CHAPTER 44: Code Red

933 40 14
                                    

"May I have your attention please! May I have your attention please!"

Umalingawngaw sa buong Alcantara Medical City ang pahayag na iyon mula sa paging system kasabay ng pagtunog  ng mga emergency fire alarm sa buong gusali.

"CODE RED! CODE RED! CODE RED!"

Tatlong beses na inulit ng page operator ang mga salitang iyon nang mapagtanto ni Madelaine na iyon ay babala ng isang sunog. Siya ay nasa ikalabing walong palapag, ang tulay na nagdudugtong sa dalawang gusali ng ospital.

Nakaramdam man siya ng kaunting kaba ay kalmado niyang tinungo ang fire exit. Kabisado at saulado niya ang fire evacuation plan ng ospital na matagal na niyang pinagtatrabahuan. Ang pinaka-importante lamang ngayon ay ang makababa siya at makalabas ng gusali.

Buti na lang at wala kaming masyadong pasyente ngayong gabing to! Hay! Paano na lang yung mga nasa ibang department? Kawawa naman sila.

Iyon ang tumatakbo sa isip niya habang tumatakbo pababa ng hagdan. May walong palapag pa ang bubunuin niya nang magsimula na siyang hapuin.

Pero pinilit pa din niyang bumaba kahit pa hingal na hingal na siya. Kailangan niyang makalabas ng gusali. Hindi man niya alam kung saang parte ang sunog, hindi sila magdi-deklara ng Code Red kung hindi ito seryoso.

Dok G! Bakit di mo sinasagot?

May apat pang palapag nang bigla siyang tumigil sa sobrang hingal. Nag-aalala ito kay Gian dahil hindi ito sumasagot sa tawag niya.

"Asan ka? Narinig mo ba yung Code Red?" Sa wakas ay sumagot din si Gian.

"Listen to me Madelaine, get out of the building. Okay? Dalian mo!" Seryosong sabi nito sa dalaga.

"Nasaan ka ba Dok G? Nasa labas ka na ba?"

"Just hurry up! Get out of the building! Now!" Utos nito sa dalaga.

"Asan ka ba kasi?" Bigla itong nag-alala dahil hindi sinasagot ni Gian ang tanong niya.

"Madelaine, just get out of the building."

"Ayoko! Sabihin mo muna kung asan ka!" Napaupo ito sa sobrang hingal at pag-aalala na rin.

"I was stuck in the elevator." Seryosong sagot ng binata.

"Ano? Saang elevator? Pupuntahan kita Dok G!" Napatayo ito napa-akyat uli. Hindi siya pwedeng lumabas ng gusali ng hindi kasama si Gian.

"Madelaine! No! Don't go back! Get out of the building! Please!"

"Ayoko!" Nagsimula na itong umiyak habang paakyat uli nang mamatay ang mga ilaw.

"C'mmon! Huwag na matigas ang ulo mo! Get out of the building now! You can't do anything! Just get out of the building! Please Madelaine! Please!"

"Dok G! Ayoko!" Umakyat pa rin ito pabalik kahit pa anong pilit sa kanya ni Gian lumabas.

"Calm down Madelaine...listen to me, kahit balikan mo ako rito, you can't do anything. Get out of the building and ask for help. Okay? Malo-lowbat na ako.  Just ask for help. Okay lang ako." Pilit siyang pinapakalma ng binata. Iyak siya ng iyak at hindi na niya alam ang gagawin niya.

"Everything would be fine. Hmmm? Calm down. C'mmon..."

"Dok G!" Umiiyak pa rin ito.

"Just get out of the building so you can ask for help...okay? Huwag ka na umiyak. Sige na, bumaba ka na. Two percent na lang ako."

"I love you Madelaine. I love-" Naputol na ang linya bago pa matapos ni Gian ang sasabihin niya.

Mas binilisan ni Madelaine ang pagbaba para makahingi ng tulong. Kung pwede lang siyang tumalon o kaya naman ay lumipad, siguro ay ginawa na niya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili kahit naiiyak siya at natatakot.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now