CHAPTER 45: Only Rule

854 34 18
                                    

Three months after.

"Ano? Two weeks? Seryoso?" Hindi makapaniwala si Arylle sa kwento ni Madelaine. Dalawang linggo ng naka-leave si Gian at dalawang linggo na din itong hindi nagpaparamdam sa dalaga.

"Diba two weeks na din siyang naka-leave? Ano ba kasing ginawa niya dun? Bakit di mo siya tinanong? Akala ko ba, rule nyo ang maging honest sa isa't-isa? Hindi niya sinabi sayo kung bakit siya pupunta ng Florida?"

"Nagmamadali kasi siya nun eh, biglaan...basta ang sabi lang niya sa akin, importante daw. Sabi niya, sasabihan niya ako kapag andun na siya. Pero huling tawag niya sa akin nung nasa airport siya. Pagkatapos nun, wala na. Kapag tinatawagan ko siya, kina-cancel niya. Kapag naman nagme-message ako, seen zone lang. Arylle, anong gagawin ko? Nag-aalala na talaga ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya dun. Feeling ko, may problema siya, pero ayaw lang niyang sabihin sa akin."

"Tsss! Hindi naman kaya...ghosting? Hindi naman siguro..."

"Ghosting?" Kumunot ang noo ni Madelaine.

"Mm...ghosting. Parang si Drake, nung una, mine-message pa niya ako. Pero after one month, wala na. As in wala na. Hindi ko alam kung may hinihintay ba ako o wala na. Ni Hi! Ni Ho! Wala! Magkaibigan nga sila ni Dok G! Mahilig sila mang-ghosting ng babae. Aish! Akala ko pa naman, iba si Dok G! Eh wala naman siyang pinagkaiba kay Drake! Puro lang sila paasa!"

"Hindi gagawin sa akin ni Dok G yun! Mahal niya ako!"

"Yun din naman sabi sa akin ni Drake eh...kesyo may kailangan lang siyang gawin...kesyo ganito...kesyo ganyan..."

"Hindi! Alam ko may dahilan siya!" Napahawak ang dalaga sa kwintas niya.

Malapit ng maiyak si Madelaine. Ayaw niyang isipin na bigla na lang nagbago si Gian. Tatlong buwan pa lamang silang magkarelasyon. Pero nakita niya kung gaano ito ka-seryoso sa lahat ng mga sinasabi niya. Ganun na din ang pakikisama nito sa pamilya ng dalaga. Alam niya at sigurado siya na mahal siya ni Gian.

"Ewan ko Madelaine. Sana nga mali ako. Sana hindi siya ghosting gaya ni Drake. Sana hindi ka lang niya pinaasa gaya ng ginawa sa akin ni Drake. Alam mo kasi, mahirap talaga magtiwala sa mga kagaya nila. Yung mga lalaking gaya nila...sila yung mga lalaking madaling mapapaniwala ang mga babae sa lahat ng mga sinasabi at pinapakita nila. Minsan akala natin, totoong totoo...yun pala hindi."

"Hindi ganun si Dok G! Hindi siya ganun Arylle!"

"Paano mo naman nalaman?"

"Basta! Hindi siya ganun!"

"Three months pa lang kayo noh. Sa tingin mo, kilala mo na talaga siya? Ang  bilis bilis kasi nating magtiwala. Eh sino bang nasa Florida?"

"Di ko din alam."

"O kita mo na...asaan yung honesty and no secrets na rule ni Dok Gian dun? Ni hindi mo alam kung sino ba ang pinuntahan niya dun. Tapos, hello? Two weeks! Two weeks na siyang hindi nagparamdam sayo."

Pinahid ni Madelaine ang luha niya saka tumayo sa bangkong kinauupuan nilang dalawa ni Arylle.

"Uy! Saan ka pupunta?" Sinubukan siyang habulin ni Arylle pero mabilis itong nakalayo. Nagtatakbo ito na para bang may hinahabol.

Dok G! Ano na bang nangyari sayo? Nag-aalala na ako ng sobra! Umuwi ka na...

Pinipigil ni Madelaine ang mga luhang isa-isa na namang pumapatak mula sa mga mata niya habang tinatahak ang opisina ni Carl. Wala na siyang ibang maisip pa na hingian ng tulong kundi ito. Siya lamang ang pwede niyang lapitan.

Sumisinghot pa siya habang pinapahid ang mga luha nang kumatok sa opisina ni Carl.

"Uy...Madelaine? Kamusta? Anything? Okay ka lang?" Nahalata nito ang mugtong mata ng dalaga pag pasok pa lamang niya ng pintuan.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now