Chapter 11

93 3 2
                                    

Excuse me lang po ❤ I know what I have written on chapter 10. Akala ko din last chapter na yun. Pero nung binasa ko, ay nabitin din ako. Haha. So, I'm giving you, ladies and gents, another chapterrrr... Enjoyyy!

............

Chapter 11

- Raymond's POV-

"Please na, Ate! Isingit mo na to sa program mo mamaya!” pilit ko kay ate Raycie. Pagkatapos ng klase ko, hinabol ko sa bahay si ate para sabihin sa kanya ang plano ko.

"Ray, ilang buwan palang ako sa station after giving birth sa kambal. If this stupidity ruined my career, magtatrabaho ka ng maaga, ikaw ang sasagot sa gatas at diaper ng kambal!" Banta sakin ni ate, sabay kuha ng papel ko kung saan nakalagay kung ano ang ipapagawa ko sa kanya.

Pagkatapos pumayag ni ate, sunod na kinontyaba ko ay si Jas. I told her na, dapat madala niya sa balcony ng apartment si Alli pag oras ng program ni DJ Sam. Nung una, mejo nag-cringe siya sa balak ko. Pero wala naman siyang nagawa. Ililibre ko nalang sana siya pag katapos pero dahil idol niya si Dj Sam, nagpadala siya sakin ng picture nilang dalawa sa isang mall tour na balak niyang palagyan ng autograph. Hay, sana kapag binigay ko to kay ate, hindi niya ako masapak.

Ayoko ng patagalin pa ang away naming dalawa. Inaamin ko namang nasobrahan ako sa pananalita, pero sino bang hindi? Mahal na mahal ko si Alli at wala na kong ibang gusto pa kung hindi, magsama kami ng tahimik. Matapos lang tong problema naming dalawa, haharapin ko naman si Marco at Leo.

The radio program starts at 8PM. Nasa loob lang ako ng unit ko at nag aantay na tawagan sa radio station. Oo dapat talaga, listeners ang tatawag pero dahil nga sa pinagawa ko kay ate, siya ang tumawag sakin.

"And here's our caller for tonight. Siya ay isang college student, varsity player ng school. Naku, sana naman hindi siya player dahil kung magkataon, hindi ko siya papansinin! But anyways, kindly introduce yourself caller."

Kinakbahan talaga ako dahil first time ko to, kaya huminga na muna ako ng malalim. "Hi DJ Sam," luckily, it went smoothly. Lumabas ako ng dahan dahan sa unit ko para makita ko ang reaction ni Alli mamaya.

"hello sa mga nakikinig, at hello sa mahal ko."dugtong ko pa.

"Kaboses siya ni Raymundo." Narinig ko namang sabi ni Jasmine nang palabas na ko sa gate.

"I'm Earth from Greenfield University, nagmamahal ng isang babae. Isang babaeng simple, hindi man siya sobrang ganda sa iba, pero para saakin siya ang definition ng anghel. DJ Sam, kaya ako tumawag para maipakita sa lahat na mahal na mahal ko siya. Gusto kong ipagsigawan ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto kong manghingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng nasabi ko, at sa lahat ng maling pag iisip ko sa kanya."

I have been the total asshole to Alli and she did not deserve to be treated like garbage. I planned to hide my identity so I used Alli's nickname for me. It's the cutest nickname I ever had. Habang nasa phone ako, binuksan ko ang kotse ko kung saan ko tinago ang bouquet ng roses. Alli is the type of girl na sasabihin niyang ayaw niyang makatanggap ng bulaklak dahil sayang pero deep inside gusto niya, that's why I got it for her. Napalakas ang sara ko ng pinto kaya napalingon siya sa direksyon ko kaya hindi ko na pinatagal pa.

"Allisandra Nicholie Sarmiento, I love you today, tomorrow, and forever. Sorry sa mga nasabi ko sayo, sorry sa pagiging gago ko, sorry mahal... Hindi ko kayang mawala ka sakin. Kung nakikinig ka man ngayon sana lumabas ka ng apartment niyo ngayon. I want to hug you, I want to kiss you, I want to show you how sorry I am." From where I'm standing, I can see that she is about to cry. Bumaba si Alli at patakbo niya kong pinuntahan.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now