CHAPTER 33: Kill Them

818 51 11
                                    

"Gusto mo mag-suicide ka na lang para hindi ka na iiyak dahil sa akin?" Karga-karga siya ni Drake na tila ihahagis. Nasa may rooftop sila ng pinakamataas na building sa AMCIS.

"Uy ibaba mo nga ako! Ayoko pang mamatay!" Lulang-lula si Arylle sa taas ng kababagsakan niya sakaling ilaglag siya ni Drake.

"Bakit ayaw mo pang mamatay Arylle?"

"Kasi ayokong mamatay ng virgin! Hindi pa nga ako nakakatikim ng luto ng Diyos, mamamatay na ako?"

Damn those mouth Arylle! Kahit kelan talaga!

"Then I will let you taste it tonight." Umatras si Drake saka ibinaba ang dalaga.

"Dito? Sa rooftop? Ayoko nga! Sa sahig? Duh! Anong tingin mo sa akin? Cheap?"

"Do you believe in Blood Mary Arylle?" Ang dalaga ang napaatras sa unti-unting paglapit ni Drake sa kanya.

She was cornered until Drake leaned on her and whispered.

"I don't believe in Bloody Mary..." Drake is biting her earlobes gently.

"But I do believe that I can make you into a Bloody Mary...do you want to bleed tonight Arylle?" His normal baritone voice sound so seductive to her.

"Nagbi-bleed na ako noh! Manhid ka ba!" Sabay tuhod nito sa harap ni Drake.

"Aaaw! Shit!" Daing ni Drake na tumatawa. Hindi talaga nagbabago si Arylle. Brusko at brutal pa rin to.

"Nagbi-bleed na yung puso ko Drake!"

"I mean...there..."

"Do you want to bleed there? A virgin like you can bleed a lot. Do you know what is my shoe size?" Turo ng binata sa may ibabang bahagi ni Arylle.

"Totoo ba yon? Kapag malaki ang paa ng lalaki, malaki din ang ano niya?"

"To see is to believe Arylle." Isinandal siya uli ni Drake sa pader.

"Ayoko dito sa rooftop! Iuwi mo na lang ako sa bahay mo. Kahit sa sofa lang, okay na ako." Prangkang sabi nito sa binata.

Hindi alam ni Drake kung matatawa ba siya o matatakot para sa dalaga. Matagal din silang hindi nagkita nito, kitang-kita niya kung paano kinilig si Arylle kay Nathan kanina. Pero tila hindi nabawasan ang pagtingin nito sa kanya.

"Aray ko ah! Magkabukol lang ako, makikita mo talaga Drake!"

"Ang OA mo, pitik lang yon. Bukol agad?"

"Ang sakit kaya!"

"Arylle..." Biglang naging seryoso ang boses ng binata.

"Hindi ka ba babalik don?" Alam niya ang tono ng pananalita ni Drake kaya pilit niyang iniiba ang usapan.

"Arylle...listen to me."

"Baka hinahanap ka na nila don! Tara na! Bumalik na tayo!" Hinawakan niya ang kamay ni Drake at hinila. Ayaw niyang marinig ang anumang sasabihin ng binata.

"Arylle..."

"Ayoko! Huwag kang magsalita! Ayokong marinig ang mga sasabihin mo!" Nagtakip ang dalaga ng tenga.

"I'm sorry Arylle. I really need to leave. Gusto lang talaga kitang makita bago ako umalis. Si Kyle talaga dapat ang kasama nila Carl, hindi ako. I just tried to lure you out. Hindi ko ine-expect na gagawin mo yon. Na tatakbo ka palapit sa akin. I'm sorry for always hurting you." Tinanggal niya ang mga kamay ni Arylle mula sa tenga nito. Kung kanina ay si Arylle lang ang umiiyak, ngayon ay pareho na silang tumatangis.

"Sorry kung wala na lang akong ginawa kundi ang paiyakin at pahirapan ka. Sorry kasi naging selfish ako. Sorry kung nagpunta ako dito. Sorry dahil gustong-gusto kitang makita. Sorry kung miss na miss kita. Sorry kung pinagtutulakan kita kay Nathan. Sorry kung pakiramdam mo pinapaasa kita sa wala. Sorry kung feeling mo naghihintay ka. Sorry kung-"

NURSE MADELAINEWhere stories live. Discover now