CHAPTER 43: More Than Enough

923 38 14
                                    

Seriously? What are you watching my princess? Gusto ko na magselos sa kung anumang pinapanood mo na yan. Ugh!

Sampung minuto na niyang pinapanood ng tahimik si Madelaine habang seryosong nakatutok sa laptop nito. Ni hindi namalayan ng dalaga na pumasok si Gian sa apartment niya. Nakalimutan na naman nitong i-lock ang pinto. Isa sa mga bagay na madalas ikainis ni Gian sa kanya. Palagi na lang niya itong pinapaalalahanan sa tuwing uuwi si Madelaine sa apartment niya.

I will give you five minutes...

Pero bago pa matapos ang limang minuto ay tumayo na siya para lapitan ang dalagang hindi man lang naramdaman ang paglapit niya.

"What are you watching? Huh?"

"DOK G!" Halos mahulog si Madelaine sa kinauupuan nang makita niya si Gian. Mabilis niyang tiniklop ang laptop at tinanggal ang earphones niya.

"Kanina ka pa ba?" Halos yakapin ng dalaga ang laptop na tila ayaw ipahawak kay Gian.

"Ten minutes, actually....more than ten minutes na ako dito. Masyado kang focus sa pinapanood mo eh. Hindi ka man lang kumukurap. What are you watching? Hmmm?" Pilit niyang inaagaw kay Madelaine ang laptop pero pilit iyong nilalayo ng dalaga.

"May binabasa lang ako! Hindi ako nanonood." Tumayo ito habang akap ang laptop pero mabilis siyang hinarang ni Gian.

You are dead Madelaine! Ano ng gagawin ko kapag nakita ni Dok G?

Ramdam na ng dalaga ang nerbyos sa buong kalamnan niya. Pinagpapawisan na siya ng buo-buo.

"What is it? You are hiding something? Hmmm?" Pinaupo siya ni Gian uli at muling inagaw ang laptop sa dalaga.

"Dok G! Huwag! PLEASE!" Sigaw ni Madelaine ng makuha ni Gian ang laptop mula sa kanya.

"Diba sabi ko sayo, we have to open and honest with each other? Then why are you hiding something from me?" Naging seryoso ang mukha ng binata nang agawin uli ni Madelaine ang laptop.

"Hindi naman kasi..."

"Hindi naman ano Madelaine?"

"Wala lang talaga to! Hindi naman importante to eh! Maliligo na ako. Diba lalabas tayo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi naman pala importante eh, bakit ayaw mong makita ko?"

"Ito yung mga koreanovela na kinopya ko kay Arylle." Nanginginig niyang sabi.

"Eh yun naman pala, eh bakit parang takot na takot kang makita ko? Malay mo naman, magustuhan ko din. We can watch it together. Patingin..."

"Corny to. Hindi mo to magugustuhan, promise! Ako nga, di ko nagustuhan eh. Pinagbigyan ko lang si Arylle kasi-"

"You are lying Madelaine. C'mmon, ipakita mo na sa akin yan kung ayaw mong magalit ako. I know when you are lying or not..."

"Dok G..."

"Sige na...akin na yan...diba usapan natin, wala tayong itatago sa isa't-isa?"

Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Gian kaya napilitan itong ilapag ang laptop sa mesa sabay subsob ng mukha niya magkabilang braso. Parang gusto na niyang mawala sa mga oras na yon. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng binata.

"Let's see Madelaine...what are you trying to hide?" Binuksan niya ang laptop at nanlaki ang mga mata ni Gian.

"Whoah! This..." Nagpipigil siyang matawa dahil alam niyang kabadong kabado ang dalaga.

"Rob Wilson: Blowjob Scene? 1.2 million views? Naka-auto repeat ka pa. Thirty four seconds lang to ah. Ilang beses mo na itong inulit? Ikaw ah..." Iyon ang nakita ni Gian pagbukas niya ng laptop. Nakabukas ang youtube tab at isang maikling video pala ang paulit-ulit na pinapanood ng dalaga.

NURSE MADELAINEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt