CHAPTER 8

5.3K 87 0
                                    

♥♥♥
CHAPTER 8
-RAYMOND'S POV-
♥♥♥

University week na. Bago magsimula, nagkaroon muna ng misa para pormal na simulan ang program.

Isang linggo na ang nakalipas. Hindi ako pinapansin gaano ni Alli. Palaging si King ang kasama niya. Tapos si Valerie ayun balik sa tukmol niyang boyfriend. Puta yung babae na yun nirausan lang ako ng libog niya! Pakshet.

Hindi ko makita si Alli. Palibhasa maliit. Mayamaya nagulat ako dahil katabi ko na siya, pawis na pawis. Wala siyang dala-dalang bag at napaka haggard na niya. Bakas sa malaking tigyawat niya sa noo, bandang ilong, at sa mag kabilang pisngi kung gaano siya pagod na pagod. Astig ng pimples niya anlakas maka North, East, West, South. Hahaha.

Tinignan niya ko ng masama. Nahalata siguro niya na nagpipigil ako ng tawa. Kasi naman eh, minsan yung mukha niya mukhang solar system. Kumpleto ang eight planets, may asteroid pa. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang maging compass ang mukha niya odi kaya navigation map. Hahaha XD. Nakakatawa talaga ang mukha niya.

Napatingin ulit siya sakin. Hindi ko na napigilan kaya binulong ko na sa kanya kung ano ang ikinapipigil ko ng tawa.

"Naka buo nanaman ng kakaibang puzzle yang pimples mo. Creative ka talaga Alli." pag kasabi ko nyan, kinurot niya yung laman malapit sa tuhod ko. Muntik na ko mapasigaw! Ansakit T^T naipit yung balahibo ko sa pag kurot niya.

-ALLISANDRA'S POV-

Natapos na din ang misa. Nakakainis na nakaka ewan katabi si Raymond. Nasa CR ako ngayon, katapat ang salamin. Ngayon ko lang napansin na meron nga akong pimples sa north, east, west, south. Gosh. Siya pa talaga naka halata. Ang masama pa pinag tawanan pa ako.

Habang nasa misa kanina, kinikilig ako. First time kong kaholding hands si Raymond. Nung sa Our Father na? Hahaha. Grabe buti na lang katabi ko siya! Tapos pagdating sa peace be with you napa I love you ako sa kanya pero di niya napansin na yun ang binuka ng labi ko, bakit? Eh sinagot ba naman ako ng peace be with you too. -.- azar man pero kinilig ako.

Maya maya ng kaunti, ipapakilala ang team nila. Kaya ako hinanda ko na yung mga gamit nila. Ang hirap maging P.A, pero pag naamoy ko yung mga nag babanguhang mga pabango nila nawawala pagod ko. Ang macho kasi ng amoy eh!

Pag labas ko ng CR tinaasan ako ng kilay ng baklang make up artist ng muse ng team nila.

"Bakit mother?" tanong ko.

"Nagtanong ka pa! Antagal-tagal no sa CR!"

"Ah... eh... sorry po... tumae ako eh? Gagamit po ba kayo?" tanong ko ulit.

"Uuuurgh! Nakakadiri ka! Oh ayan! Pumasok ka uli sa pinto! Magpalit ka na go!" sabi niya sabay hinagis niya sakin yung damit.

Dress na green. Bakit naman daw kaya? Hindi man lang sinabi kung bakit. Imbyerna yung matandang bading na yun -.-

Pero ang bongga nung dress. Type ko. Kaya isusuot ko na lang.

Nilugay ko ang kaninang naka ipit kong buhok at sinuklay ko ng kaunti gamit ang daliri ko. Wala kasi akong suklay eh. Pero malambot yang buhok ko no! Shampoo ata ng kabayo gamit ko!

Paglabas ko galit na galit si bakla sa isang babae.

Teka? Ayun yung muse ng team ha? Lumapit ako sa kanila. Naaawa kasi ako eh.

"Ito... Ito na ang bagong muse ng Greenfield. Tapos. Layas! Chupi!" sabay turo sakin ng make up artist habang sinasabi niya yan.

Okay. Parang ako na dapat yung tulungan? T.T

Ako? muse? It make a sense now. Kaya ba ako inabutan ng dress na to?

"Hoy ikaw naman. Kanina ambagal mo sa banyo ngayon nakabuka pa yang bunganga mo at tulala! Upo na aayusan na kita!"

"Eh. Teka lang po. Ako po ba talaga yung muse?"

"Gusto mo si coach nalang?" sarcastic na sagot niya. -.-

Napakamot ako ng ulo, "Eh kasi po... P.A po nila ko eh..."

"Eh ano naman ngayon? Ngayon lang to girl. Saglit lang ang exposure mo. So gorabels na teh. Upo na."

No choice. Hihingi na lang ako ng bonus kay coach para sa pagiging muse. Okay na ang 500 pesos pambili ng bag sa Clipper. :D

Nakakainip palang lagyan ng make up? Kaazar -.- ansakit sa leeg. Nahirapan ata sa pag lalagay ng concealer sa mukha ko si bakla. Pero ang galing niya. Natakpan ang mga nag sesex kong pimples. Dami eh?

"Oh ayan na... Napaka ganda mo na."

Tinignan ko ng mabuti ang pagmumukha ko. Ang galing... Nakaka panibago. Kahit ako namamangha sa itsura ko.

Bumukas yung pinto at pumasok si coach.

"Alli ikaw ba yan? Ang ganda mo ah."

Nginitian ko lang si coach. Flattered lola niyo eh. -3-

Hawak ni coach ang kamay ko para alalayan maglakad. Hello, 4inches ang takong ng sapatos ko! Hind pa naman ako masyadong sanay magsuot nito.

"Uy! Si Alli ba yan coach?!" tanong ni AJ

Bigla namang napatingin si Raymond sakin. Nagtagpo yung tingin namin. And... Shit lang tol. Feeling ko kami lang ang tao. Parang naniniwala na ko na may spark at heart shape sa paligid tuwing mag tatagpo ang mata niyo ng crush mo.

Nasira lang yung moment ng tawagin na sila sa stage. Syempre nasa unahan nila ko. Grabe nakakahiya. Sabi nilang lahat kumaway daw ako na parang miss universe. Kumaway ako pero saglit lang.

Nakakahiya talaga. Nanginginig buong katawan ko. Yung labi ko nga parang maghihiwalaya na sa sobrang nginig.

Nanghina yung tuhod ko kaya mejo na out of balance ako. Laking pasasalamat ko nang may umalalay sakin.

At si Raymond yun.

"Kaya mo pa ba?" tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin naman siya sakin.

Hays -.- sana ako na lang ang muse ng buhay niya. :( <\3

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now