CHAPTER 4: Things

1.2K 53 6
                                    

"Grabe! Wala na talagang solusyon ang traffic dito sa Manila." Tatlong oras na silang naipit sa mahabang traffic jam.

Gian was bored while Madelaine was enjoying it.

"Parang ang saya mo ah..." Pansin ni Gian sa kanya habang panay ang pagsabay niya sa mga kantang tumutugtog.

"Medyo." Maikling sagot nito saka pinagpatuloy uli ang kanta.

"Bakit naman?"

"Kasi kasama ko yung crush ko! Kahit twenty four hours pa yung traffic, okay lang sa akin." He knew she was just joking.

"Ikaw...kanina ka pa ah. Mamaya maniwala ako sayo."

"Syempre joke lang! Nurse nga yung crush ko diba? Tsaka hindi siya taga ER. Ibang ward siya. Matagal ko ng crush yon eh. Ini-stalk ko nga kung may girlfriend na siya uli." She chose to lie than being ask with questions she cannot answer.

"May girlfriend na siya?" Wala silang mapag-usapan kaya minabuti na lang niyang makipag-kwentuhan sa dalaga.

"Wala."

"Eh di...pwede kayo. Kasi wala ka pa ding boyfriend."

"Parang heartbroken pa siya eh. Feeling ko, hindi pa siya nakaka-move on don sa babaeng niligawan niya. Nurse din yung babae, ka-area niya. Gwapo naman siya, mabait at gentleman pa. Pero binasted pa din eh. Kuya lang daw ang tingin nung girl sa kanya. Mas bata kasi ung babae Dok. Ayun, paano naman niya ako mapapansin kung yung babae pa din na yon ang nasa isip niya. Pakiramdam ko nga, yung mga post niya sa instagram, patungkol don sa girl. Lalo na nung kinasal na yung babaeng nambasted sa kanya. Palagi siya nagpopost ng parang ang saya-saya niya. Pero yung mga mata niya, ang lungkot-lungkot naman." Malayo ang tingin niya habang nagsasalita na para bang totoo ang bawat kwentong nilikha lang naman ng imahinasyon niya.

"Wow!" Napalunok na lang si Gian nang marinig ang kwento ni Madelaine patungkol sa crush nito.

"Anong wow don Dok?"

"Wala lang. Bigla ko na lang naisipang kaibiganin ang crush mo. Anong ward nga siya? Promise, di ko ipagsasabi. Can I get his name?"

"Bakit mo naman siya kakaibiganin?" Kinabahan ito bigla dahil wala siyang maisasagot na pangalan kay Gian.

"I think, we have the same story. Nancy was already married. I never got the chance to be someone to her. She just saw me as her older brother. At oo, binasted din niya ako. Yon ang unang beses kong mag-attempt na manligaw sa buong buhay ko. But I end up being dump by the woman I love." He said it while laughing, but the sadness was obvious in his eyes.

"The woman I loved pala. Past tense na pala yon. LOVED." May diin niyang sabi sa huling salita.

"Siya talaga ang first love mo Dok? Ang tanda mo namang nagkaroon ng first love." Unti-unti silang nagiging open sa isa't-isa.

"Karma ko siya eh. Karma ko yon sa napakadaming babaeng sinaktan ko. Minsan nga, napapaisip ako kung may darating pa na tulad niya uli. The woman who will turn the bastard side of me into a good man. Alam mo ba, siya yung unang babaeng..."

"Unang babaeng?"

"Unang babaeng..." Sensitibo ang bagay na yon at hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga.

"Forget it." Sabi na lang niya nang mapansing lumuwag na ang daanan.

Pinaandar na niya ang sasakyan at hindi na nagsalita pa uli.

Siya yung unang babaeng hindi ko pinagnasaan Madelaine. I never felt erotic emotion towards her. I just love Nancy so much that I didn't tried to seduce her. Unlike you...the first time I set a foot in AMC, I already dreamed of having sex with you. Not until today.

NURSE MADELAINEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें