Chapter 7

61 5 0
                                    

/Arnold's POV/

Hindi ako makapaniwala, literal na nanlalaki ang mga mata ko. Ang daming tanong na nasa loob ng isipan ko pero hindi ko alam kung papaano ko iyon itatanong kay Zahara. Hindi ako makapaniwalang may koneksiyon ang lalaking iyon sa misyon ni Zahara.

Isa ako sa mga naghanap sa anak ng direktor nitong nagdaan na mga araw, parte iyon ng pagtulong ko kay Zahara. Ako pa mismo ang nagbigay ng mga impormasyon kay sajang pero hindi ko inakalang ang lalaking ito ang taong tinutukoy sa mga impormasyong iyon.

FLASHBACK...

Marahan akong pumasok sa kwarto ng sajang dala ang isang envelop kung saan ang laman nito ay ang mga impormasyon ng anak ng direktor, ang misyon ni Zahara. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko sa hawak hawak kong papel. May kung ano sakin na nagtutulak upang buksan ko ang envelop para malaman ang nasa likod ng mga impormasyon na iyon.

Pero nang subukan kong buksan at kunin ang ilan sa mga papel ay kusa ko rin itong ibinalik sa loob. Hindi mo pwedeng pakialaman ito Arnold. May kultura kasi sa samahan na ang una dapat makaalam ng mga impormasyon ay ang sajang at kasunod no'n ay ang gagawa mismo ng misyon.

Maaari mo lang malaman ang mga impormasyon na iyon kapag alam na ito ng sajang at ng gagawa ng misyon. Kaya naman minabuti kong ipagsawalang bahala ang kuryusidad na umiiral sa utak ko.

Nang magdere-deretso na ako sa salas ng kwarto opisina ng sajang ay agad ko siyang namataan sa tapat ng kaniyang bintana. Humarap siya sakin nang maramdaman niya ang presensiya ko. Agad naman akong yumuko para magbigay galang.

"Dala ko na po ang impormasyong ibinigay sakin ng tauhan ko." ani ko at iniabot sa kaniya ang envelop. "Sabihin niyo lang po kung ibibigay ko na iyan kay Zahara." umiling siya at mataman na tiningnan ang nasa loob ng envelop.

"Ako nang bahala na magbigay nito sa kaniya, maaari ka nang umalis." aniya na seryosong seryoso.

Tumango akong muli at tsaka dere-deretsong lumabas sa kaniyang kwarto. Hindi ko mawari ang nararamdaman kong kuryusidad patungkol sa laman ng envelop na iyon. Kahit pa malalim ang iniisip ko ay patuloy pa rin ako sa paglakad patungo sa opisina ko.

END OF FLASHBACK...

Nawala ang pagmumuni-muni ko nang pinitik ni Zahara ang noo ko."Woi..." angil niya. "Heto na siya..." itinuro pa niya ang lalaki. "hindi ba't gusto mo siyang makilala? Heto na siya." nakangiting pagpapakilala niya sa lalaki.

"Ang sabi mo bata ang alaga mo?" tanong ko.

Tumawa siya at nilingon ang lalaki. "Bata nga..." atsaka siya humarap saking muli. "isip bata hehe." sumama naman ang tingin ng lalaki sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala, napaismid ang labi ko. Tiningnan ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito. "Pumasok na kayo..." sabi ko sa dalawa. Nang akma na silang tatalikod ay nagsalita ulit ako. "Zahara..." nilingon ulit ako nito. "mag-uusap tayo mamaya." tumango lang siya bilang sagot at hinila na ang lalaki papalayo.

Nang mawala sila sa paningin ko ay tsaka ko lang sinagot ang tumatawag, hindi ako nagsalita. "Hello?" sagot ng nasa kabilang linya. "Magkita tayo mamaya sa apartment mo 3pm, okay?" iyon lang at siya na ang kusang nagbaba ng tawag.

Agad akong sumakay sa kotse ko. Balak ko kasing tumambay muna sa paborito kong coffeeshop at doon ay magbasa basa ng mga libro. Mula kasi pagkabata ay iyon na talaga ang hilig. Hindi pa man ako nakarating sa pupuntahan ay agad nang bumuhos ang malakas na ulan.

My Girlfriend is a GANSTERΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα