CHAPTER 42

2.6K 33 0
                                    

= = = = = =
CHAPTER 42
-MARCO'S POV-
= = = = = =

Pagewang-gewang kami ni Alli kung lumakad. Sinamahan ko siyang uminom  dahil hindi ko rin siya maiwan na naglalasing mag-isa. Tinawagan ko ang bestfriend niya para itanong kung anong address nila at agad niya namang sinabi sakin kung saan, galit na galit pa siya sa sinabi kong lasing si Alli.

Malapit lang naman ang bahay ni Alli sa sports complex kaya madali ko lang siya naipagdrive sa bahay nila. Tulog na si Alli na nasa passenger seat. Tinignan ko siya ng mabuti. Maganda naman si Alli, maliit nga lang pero bagay naman sa kanya. Mabait si Alli, mataas ang sense of humor at hindi maarte. She doesn't deserve all this pain. Pero naiintindihan ko si Raymond bilang isang lalaki.

"Ang ganda ko di ba kaya ka napapatulala sakin." nagulat ako ng magsalita si Alli. Namula ako sa sinabi niya, akala ko naman tulog na tulog siya.

"Hihihi. Namumula ka Marco Yvo S. Vallejo! Huli ka!"

"Halika na. Andito na tayo sa apartment mo." sabi ko sa kanya. Tatanggalin ko na sana yung seatbelt niya kaya lang pinigilan niya ko.

"Wait lang... May sasabihin pa ko sayo." pinilit niyang imulat ang naniningkit niyang mata sa kalasingan.

"Sabi ni Raymond, masarap daw ako, hihihi... Tapos sabi pa niya ako lang daw ang makakahalik sa kanya..." may halong lungkot nang sinasabi ni Alli ang lahat.

"Pero bakit nalaman kong meron palang ibang pinasukan yung gagong alaga niya! Putang ina! Di pa ba ko sapat?!"

"Shh... Tahan na Alli. Tara na. Ihahatid na kita."

"Ayoko na Marco... Hindi ko na kaya... Pero bakit di ko siya magawang iwan? Ni-hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin na pakikipag break ako eh?" umiiyak si Alli habang nag kukwento. Wala naman akong magawa. Akala ko hindi masasaktan si Alli dahil kay Raymond siya napunta. Mali pala ko.

"Marco... Tulungan mo ko please?" Walang pag-asa niyang sabi. Habang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kaibigan sila pareho, at sa oras na to si Alli ang dapat kong kampihan.

Hinalikan ko sa noo si Alli habang naiyak siya na parang batang iniwan ng nanay. Hindi niya naman pinansin ang ginawa ko sa kanya. Tinanggal ko yung seatbelt niya at nagulat ako ng bigla niya kong hinila at aksidenteng nag lapat ang labi naming dalawa.

Hinalikan ako ni Alli, pero hindi ko sinasagot ang bawat galaw niya. Marami ng nainom si Alli, ayokong madala ako a pangangailangan ko. May panahon para sa bagay bagay.

Nagpasalamat ang bestfriend ni Alli sakin at umalis na din kaagad ako. Habang nasa manebela ang isang kamay ko, nasa labi ko naman ang isa. Now I know kung bakit baliw na baliw si Raymond kay Alli. Nakaka-addict kasi ang labi niya. Damn. Hindi ko pa nararamdaman ang ganong klaseng halik. I have kissed hundreds of women but Alli's kiss is different. Sa halik niya lang ako nalasing.

While watching the stars, I think about her. Paano kaya kung nauna ako kaysa kay Raymond? Hindi siguro mangyayari to. Pero paano kapag sakin naman nangyari yung nangyari kay Raymond? Ayoko mag malinis. After all, dalawang linggo ang pinaka matagal kong relationship.

Kilala nila ko bilang isa sa mga lalaking kasumpa-sumpa. Maingay ang pangalan ko sa mga babaeng bitter. Ilang tao na rin ang nasaktan ko dahil sa pag-ibig.

She asked me to help her. Pero hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan. But I'll take the risk. In the name of love. Nasaktan naman na ko, hustler na ko kumbaga.

-ALLISANDRA'S POV-

"Alli tama na, naka-dalawang litro na tayo." awat ni Marco. Tinignan ko siya ng masama sabay tungga ko ng isang basong beer.

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن