Chapter 14

32 4 0
                                    

Zahara Lorietta Perez's POV

Sinundan kami ni Tau palabas ng canteen. Ramdam ko ang mga matang nakatingin samin habang tumatahak palabas, hindi ko na iyon pinansin dahil sa sakit na nararamdaman sa kanang kamay.

"Zahara." tawag sakin ni Tau pero hindi ko siya nilingon, dere-deretso lang ako sa paglalakad habang hinihila ang alaga ko. "Zahara ano ba?!" galit na talagang tawag niya pero di ako nagpatinag.

Narating na namin ang dulo ng hallway kung nasaan ang cr ng mga lalaki. Nagulat ako ng may biglang sumunggab ng kaliwang braso ko dahilan para mapabitaw ako kay Jullian.

Nang lingunin ko ay kamay na pala iyon ni Tau, deretso siyang nakatingin sakin at halatang galit. Si Jullian naman ay nagpapalit-palit ang tingin saming dalawa, hindi ko mabasa ang emosyong nakikita ko sa mga mata ni Tau.

"Ano ba 'yon?" wala sa sariling tanong ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang sa mga titig niya.

Binitawan niya ako sa braso atsaka siya nagpalinga-linga sa daang pinanggalingan namin at sa looban ng banyo ng mga lalaki, sinisigurong walang ibang makakarinig samin.

"Ano yung nangyare kanina?" tanong niya.

"Hindi ko alam, 'yan din sana ang gusto kong itanong sa'yo." sarkastikong aniko.

"Ano?" nagtatakang tanong niya, umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Zahara, hindi ka dapat basta bastang pumapasok sa gulo!" galit na aniya. Nagpalakad-lakad siya sa harap ko na para bang hindi alam kung anong nangyayari.

"Eh ikaw?!" hindi ko naiwasang ilabas lahat ng emosyon ko. "Bakit hinahayaan mo lang na ginagawa nila 'yon sa'yo? Bakit mo hinahayaang maliitin ka nila nang gano'n gano'n nalang? Ha? Bakit?!" hindi ko alam kung saan ba talaga nanggagaling ang emosyon ko.

"Dahil sa huli ako pa rin naman ang talo!" naging matunog ang buntong-hininga niya matapos no'n. "Kahit matalo ko sila sa away, mapapatalsik pa rin naman ako sa eskwelahang ito sa gulong pwedeng mangyari!" kunot na kunot na ang noo niya, pakiramdam ko ay ganoon din ang sakin. "Hindi mo alam ang pinasok mong gulo, Zahara." biglang lumamlam ang mga mata niya ng sabihin niya iyon.

''Anong ibig niyang sabihin?'

Umiling siya bago niya kami talikuran, sinundan ko siya ng tingin habang tinatahak niya ang daan pabalik sa hagdan paitaas. Wala akong ibang magawa kundi ang mapabugtong-hininga nalang.

"Whoooh!"

0_0

Nagulat ako ng biglang pumito si Jullian sa tabi ko. Nakalimutan kong kasama ko pala siya kaya naman napabalikwas ako ng tingin sa kaniya. Tiningnan niya ako ng may pagtataka, nag-iwas ako ng tingin at muling bumuntong-hininga.

>>_<<

Napapikit ako nang muling kumirot ang sugat ko sa kanang kamay. Pasimple kong sinilip iyon pero bago ko pa man mailabas ang kamay ko ay napansin ko na agad ang mantsa ng dugo sa bulsahang bahagi ng kamay ko.

'Shit!'

"M-Mauna ka na muna sa room, magsi-cr lang muna ako." nakangiti kong utos kay Jullian.

Umismid siya at bigla akong hinawakan sa balikat. "Hayaan mong tulungan muna kitang gamutin 'yang kamay mo." seryosong aniya.

"Mwo?" (What?) gulat kong tanong.

Dahan dahan niyang ibinaba ang kamay niya papunta sa siko ko at itinaas iyon dahilan para makita niya ang kamay kong dumudugo. Napalunok ako ng makitang kumunot ang noo niya. Nagyon ko lang siya nakitang sumeryoso ng ganoon at sadyang nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa loob ko.

My Girlfriend is a GANSTERحيث تعيش القصص. اكتشف الآن