CHAPTER 31: You Are Dead

843 48 10
                                    

"Iihi lang ako ah. Nakakaihi sa kilig ang mga pinagagawa ni Dok Ace at Carl eh." Paalam ni Arylle kay Madelaine.

"Samahan na kita."

"Hindi na noh, kaya ko naman."

"Hindi ka natatakot?"

"Saan? Sa kinwento ni Dok Gian na multo sa gymnasium? Hindi ako naniniwala sa multo noh. Karatehin ko pa siya eh."

A fifteen minutes break was announced for the preparation of next performer.

Tinungo ni Arylle ang gymnasium para umihi. Maliwanag naman kaya hindi nakakatakot. Isa pa, hindi siya naniniwala sa kwento ni Gian. Alam niyang gawa-gawa lang niya yon para takutin si Madelaine.

"Bloody Mary daw! Tss! Utot mo Dok Gian! Hindi naman totoo yon! Ginawa ko na kaya yun ng highschool ako. Wala namang lumitaw na duguang babae sa salamin." Sumisipol sipol pa siya habang naglalakad siyang kinakausap ang sarili.

Pero paulit-ulit siyang tumigil at lumingon sa likuran niya dahil parang may sumunod sa kanya. Sinubukan niyang bagalan ang paglalakad, bumagal din ang parang hakbang na naririnig niya. Sa tuwing binibilisan naman niya namang maglakad, naririnig din niyang bumibilis ang bawat hakbang ng kung anumang sumusunod sa kanya. Pero kada lingon niya sa likod, wala siyang nakikita.

Hindi niya alam kung guni-guni lang ba iyon. Araw-araw nangyayari yon sa kanya. Pakiramdam niya, kahit saan siya magpunta ay may nakatingin at nakasunod sa bawat galaw niya. Kung multo man yon, hindi siya natatakot. Ngunit kung buhay na tao, iyon ang tila nagpapakaba sa kanya. Kaunting kaba lang dahil kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili kung sakali.

Ang lamig ah! Ikaw ba yan Bloody Mary? Hindi pa nga ako humaharap sa salamin eh...nagpaparamdam ka na.

Sinususubukan niyang aliwin ang sarili dahil nagsimula ng tumaas ang balahibo niya sa lamig sa loob ng gymnasium. Walang ibang tao roon, siya lang. Binilisan niya ang paglalakad patungong female comfort room.

"Aish! Kailangan ko na bang magpacheck-up? Araw-araw na lang ganito! Hindi ko alam kung nagha-hallucinate ba ako o hindi! Bwisit!" Naghilamos siya para mahimasmasan. Hindi niya maitago ang kilabot sa mga narinig niyang hakbang.

"Bloody Mary! Bloody Mary! Bloody Mary! Bloody Mary!" She repeated it thirteen times infront of the mirror.

Bloody Mary is said to appear in a mirror when her name is chanted repeatedly. Mary is summoned whenever squealing girls get together for a sleepover, Arylle and her friends tried it many times in their highschool days. The ritual typically performed in a bathrooms with large mirrors. Thirteen repetition of the words and a female apparition believe to appear infront of you.

"Aish! Ano na Bloody Mary? Saan ka na? Dito na me! San na you?" Sabay halakhak niya ng malakas dahil wala namang duguang babaeng lumabas.

"Kwentong pambata! Si Madelaine lang ata ang maniniwala sa mga ganun!" Pumasok siya sa pang-apat na cubicle sa loob ng banyo nang marinig na naman niya ang hakbang at namatay ang ilaw.

Shit! Tae! Bloody Mary? Ikaw na ba yan?

Parang naputol ang pag-ihi niya sa takot. Ngayon lang siya nakaranas ng ganun.

"Our Father, Who art in heaven, hallowed be Thy name.Thy kingdom come. Thy will be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread. And forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us. And lead us not into temptation, but deliver us from evil. Hail Mary, full of grace...." Nagsimula na siyang magdasal dahil patay sindi ang ilaw. May naririnig pa din siyang mga hakbang. Narinig din niya ang tila isang babaeng umiiyak habang may humihila dito.

NURSE MADELAINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon