CHAPTER 37: Violations Are Nothing

984 39 8
                                    

"Isang tusok lang ha!" Naririndi na si Arylle sa bagong pasok na pasyenteng babae sa paulit-ulit na sigaw nito.

"Isang tusok lang po ito kung hindi nyo po hihilain." Nakailang pwesto na siya pero palagi na lang hinihila ng babae ang kamay niya sa tuwing itutusok na niya ang karayom.

"Eh sa nasusuka nga ako eh! Anong magagawa ko? Why can't you be considerate for a pregnant like me?" Angal nito na muli na namang tumayo para dumuwal.

Aish! Feeling maganda! Eh sa nasusuka ako eh! Che! Why can't you be considerate? Pwe! Nagsusuka lang? Buntis na agad te?

Pekeng ngiti ni Arylle nang tumayo ang babaeng pasyente.

"Madelaine!" Tinungo ni Arylle ang stockroom kung saan nagtungo ang kaibigan para kumuha ng mga gagamitin ni Nathan sa isang pasyenteng nagtamo ng second degree burn.

"Bakit?" Nagulat ito sa biglang pagpasok ng kaibigan.

"Ako na diyan! Ikaw na dun sa maarteng babae na yon! Baka makalimutan kong pasyente siya! Nagmamaganda masyado! Naka-ten attempt na ako, pero lagi na lang di natutuloy! Nagsusuka kuno! Tapos ang arte-arte talaga niya magsalita! Nakaka-irita ang boses niya! Eeeeh! Bwisit!" Inagaw niya kay Madelaine ang mga gamit na inihanda nito.

"Ano ka ba? Eh baka nga kasi buntis siya. Intindihin mo na lang. Alam mo ang mga buntis, may tendency na-"

"Bakit nabuntis ka na ba? Kung makapagsalita ka naman. Ano ka, Virgin Mary?" Iritableng sabi ni Arylle.

"Ang init ng ulo mo, kain tayo sa labas mamaya? Labas tayo, off naman tayong pareho bukas." Pang-aalo niya kay Arylle.

"Kung ako sayo, susulitin ko na yung last two days ko kay Dok G! Ewan ko sayo Madelaine! Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon eh di ka pa rin nakakapag-decide. Gusto na talaga kitang kalbuhin!" Iniwan na ni Arylle ang kaibigan.

Dalawang araw na lang ay matatapos na ang thirty days agreement nila ni Gian. Iniisip pa lang niya na halos wala ng apatnaput walong oras ang pagiging mag-boyfriend at mag-girlfriend nila ay dinudurog na ang puso niya. Alam niyang hinihintay lang siya ng binata para magdesisyon. Alam din niyang hindi ito titigil sakaling tumanggi siya. May nararamdaman siya para kay Gian, pero binabalot siya ng mga insecurities niya.

Tanga ka Madelaine kapag pinakawalan mo pa si Dok G!

Buntong hininga niya sa sarili saka lumabas ng stock room para asikasuhin ang pasyenteng sinasabi ni Arylle.

"Wait! You are Madelaine! Right?" Hinila ng babae ang kamay niya mula sa dalaga.

"I knew it! Kaya pala familiar ang mukha mo! Kanina pa kita tinititigan eh. You look different without make-up." Hinawakan ng babae ang baba ni Madelaine saka tinitigan ng mabuti.

Gulat na gulat ang dalaga sa inasal ng pasyente. Hindi niya kilala ang babaeng ito. Pero palaisipan sa kanya kung sino siya at bakit alam nito ang pangalan niya. Tila pamilyar ito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita.

"I'm Candice...Gian's future wife." Lahad niya ng kamay kay Madelaine.

Napaatras ang dalaga sa narinig. Hindi niya alam kung nagulat lang ba siya o tila may kung anong batong dumagan sa dibdib niya.

"Oh? You look shocked. I'm pregnant with Gian's first born."

The woman was smartly dressed with a fashion navy blue halter-style blouse tugged on a matchstick jeans. She was only wearing flats but her height was noticable. Her lips were tinted with nudes shades of lipstick and her skin was flawless.

"Don't assume too much Candice. The results are not out yet. How sure you are that it was Gian?" Hindi nakatiis si Nathan nang marinig nito ang sinabi ng babae. Katatapos lamang nila ni Arylle sa isang pasyente nang magpantig ang pandinig niya dahil sa tinuran ni Candice.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now