CHAPTER 71: Gonzales and Thompson

1K 52 20
                                    

"Madelaine, you have to live. Hmmm? You have to take care of Maggie. She is more than enough for you to continue this life. Promise me..."

"Gian!" Madelaine hugged him tighlty.

"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Maggie. My life is so short, pero its all worth it kasi nakilala kita. Alam ko, paulit-ulit mo na tong narinig sa akin, pero ikaw at si Maggie ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko Madelaine."

"Gian! Huwag mo akong iwan...hindi ko kaya mag-isa!" Hinigpitan niya ang yakap niya sa binata.

"Hindi ka nag-iisa, nandyan si Maggie para sayo."

"Hindi Gian! Ayoko! Please! Dito ka lang! Huwag kang umalis!" Pilit na tinatanggal ni Gian ang kamay ng dalaga na nakakapit sa kanya.

"You have to be strong. Kailangan ka ni Maggie. Hindi lang ako ang mundo mo Madelaine, our daughter needs you. Hmmm? Hindi mo lang ako makikita, pero I will always watch over you. Palagi ko kayong babantayan. Hindi ako mawawala, I will always be here." Turo ni Gian sa puso ni Madelaine.

"I will not be physically here, pero our memories will always remind you na palagi lang ako nandito. And in the next life, I will make sure that we'll get a happy ending. Sorry kung I can't fulfill my promise to you in this lifetime." Bakas sa mukha niya ang lungkot pero pinipigil nitong umiyak.

"Mahal na mahal kita Gian! Sobra! Sobra! Sobra! Sobrang mahal na mahal kita! Hindi ko yun laging nasasabi sayo...pero mahal na mahal kita. Una pa lang, gustong-gusto na kita. Pagdating mo pa lang sa AMC, unang araw pa lang ng residency nyo...gusto na kita. Nung birthday ni Dok Ace, selos na selos ako kay Dok Nancy. Kasing gustong-gusto kita. Kaya nga siguro pumayag akong maging girlfriend mo kahit kunwari lang. Kasi gusto kita makasama, gusto ko mahawakan ang kamay mo. Gusto kitang mayakap, kahit alam kong kunwari lang. Alam mo, pinagdasal ko na sana magustuhan mo din ako. Na sana mapansin mo ako kahit ordinaryong babae lang ako."

"You are not an ordinary woman Madelaine..." Hinaplos niya ang pisngi nito para pahirin ang luha ng dalaga.

"Gian huwag ka na lang umalis. Dito ka na lang...please! Dito ka na lang! Hindi ko kayang magising araw-araw ng wala ka. Hindi ko kayang-"

"Kaya mo Madelaine."

"Hindi ko kaya Gian!"

"Kayanin mo...kayanin mo para sa akin."

"Paano kung hindi ko kaya? Paano kung-"

Gian kissed her gently. It was like the first kiss Madelaine had with him. Brief, but full with passion. Each strokes conveyed how much he loved her.

"If I will be given a chance to repeat my life again, aagahan ko yung paghahanap sayo. Sisiguraduhin ko na mas magkakasama tayo ng matagal. Its not easy to let go...but do it for me. I want to leave peacefully. Gusto ko hindi ako mag-aalala kay Maggie. Yung alam kong  kahit isa man lang sa atin nandoon para sa kanya. I can't do it anymore, pero ikaw...pwede mo pang gawin yon. You have to live Madelaine." He hugged her tightly.

"You have to live." That was his last whisper to her before he vanished in the air.

When suddenly, Gian's happiness towards what he called forever was pulled from this world in an instant. His death simply end it.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now