CHAPTER 29

2.9K 48 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 29
-RAYMOND'S POV-
= = = = = =

"Nice! Good job King! Yes that's right AJ! Come on guys! Move! Move! Move!"

Ganado ang lahat mag practice ngayon. Nasa malaking court kami na malayo sa school. Syempre kasama namin si Alli.

"Raymond! Do the three points!" sigaw ni coach.

Isang magandang practice ang nangyari ngayong araw. Ang sarap sa pakiramdam. Nasan kaya si Alli? I wanna hear some, 'Ang galing mo kanina!' from her. And then I saw her with King. She's laughing, she's so comfortable with him. Lumapit ako sa kanila.

"Alli, yayayain sana kita mamaya. Movie marathon tayo." sabi ko.

"Tamang tama, nagyaya din si King. Bakit di na lang tayo mag sama-sama? Dun na lang sa bahay. Dalhin mo yung mga movies mo King ha? Matinong movie hindi porn!" bigla akong nawala sa picture. Sila na lang ang nagtawanan. Ako? Naglakad na lang paalis.

Sana lang talaga hindi pa sila nagkikiss ni King. Dahil kung nagkiss na sila mapapatay ko si King. Ako lang dapat ang una at huling makahalik sa mga labi niya!

-ALLISANDRA'S POV-

Ganun na lang yun? Aalis na lang siya agad? Hindi man lang siya umayaw sa idea ko? Duuh? Hays. Bakit ka ba kasi naasa Alli? Tanga-tanga mo rin kasi eh? Tigilan mo na.kasing makinig kay King!

Si King. HA! Tama! Siya ang may ideya na pagselosin ko daw si Raymond. Paglingon ko sa tabi ko tumatakas na si King kaya hinabol ko siya.

"Langya ka!" sigaw ko sa kanya. "Tatakasan mo pa ko ha!"

"Hays. Sorry na. Hindi ko naman alam na ayun ang mangyayari. Pero wag kang mag-alala. Nakikita ko namang selos mode ang paglakad niya kanina." pagkukumbinsi pa niya.

"Talaga?" tanong ko at sabay nag pout.

"Super duper sure. Wag kang mag alala. Magiging date niyo yun mamaya." saka kumunot ang noo ko. Surebels. May pinaplano nanaman to si King -.-

Pagkarating sa bahay, naglinis ako. Pinalitan ko yung mga punda ng throw pillow at nag vaccum ng carpet sa sala. God. Narealize ko na dapat na naming mag general cleaning ng best friend ko. Haha. Ang hirap pala na pareho kayong di mahilig mag linis ng bahay.

Mga ilang sandali pa, kumatok na si Raymond. Medyo awkward nga eh? Pinapasok ko siya sa loob at saka naman ginawang komportable ang sarili.

Oh wait... Hindi pala siya komportable. Naka upo siya ng ayos, palinga-linga sa paligid, naka hawak ang mga kamay niya sa tuhod niya. As if naman na first time niyang pumunta dito?

I chuckled.

"You look so stupid man. C'mon. Wag kang pabebe. Sa lapag na lang tayo umupo." yaya ko sa kanya. Umupo kami sa sahig at saka niya binuksan yung softdrinks at mga chichirya.

Habang nanonood kami, hindi ko namalayang magkadikit na pala yung mga balikat namin.

Action ang pinapanood namin, at everytime na may morbid na scene tinatakpan niya yung mata ko. Nung horror naman ang pinapanood namin, god... Laking pasasalamat ko dahil pareho kaming takot manood.

I screamed, and he hugged me tight. Enebe... Ang bango niya! Parang gusto ko pa ng nakakatakot na scene.

"Uhm... Alli okay na."

"Huh? Uh? Oo. Whooo... Thanks." pagkakalma ko sa sarili ko. Hindi sa takot kundi sa kilig. Natapos namin panoorin lahat ng meron siyang movie.

"Bye. Thanks by the way." sabi niya.

Pagkatapos kong mag linis ng katawan, umakyat na ko sa higaan ko. Hays. Ansarap sa pakiramdam dahil kasama mo siya.

Mula naman sa ding-ding kumatok siya. Kumatok din ako.

"Hindi ako makatulog..." sabi niya. Napangiti ako... Hihihi. Kashi nemen eh, fareho kaming di makatulog...

"Ako din eh? Bakit kaya?"

"Hays. Alli, naiisip..." natigil siya sa pag sasalita. Oh... Alam ko namang iniisip mo ko.

"Iniisip ko yung napanood natin kanina. Baka mamaya nasa ilalim na ng kama ko. O baka naman nasa bintana nakasilip." I frown. Hayop na yun. Akala ko naman kaya di makatulog kasi iniisip ako! Akala ko naman pareho na kami. Haaaays :/

-RAYMOND'S POV-

Mabuti na lang hindi dumating si King. Nasolo ko si Alli. Hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari ngayong araw.

Naka ilang ikot na ko sa higaan ko kaya lang naiisip ko pa rin kung pano siya tumili sa panonood. Itetext ko sana siya kaya lang di nagsend. Wala na pala kong load.

Tinry kong kumatok sa pader. Kumatok din siya at napangiti ako. Sana di rin siya makatulog dahil iniisip niya ko.

"Hindi ako makatulog." sabi ko. Hays. Di mo kasi ako pinapatulog.

"Ako din eh? Bakit kaya?"

Sasabihin ko na sana kung bakit ako di makatulog. Kaya lang natatakot nanaman ako. Baka kasi pagtawanan niya lang ako, tapos ipag sabi pa niya kay King. Tapos pag nalaman ni King ipagkakalat niya sa team. Kapag nangyari yun ma-rurule no12 nanaman kami.

"Hays. Alli naiisip..." urgh! Ano ba?! Sasabihin ko na ba?

" Iniisip ko yung napanood natin kanina. Baka mamaya nasa ilalim na ng kama ko. O baka naman nasa bintana nakasilip." palusot ko na lang.

Napaka myterious ng pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganto.

----

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now