Chapter 44

23 1 1
                                    

Zahara's Pov...

Hindi pa rin nagpapansinan ang apat kahit pa magkakasabay kaming maglakad sa iba't ibang bahagi ng mall. Tuwang tuwa ang kambal dahil ngayon lang sila nakapasok sa mall ng pilipinas, kung saan saan nila kami hinihila ni Arnold at panay din sila bili ng kung ano ano.

"Are you having fun?" mayamaya ay tanong sakin ni Arnold.

"Alam mo namang hindi ko hilig ang magpunta sa ganitong klaseng lugar, hindi ba?" nag-aalangang aniko, napangiwi siya at napatingin sa kambal at kay manang na nasa unahan namin.

"Yeah, I shouldn't brought you here." ako naman ang napangiwi sa sinabi niya. "But I have to."

"W-Wae?" nag-aalalang tanong ko.

"Someone followed me yesterday, I don't know them." kumunot ang noo ko sa sinabi niya, atsaka nagpalinga-linga sa paligid. "They're not here." muling bumalik sa kaniya ang paningin ko. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi sila parte ng blue wolf?" nakangising tanong niya.

"Sila lang naman ang kalaban natin, sino pa ba ang magbabantay sa kilos natin?"

"Red dragon." tipid niyang sabi, napasinghap ako dahil nagawa kong kalimutan ang grupo na iyon.

"Sa tingin mo sila ang nagbabantay satin ngayon?" tanong ko, nagkibit-balikat lang siya. "Hindi na ligtas ang kambal dito satin. They have to go as soon as possible." ma-awtoridad kong sabi.

                       .....................

Hindi ko alam kung ano ang pinagbubulungan nilang tatlo habang nakaupo kami dito sa food court. Nagmumukha tuloy akong tanga at saling-pusa dahil sa ginagawa nila, parang sinasadya pa nilang ipakita sakin na hindi ako kasali sa pinag-uusapan nila.

"Ano yang mga pinamili niyo--" nagulat ako nang biglang paluin ni Arnold ang kamay ko nang hawakan ko ang isang paper bag na nasa tabi ng upuan niya. "M-Masama bang tingnan?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko.

"Oo dahil ako ang bumili niyan." sigaw din niya.

Wala akong nagawa kundi sipsipin ang juice sa baso ko dahil sa inis sa kanilang tatlo. Panay ang bulungan nila at tawanan habang nakatingin pa sakin. Alas kwatro na ng hapon nang makauwi kaming lahat sa bahay dahil nanood pa kami ng sine, nagulat pa ako nang makitang nasa bahay na si Director Lee at nagkakape.

Binati ko siya atsaka dumiretso na sa kwarto ko, mayamaya ay narinig kong may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ay tumambad sakin si Director Lee.

"May kailangan ka?" magalang kong tanong, inimbitahan niya ang sarili niya papasok ng kwarto.

"Tungkol sa kapatid mo." napaismid ako sa sinabi niya, alam kong kawalang galang kung magagalit ako sa kaniya dahil sa pananahimik niya sa isyung iyon. "Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sayo ang tungkol ro'n." sinserong aniya.

"Gusto ko sanang malaman ang lahat."  magalang ko pa ring sabi, naupo siya sa kama at inabot sakin ang isang envelop.

Tumambad agad sakin ang kopya ng arrest warrant para kay Tau na siyang ipinagtaka ko ng sobra. Inisa-isa ko ang iba pang nakalagay sa envelop at nakita ko rin doon ang duguang ulo ni Ashley sa ospital.

"A-Ano to?" nakakunot noong tanong ko sa direktor, isang buntong hininga lang ang sinagot niya. "Alam kong naging palaaway ang kapatid ko noon pero hindi niya magagawa ang bagay na ganito, lalo na sa babae." nanlalaki ang mga matang sigaw ko.

"Huminahon ka, Zahara." napasinghap ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwalang iyon lang ang sasabihin niya.

Pareho kaming napalingon sa pinto nang kusa iyong bumukas, bumungad samin ang dismayadong mukha ni Arnold. Kusa siyang pumasok sa loob at inabot sakin ang isang kahon, tinaggap ko iyon pero hindi ko iyon nagawang buksan. Napukaw lang sa kaniya ang paningin ko, hindi ko alam kung bakit napakalungkot ng mga titig niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is a GANSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon