CHAPTER 63: Rain

1K 46 9
                                    

"Umalis ka na kung ayaw mong mabasag ko ang pagmumukha mo!" Pulang-pula ang mukha ng ama ni Madelaine habang pinagtutulakan palabas ng bakuran nila si Gian.

"Magpapaliwanag po ako. Alam ko kung gaano po kayo nag-alala kay Madelaine. Alam ko kung-"

"Ayoko na marinig ang kahit anong sasabihin mo! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang anak ko! Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko! Hindi ako natatakot sayo! Kahit sa pamilya mo! Huwag ka ng lalapit sa anak ko!"

"Makinig naman po kayo sa akin. Hindi ko po ginusto ang nangyari. Mahal na mahal ko po si Madelaine. Mahal na mahal ko po ang anak nyo. Hayaan nyo akong gawin ang responsibilidad ko bilang ama ng anak namin. Kailangan  po ako ng anak nyo, ng anak namin."

"Kaya ko buhayin ang apo ko! Kahit mahirap lang kami, igagapang ko ang anak at ang apo ko! Umalis ka na! Ayoko na makita ang pagmumukha mo! Wala kang karapatan para-"

"Papa! Tama na! Walang kasalanan si kuya Gian! Hindi naman niya ginusto na madisgrasysa siya at magkaroon siya ng amnesia. Mahal niya si ate Pa, kung hindi dahil kay kuya...hindi natin mahahanap si Ate. Huwag ka namang-"

"Amnesia amnesia! Wala akong pakialam kung nagkaroon siya non! Tignan mo nga yang ate mo! Nagkaroon ng tililing dahil sa lalaking to!" Hindi na nakapagpigil pa ang ama ni Madelaine na kwelyuhan si Gian.

"Depression ang tawag sa sakit ni Ate. Wala siyang tililing Papa! Ano ba? Bitawan mo nga si kuya Gian!"

"Tililing? Depression? Parehas lang yun! Tignan mo yang ate mo! Ni hindi nagsasalita, ni tumango kapag kinakausap mo, wala! Nagkaroon siya ng tililing dahil sa lintik na pagmamahal niya sa lalaking to!" Tinulak niya si Gian palabas ng bakuran nila kahit pa pilit siyang pinipigilan ng asawa at mga kapatid ni Madelaine.

"Papa! Tama na! Pakinggan mo naman si kuya Gian!" Pumagitna na si Mariel dahil tila mananapak na ng wala sa oras ang ama niya.

"Patawarin nyo po ako. Kasalanan ko kung bakit nagkaganito si Madelaine. Pero parang awa nyo na po, mahal na mahal ko ang anak nyo. Kailangan po ako ng anak namin. At kailangan ko po ang mag-ina ko. Hayaan nyo po akong alagaan silang dalawa. Mahal na mahal ko po ang mag-ina ko. Wala po akong ibang gustong gawin kundi ang pangalagaan sila." Nagulat ang ama ni Madelaine, ganun na din ang buong pamilya at mga kapitbahay dahil lumuhod si Gian.

"Naiintindihan ko po ang nararamdaman nyo bilang isang ama. Alam ko kung ano ang pinagdaanan nyo sa loob ng dalawang buwan na nawala si Madelaine. Dahil kahit po ako, para akong mababaliw sa mga araw na hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko na pwedeng balikan pa ang nangyari. Nasaktan ko siya ng sobra, kaya siya nagkaganyan. Kung may dapat mang sisihin sa lahat ng nangyari, ako po yun. Pero kung may dapat man akong gawin ngayon, yun ay ang alagaan siya at ang anak namin. Mahirap ibigay sa akin kapatawaran lalo na at nakikita nyo ang sitwasyon niya ngayon. Pero nagmamakaawa po ako...kailangan ko po ang mag-ina ko. Hindi ko po kayang mabuhay ng wala sila. Parang awa nyo na po...hayaan nyo po akong maging ama sa anak ko. Hayaan nyo po akong makabawi kay Madelaine sa lahat ng sakit na idinulot ko sa kanya." Humagulgol na sabi ni Gian, hindi tumatayo sa pagkakaluhod niya sa ama ni Madelaine.

"Akala mo ba makukuha mo ako sa pagluhod mong yan? Tignan mo nga yung anak ko! Tingnan mo kung-" Hindi naituloy ng ama ni Madelaine ang sinasabi nang may tatlong kotseng magkakasunod na pumarada sa harapan ng bakuran nila. Magara ang mga sasakyan. Sigurado siyang hindi ordinaryong tao ang sakay ng kotse na iyon.

Madelaine's father watched the man as he walked outside his car with ten bodyguards wearing black suit, all of them are with bluetooth on their ears. Five of them are holding a walkie talkie radio, making a message that the place was safe.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now