at nakipag kwentuhan na rin. Gusto ko sanang kunin yun pero hawak niya pa rin. :(

"Grabe. Yung si... Ah basta nakalimutan ko pangalan eh?" Sabi ni Marco na iniisip pa kung sino ang ikukwento niya.

"Grabe pare nag CR ako bago kami mag simula, pag labas ko nasa pintuan na ng CR naka hubad na! Tayong-tayo tuloy yung alaga ko! Hahahahaha!" dugtong pa niya. Nagtawanan ang buong team. Napapa ngiti na lang ako sa naiimagine ko kung pano nangyayari ang mga kinukwento nila.

"Haha! Malupit yang babae mo pre. Tang ina nga nung akin eh? Pinang gigilan yung junjun ko, ansakit pre!" sabi ni King. Tumayo siya sa harap ni AJ.

"Tignan mo nga pre kung may sugat?"

"Pakyu ka King! Dagdagan ko yan!" at sabay nagtawanan sila. Si Raymond tahimik lang na nakikinig sa kanila at napapa ngisi na lang.

"Gago pre si AJ narinig ko sa kwarto ang lakas umungol!" sabi naman ni Allan.

"Tanga sinong di uungol eh napaka galing magdrive ng kasama ko?" sabi ni AJ.

"Hindi nga tol? May number ka ba niya? Penge naman nang matesting!" sabi ni Marco. At binigay nga ni AJ.

Haaays. See? Sinong makaka relate jan? Antahimik naming dalawa ni Raymond. Pano wala naman siyang maikwento!

Kung may nangyari kaya samin ikukwento niya rin?

Eeeew! Sabi ng konsensya ko. Gusto mo bang ikuwento niya na virgin ka at walang alam?

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now