CHAPTER 22

3.8K 54 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 22
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

"HAY NAKO ESANG! MABUTI NA LANG TALAGA AT MAY TUMULONG SAYO SA DAAN KUNDI PANO KA NA!" sermon ng nanay ko sakin. Tinawagan kasi ng clinic ang guardian ko. Dun kasi ako dinala ni Raymond.

Hays. Halos di ko iniinda yung panenermon ng nanay ko. Ayoko sanang isipin na sinusundan niya ko ng mga panahon na yun, kasi mamaya di naman pala... Pero... Lakas kasi ng loob ko na sinundan niya talaga ko eh.

Dinala niya ko sa clinic sa school. Di pa naman kasi ganun kalayo nung nahimatay ako. Tapos mga ilang sandali pa nagkamalay na din naman ako. Na-over fatigue daw ako sabi nung Nurse namin.

"Pinasalamatan mo na ba yung tumulong sayo ha?" tanong ni Mama.

Pagkagising ko, wala na si Raymond. Sinabi lang kasi sakin nung nurse na siya yung naghatid. Kilala na sila ng staff ng clinic dahil matakaw sila sa away dati, saka syempre mga player sila kapag may fracture sila, kailangan ng mga pro.

"Hindi pa nga eh? Kasi bigla siyang umalis." sabi ko.

"Nako... Nakakahiya naman. Kakilala mo ba siya? Classmate mo ba siya?" tanong ni mama.

"Ah... Kaklase ko po yun. Magpapasalamat ako sa kanya bukas."

"Bukas pa? Eh nasa pinto na siya." sabi ni Yobab. Mula sa screen ng pintuan namin, parang may poging kapre na nakatayo sa labas. Nagmadali si mama na buksan yung pinto at pinapasok siya.

"Uhm..." pasimula niya.

"Ijo ikaw ba yung tumulong sa anak ko?"

"Opo. Ako nga. Dumaan lang po ako para isauli tong ballpen na nahulog niya." mula sa bulsa niya, kinuha niya yung Friction Ballpen ko.

Kinuha ko kaagad yun sa kanya. Buti na lang nakuha niya yun. Mahal pa naman ng ballpen na to :3

"Salamat ha. Salamat sa lahat." sabi ko.

"Wala yun. Sige po tita. Pupunta na po ako sa unit ko." sabi niya.

"Ah sige. San ka ba nakatira?"

"Sa kabilang kwarto lang ho."

"Ah talaga. Edi dito ka na lang mag hapunan mamaya. Para naman makabawi kami sa ginawa mo."

At nanlaki ang mata ko. Did my mother just invited him for dinner?! Huh... Really... Wala na kong magagawa. Ayun na eh?

Lumabas si Raymond sa apartment namin at pumunta na siya sa kanya.

Mga ilang sandali pa, inutusan kami ng nanay ko na pumunta sa palengke para mamili ng kakainin.

At habang namimili kaming dalawa...

"Siguro kinikilig ka na dahil si tita na mismo ang nagyaya sa crush mo para sa dinner." sabi ni Jasmine.

"Excuse me hindi no. Hanggang ngayon galit ako sa kanya. Nang dahil sa kanya kaya ako nasabunutan ni Valerie."

"Hay nako... Hindi pa ba sapat yung bawi sayo ni Raymond? He saved your life!"

"No. The nurse did. Haha. Ewan ko baka nagmamaganda lang talaga ang whoremones ko. Hahahaha."

Matapos naming makabili ng mga ingredients ng adobo umuwi na din kami.

Habang nasa daan napaisip ako. Nakain kaya ng adobo si Raymond? Hay. Ako pa naman ang magluluto. Baka di niya magustuhan. Hay. Bakit pa kasi kailangan siyang inbitahin sa dinner eh? Like hello? A simple thank you will suffice! Pwede naman siyang tumanggi sa request ni mama no? Wala ba siyang pang-dinner kaya niya tinanggap? Nakakainis talaga.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now