CHAPTER 23: Cassanova's Weakness

953 51 12
                                    

"Left wrist injury Dok G. Sabi niya namamanhid daw ang parteng yan." Turo ni Madelaine sa hinlalaki ng lalaki.

"Nararamdaman mo ba to?" Sinubukan ni Gian padaanan ang parteng itinuturo ng pasyente pero umiling ito.

"Tongue depressor." Utos niya sa babaeng intern na nasa tabi niya.

"Ito? Nararamdaman mo?" Binali ng binata ang tongue depressor para magkaroon ng bahagyang talim. Iyon ang marahan niyang pinansundot sa parteng namamanhid. Pero umiling uli ang pasyente.

"Okay naman ang circulation niya. Sa tingin mo? Anong meron sa kanya?" Pinulsuhan ito ni Gian at nilingon ang babaeng intern.

"Median nerve damage Dok?"

Mazy is one of the newest intern in ER under the care of Gian. She lacks confidence that's why he really wanted to train her well.

"Okay. Lagyan mo siya ng hand splint tapos anterior-posterior x-ray ng left forearm. For possible close reduction siya Mazy."

"Yes Dok."

Two hours after.

"Daddy!" Sigaw ng babae habang katabi ang tatay nito na nawalan ng malay.

"Nurse! Nurse!" Tumakbo agad si Madelaine para tignan kung anong nangyari.

"Dok! No pulse!" Sabi nito sa babaeng intern na tila natataranta.

"Cardiac board! Bilis!" Utos ni Madelaine sa isang nurse na malapit sa crashcart. Mabilis nitong nilagay ang cardiac board sa may likuran ng pasyente at nagsimula ng magpakawala ng mabilis at malalim na chest compression.

"Anong nangyari?" Dumating din si Gian para tignan ang sitwasyon.

"Dok...may highgrade fever yung pasyente. Tapos bigla na lang siyang nag-arrest." Tarantang-taranta na sabi ni Mazy kay Gian.

"What's your diagnosis then? High grade fever to cardiac arrest?"

"Dok? Ahmmm..."

"Diagnosis Mazy. You are still a doctor kahit intern ka lang."

"Myocarditis Dok?"

"Mazy..."

"Dok?"

Palagi siyang kinakabahan sa tuwing andiyan ang binata. Kahit alam niya ang sagot ay hindi agad niya ito nasasagot.

Gian was her longtime crush. He was her first crush, Mazy was grade one while Gian was in first year highschool.

"Why do you always answer me like you are not sure? Well infact, you are one of the best intern I've handled so far. Try to boost your self confidence Mazy."

"So...myocarditis nga Dok?"

"I think so. How long has the patient been in arrest?"

"Isang minuto Dok."

"Madelaine, prepare for intubation. Mazy will intubate the patient." Sabi nito kay Madelaine nang palitan siya ng isang lalaking nurse sa pagsi-CPR.

"Ako Dok?" Kabadong tanong ni Mazy.

"Mm. Ikaw. Bakit? Are you not confident?"

"Kasi Dok...ano eh..."

"C'mmon Mazy, you will not learn by just reading your books. You have to apply it in real life. Kaya mo yan! I'm not gonna push you into something na hindi mo kayang gawin."

"Pero Dok..."

"What? Intubation lang yan. Whether you are a resident or an intern, kung talagang gusto mo mag-survive sa Emergency Room, this is the most basic skills you have to acquire. Don't be afraid. I will guide you." Humawak ito sa magkabilang balikat niya at direchong tumingin sa dalagang namumula na sa mga titig ni Gian.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now