Anim na buwang gulang palang si Zahara nang ampunin siya ni Chairman Kang at ibigay sa kaisa-isa nitong anak na si Mr. Morgan Kang. Lingid sa kaalaman ng tunay na pamilya ni Zahara na kasapi pala ng isang gangster group ang pamilya Kang. Bata palang si Zahara nang magsimula ang kaniyang pag-eensayo para mapabilang sa myembro ng Butterfly Community. Ang Butterfly Community ay isang organisasyon kung saan ang mga kasapi ay binibigyan ng iba't ibang misyon na kailangang gampanan. Lahat ng kaspi ng grupo ay nilalagyan ng hugis paro-parong marka sa likurang bahagi ng katawan, palatandaang kasapi nga sila sa grupo. Nang malaman ni Zahara na siya'y ampon lang ay agad niyang hinanap ang tunay na pamilya at magdesisyong kumalas sa grupo. Pero bago pa man siya pinagbigyang kumalas ay binigyan muna siya ng huling misyon. Kailangan niyang protektahan si Jullian De Guzman. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Zahara Lorietta Perez kapag nalaman niya na nagpapanggap lang si Tau bilqng kaniyang kapatid? Ano kaya ang magiging parte ng iba pang karakter sa buhay niya?