CHAPTER 73: Nursery

1.1K 48 15
                                    

"Tara na. Maggie is waiting for you." He started to pushed the wheelchair.

"Kyle..."

"Hmmm?"

"Thank you. Thank you kanina." Naiyak uli si Madelaine habang palabas sila ng kwarto.

"Tahan na, huwag ka ng umiyak Madelaine. Lagi lang ako nandito para sayo. Tahan na..." Lumuhod si Kyle sa harapan niya at pinahid ang luha ng dalaga.

"Sabi mo kanina...one month na yung..." Nanginginig na sabi ni Madelaine. Gusto niyang tanungin kung nasaan ang bangkay ni Gian pero hirap siyang bitawan ang salitang bangkay.

"Yung?"

"Yung..."

"Si Gian ba?" Alam ni Kyle na iyon ang bagay na gustong tanungin ni Madelaine.

"Mm. Nandito pa ba siya Kyle? Hindi pa ba siya inuwi ng Lolo niya?"

Napahagulgol ang dalaga. Kahit pa pigilan niya iyon, hindi niya magawa. Masakit man para sa kanya ang makita ang malamig na bangkay ng lalaking pinakamamahal niya ay gusto pa rin niya itong makita.

"He is still here. Dadalhin kita mamaya sa kanya. Tahan na..." Niyakap siya ni Kyle.

"Pwede bang..." Sinisinok siyang umiiyak habang hawak ang dibdib.

"Ano yun?"

"Pwede bang puntahan muna natin si Gian? Gusto ko siyang makita Kyle. Please..."

"Sigurado ka?"

"Mm. Gusto ko siyang makita."

"Tatawag lang ako saglit dun. Diyan ka lang."

Visiting time in the morgue is not twentyfour hours. As per AMC's protocol, only morning shift staffs can access the patient's dead body. But with Kyle's influence, Madelaine knew that he can do it.

"Pwede daw?" Pinunas ng dalaga ang luha niya.

"Oo, tumawag na ako. Tara na." Tinulak na ni Kyle ang wheelchair niya.

Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Kyle..."

"Hmmm?"

"So isang buwan na din dito si Gian?"

"Mm. Mahigit isang buwan kung isasali mo yung date of admission niya."

"Anong sabi ni Lolo? Galit ba sila sa akin? Sinisisi ba nila ako sa pagkamatay ni Gian?"

"Bakit naman sila magagalit sayo? Wala ka namang kasalanan. Tsaka halos araw-araw nga dito ang Lolo ni Gian. Palagi ka niyang dinadalaw at si Maggie. More than three weeks ding nag-stay sa NICU si Maggie. Halos kalalabas lang niya ng NICU two days ago." Kwento ni Kyle sa kanya.

"Kasalanan ko kung bakit namatay si Gian. Ako ang dahilan kung bakit kami nadisgrasya. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. Namatay siya dahil sa akin Kyle..." Nakayuko itong humahagulgol.

"Wala kang kasalanan Madelaine. Tahan na. Huwag ka na umiyak. Malulungkot si Gian kapag nakikita ka niyang umiiyak."

"Kasalanan ko! Kasalanan ko lahat!"

"Alam mo kung bakit andito pa rin si Gian..."

"Dahil gusto ng Lolo niya na-"

"Dahil hinihintay ka niyang magising Madelaine. Gian was waiting for you all these time."

Hindi niya alam kung paano niya kakalmahin ang sarili kapag nakita na niya ang malamig na bangkay ni Gian sa morge. Ganun na din sa mga susunod na araw na hindi na niya pwede pang makita ang binata.

Nakapikit siya habang nakikita ang mga ngiti at pagtawa ni Gian. Hanggang sa panaginip na lang at imahinasyon niya makikita ang lalaking pinakamamahal niya. Mahirap at unti-unti ng sumisikip ang dibdib niya habang tinatahak nila ang daan papuntang morge. Halos ayaw niyang imulat ang mga mata niya dahil hindi niya gustong makita ang daan papunta sa lugar na iyon.

"Madelaine...okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kyle nang mapansing kinakapos ito ng paghinga.

"Okay lang ako. Sige lang." Nakapikit pa rin siya habang humihikbi.

"Gusto mo, unahin na natin si Maggie?"

"Hindi, puntahan muna natin si Gian. Gusto ko siyang makita."

"Pero Madel-"

"Gusto kong makita si Gian! Ano ba Kyle!" Sigaw niya nang ibahin ni Kyle ang daan nila.

"Kyle! Dalhin mo ako kay Gian!" Hindi siya pinansin ng binata at nagpatuloy sa pagtahak ng daan papuntang nursery.

"Trust me...you have to see your daughter first. Sa nursery na muna tayo."

"Hindi mo ako naiintindihan! Kailangan kong makita si Gian. Please Kyle...dalhin mo ako sa kanya..." Hinawakan ni Madelaine ang kamay ng binata na nagtutulak sa wheelchair niya.

"Ayaw mo bang makita si Maggie?"

"Syempre gusto...pero gusto ko munang makita si Gian. Gusto kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko. Baka sakaling pagpunta ko kay Maggie, bawas na yung sakit." Paliwanag ng dalaga.

"Kapag sa nursery tayo pumunta at nakita mo si Maggie...all the pain you have right now will vanish. Wala ka bang tiwala sa akin? Kelan ba kita-"

"Kyle...please naman..." Pero hindi tumigil ang binata sa pagtutulak ng wheelchair niya.

In this hospital, Gian and Madelaine had a lot of memories, good times they have shared in years and their fairytale like lovestory.

As they reached the navy blue double-doors, Madelaine closed her eyes. This was the place where Gian had held her hands proudly, where a lot of staffs were staring at them. She just closed her eyes to prevent all  the flashbacks. Every part and corner of AMC were Gian's happy memories.

"Andito na tayo. Are you ready to meet Maggie?" Tumigil si Kyle sa pagtulak ng wheelchair nang makatapat na sila sa nursery.

"Kyle..." Humawak siya ng mahigpit sa kamay ng binata.

"Its okay Madelaine. I promise you...kapag labas mo ng nursery...okay ka na. This place will take all the pain you have inside. Maggie will do it for you."

"Pero Kyle..." Hindi niya alam kung bakit alangan siyang pumasok sa loob. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kung hindi ang makita si Gian.

"Do you trust me or not?"

"Syempre I trust you."

"If you really trust me...let's get inside. Ang tagal kang hinintay ni Maggie, tapos ikaw nag-aalangan ka na makita siya?"

"Hindi naman sa ganun Kyle...pero gusto ko lang talaga makita si Gian. Kasi alam ko sa mga susunod na araw, hindi ko na siya pwedeng makita pa." Umiiyak niyang sabi na hinila ang kamay ng binata.

"Puro ka Gian ng Gian...how about Maggie? Si Gian lang ba ang mundo mo? Sa kanya lang ba umiikot ang mundo mo ha? May anak ka Madelaine. Kailangan ka ng anak mo." Seryoso niyang sabi saka tinanggal ang kamay ni Madelaine.

"Kyle!"

"Lets get inside." Maikling sabi niya na hindi na pinansin pa ang pagmamakaawa ng dalaga na puntahan nila si Gian sa morge.

Napapikit na lang siya habang pumapasok sila sa visiting area ng nursery.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now