CHAPTER 24: Genuine and Real

923 47 7
                                    

"No way baby. Ayoko. I won't do it." Ilang araw na niyang kinulit si Ace na gumawa ng isang vlog na gustong-gusto niyang gawin.

"Sige na...please..." Naglambitin si Nancy sa leeg ng asawa niya.

"My answer is no."

"Please..."

"Ayoko nga. Enough of that vlog. Mag-isip ka na lang iba. Why would I kiss and suck your lips in a vlog? Ayoko. That's too personal para ipakita sa mga tao."

"Ang KJ mo naman eh! Hindi naman tayo mag-boyfriend at mag-girlfriend. Ano naman kung magkiss tayo sa video? Eh mag-asawa naman na tayo. May dalawa na nga tayong anak eh."

"Exactly, you are a married woman Nancy. But you always act as if you are a teenager."

"Fine! Eh di huwag! Sayang! Nasabihan ko pa naman si Kuya Gian at Ate Madelaine na we'll do a vlog." Padabog itong naglakad at tinungo ang banyo.

Oh my God! There you go again with your tantrums Nancy.

Bumuntong hininga si Ace at kinalma ang sarili bago katukin ang asawang nagmumukmok sa banyo.

"Baby...mag-usap tayo. Buksan mo to. Please."

Pero walang imik si Nancy sa loob. Paulit-ulit na kumatok at nakiusap si Ace pero hindi niya ito pinagbuksan.

"Baby...lumabas ka na diyan. Mag-usap tayo. Sorry na sa nasabi ko."

Napapakamot na lang ng ulo si Ace dahil ayaw talagang sumagot ni Nancy.

Hay! You really know my weakness...

Napahawak na lang siya sa sentido niya saka muling kinatok ang asawa.

"Fine. Let's do your vlog. I will do it. Okay? I will do it baby. So please...lumabas ka na-"

"I love you! Sabi ko na eh! Hindi mo ako matitiis!" Binuksan agad ni Nancy ang pintuan bago pa matapos is Ace sa sasabihin niya.

Pumulupot ito sa leeg ni Ace at pinapak ng halik ang labi ng asawa.

"Ikaw talaga! Kung hindi lang kita-"

"Love? Sorey! Love na love mo ako eh. At alam ko yon." Hinalikan niya uli si Ace.

"Brat. Para kang si Missy. Napaka-brat nyong dalawa."

"Well, kami yung mga brat na maswerte. Kasi ako, may asawa akong di ako matiis kapag nagta-tantrums ako.  Si Ate Missy naman, may kuya Carl na ini-spoiled siya sa tuwing nagmamaldita siya. Si Ate Kara din naman ah! Kawawa nga si Kuya Drew. Palagi na lang pinagbibigyan si Ate. Hindi lang naman kami ni Ate Missy. Pa-simpleng brat lang si Ate Kara, pero brat pa din siya."

"Whatever! Babain mo na yung mga bisita mo." Narinig ni Ace ang katok ng kasambahay nila.

"Alam mo na ba? Na si Kuya Gian at Ate Madelaine na?"

"I know. Nakita ko na ang mga pictures nila sa party ng Lolo niya."

"Ang galing diba! Noong unang vlog namin, hindi pa sila. Tapos ngayon! Grabe! Kinikilig talaga ako! I-inivite ko din kaya si Ate Arylle at Nympha magvlog? Para sabay-sabay na sila magka-lovelife? Sino kayang ipa-partner ko kay Ate Arylle? O kaya kay Ate Nympha?"

"Babain mo na sila. Susunod na ako sa vlogging studio mo."

"Okay. Sunod ka na ah!" Sabay halik kay Ace.

Pilit na kinakalas ni Madelaine ang kamay mula kay Gian dahil nahihiya siya na makita iyon ni Nancy at Ace.

Hindi ko bibitawan to. Bahala ka diyan. I want the world to know that you are mine. Well, not yet. Pero I will do anything to make you mine Madelaine.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now