Chapter 4

83 6 0
                                    

/Jullian De Guzman's POV/

Ilang linggo na ang lumipas ng mag-aral dito sa Butterfly University si Zahara. Kapansin pansin ang pagiging malapit niya kay Tau. Hindi man ganoon kainteresado si Tau sa kaniya ay nagagawa naman nitong ngumiti sa mga biro ni Zahara.

Hindi na rin nagpapahatid sakin si Zahara. Hindi rin naman siya pumapayag sa tuwing ako ang nagyayaya. Hindi man niya sabihin ay alam kong si Tau na ang gumagawa non sa kaniya.

May pagkakataon pa rin namang nagkakasabay kami ni Zahara sa pagkain pero dahil lang iyon sa pangungulit ko. Hindi ko alam kung paano at bakit siya naging malapit sa taong iyon.

Mula kasi nang tumuntong si Tau sa eskelahang ito ay hindi pa siya nagkakaroon ng kaibigan. Parati kasi siyang nakayuko at umuupo sa sulok. Kung minsan naman ay makakausap mo lang siya kapag patungkol lang sa mga proyekto sa school.

Hindi ko talaga maisip kung ano ang namamagitan sa dalawang iyon.

Magsisimula na ang klase pero hindi pa pumapasok sa klase si Zahara at Tau. Hindi na ako nagtataka para kay Tau dahil hindi naman talaga iyon pumapasok sa oras. Madalas siyang late kung hindi man ay halos kasabay na niyang pumasok ang unang guro namin sa umaga.

Dahil sa pagkatuliro ay hindi ko namalayan na naglakad pala ako papunta sa field. At sa hindi inaasahan ay makakasalubong ko pala ang dalawa. Nang magtama ang paningin naming tatlo ay ako rin ang kusang umiwas.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero hindi ko talaga gusto kung ano man ang nakikita ko ngayon. Si Tau ang nagdadala ng bag ni Zahara habang si Zahara naman ay nakahawak sa braso ng lalaki.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong sitwasyon. Seryoso ang mukha ni Tau habang nagtataka naman ang mukha ni Zahara. Ako anman ay hindi ko alam. Hindi ako makapaniwala. Hindi normal ito. Sa iniaasta nila ay parang ilang taon na silang magkakilala.

Naputol ang katahimikan ng biglang magsalita si Tau."May kailangan ka ba?"seyosong tanong niya.

Alam kong namutla ako sa pagkakataong iyon. Parang nanunuyo ang lalamunan ko kaya hindi ako makasagot. Nagulat ako ng marinig ang matunog na pagngisi ni Tau. Napatingin ako sa kaniya. Ibinigay niya ang bag kay Zahara na hanggang ngayon ay inosente sa mga nakikita.

"Mauna ka na muna sa loob."utos ni Tau kay Zahara.

Agad naman itong kumilos at nakangiting kumaway sakin. Nang mawala na sa paningin namin si Zahara ay agad namang tumikhim si Tau. Nang lingunin ko siya ay nakatingin na siya sakin. Seryoso. Bahagyang nakakunot ang noo. At deretsong nakatingin sakin.

"Pwede ba tayong mag-usap?"tanong niya.

Namulsa ako. Ngumisi at tumingin sa malayo. Hindi ako makapaniwalang yayayain niya akong makipag-usap sa kaniya. Ginaya niya ang posisyon ko at bahagyang ngumisi.

"Kung gusto mo ay dito nalang tayong dalawa mag-usap kung tinatamad ka."kalmadong dagdag niya.

Napatingin agad ako sa kaniya. Ang lakas ng loob nito ah! Kalmado siyang lumingon sakin atsaka pinagkrus ang mga braso at itinaas ang parehong kilay.

"Tungkol saan ba?!"angil ko.

"Kay Zahara..."tugon niya.

Napaharap ako sa kaniya. Sandaling ngumanga dahil hindi ako makapaniwala. Aaminin na ba niya na may relasyon sila? At bakit naman niya iyon sakin sasabihin? Nang-aasar ba siya? Bwisit!

"Kung napapansin mong malapit kami sa isa't isa..."humarap siyang muli sakin."may dahilan ang mga iyon."dagdag niya."Hindi ko pa sa ngayon masasabi ang mga rason na iyon pero..."bitin ulit niya."kung dumating man ang panahon na hindi ko siya maproteksyunan laban sa mga gustong manakit sa kaniya, gusto ko sanang ikaw ang magtanggol sa kaniya."patuloy niya.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now