CHAPTER 25: Burden

933 43 4
                                    

"Ikaw na ang may lovelife!" Maktol ni Arylle kay Madelaine na nakahiga sa may binti ng dalaga.

"Lovelife ba yon? Ang complicated nga eh. Kasi-"

"Wow ha! Complicated ba yon? Ikaw ang complicated Madelaine. Si Dok G, sigurado siya sa nararamdaman niya sayo. Ikaw lang naman ang hindi makapag-decide eh. Pabebe ka rin eh! Si Dok Gian yon...okay? Huwag ka ngang pakipot diyan. Yung mga tipo ng ganung lalaki, hindi na dapat pinapakawalan. Sugod kung sugod. Hello? Dok G yon! Nagmamaganda lang te?"

"Arylle...alam mo naman diba?"

"Hindi valid reason yon. So what kung mahirap ka at mayaman siya? Napaka-old school ng rason mo. Si Cinderella nga nakabingwit ng Prince Charming eh. You need to take the risk...you have to prove that, fairytales do come true."

"Kay Nanay at Tatay, feeling ko naman walang magiging problema. Pero sa Lolo at Daddy ni Dok G? At sa lahat ng relatives niya? Kung nakita mo lang ang tingin sa akin ng mga tao dun sa party ng Lolo niya. Para kaya nila akong binabalatan ng buhay. Ang hirap naman ng ganun, yung...us against the world. Ayoko ng kumplikadong buhay. Gusto ko simple at tahimik lang."

"Simple, tahimik at hindi kumplikado?"

"Mm. Ayoko ng-"

"Ako Madz, wala akong pakialam kahit gaano pa kakumplikado ang sitwasyon. Ano naman ngayon kung hindi tahimik ang buhay ko, basta kasama ko yung taong gusto ko...kahit pa mahirap at magulo, pipiliin ko pa ring makasama siya." Emosyonal na sabi ni Arylle na suminghot at pinahid ang luhang tumulo sa mata niya.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Dok Drake? Bakit ayaw mo sabihin sa akin?"

"Saka na lang, kapag ready na ako."

"Arylle naman eh..."

"Gusto mo ikwento ko sayo, pero samahan mo ako maglasing?"

"Arylle! Ano ba? Kapag naglasing ka ba may mababago?"

"Wala, pero atleast kapag lasing ako...hindi ko siya naaalala. Kaya huwag mo na tanungin."

Hindi niya gustong malaman ni Madelaine ang mga bagay-bagay na nangyari sa kanila ni Drake. May tiwala siya sa bestfriend niya, pero masyado itong inosente pagdating sa mga usaping ganun. Baka magulat lang ito kapag narinig niya ang kwento nila ni Drake.

"Uy! Basta sasama ka ah. Hindi ako pupunta kapag ako lang mag-isa. Baka kasi..."

"Baka di makapagpigil si Dok G sayo? Baka may gawin siya sayo kapag dalawa lang kayo? Hello! Trenta ka na, okay? Kailangan mo na yon. Ano ka? Menor de edad? Huwag ka ngang mag-inarte Madelaine. Tsaka sabi mo nga, di pa kayo nagki-kiss. Biruin mo yon! Si Dok G yon! Ang ganda mo te! Ang ganda ganda mo. Haba ng hair! Ikaw na! Parang kelan lang...Arylle, agreement lang to. Ngayon, inlove na si Dok G sayo? Aish! Ikaw na talaga! Si Nympha din, pag-uwi non dito, sigurado may lovelife na din siya. Ako na lang ang walang lovelife! Kainis! Kayo na ang may forever!"

"Ikaw kaya ang nagmamaganda. Panay ang dedma mo kay Dok Nathan. Grabe kaya yung mga effort niya sayo. Pero ikaw, wala lang. Parang wala kang nakikita."

"Alam mo si Dok Nathan kasi-"

"Kung ako pagpipiliin ng lalaki para sayo, mas gusto ko na si Dok Nathan kesa kay Dok Drake. Mas mukha kang safe sa kanya. Mas aalagaan at iingatan ka niya. Ang cute kaya niya, akala ko dati suplado siya. Pero hindi pala. Eh si Dok Drake, parang kakainin ka ng buhay."

"Willing akong magpakain ng buhay noh!"

Natigil ang bangayan nila nang marinig ang katok mula sa pintuan. Napabangon si Arylle sa may binti ni Madelaine sabay taas ng kilay.

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now