Chapter 24

19 1 0
                                    

Chapter 24 (The truth)

ARNOLD's POV

Nilingon ko ang babaeng kaklase ni Zahara bago ako muling humarap sa mga kausap ko, siniguro kong umalis na siya. Kunot na kunot ang noo ni Tau nang tingnan ko siya, nagtataka siyang nakatingin sakin. Hindi ko siya binigyan ng pansin at seryosong nilingon ang dalawang lalaki sa harap ko.

"Iyan ang mga posibleng lugar na pwedeng pagtaguan ng blue wolf." seryosong abot ko sa dalawa ng isang envelop, laman no'n ang mapa ng Palawan, nakabilog ang mga lupain na nabili ng blue wolf sa lugar. "May mga ipinadala na akong mga tao sa ibang lugar, pero wala silang nakita." napayuko ako sa huling sinabi ko.

Maging ako ay nag-aalala, kahit walang magsabi sakin ay alam kong wala sa lugar na ito si Zahara. Kung hindi siya nasama sa pagdukot kay Jullian ay malamang na sumunod siya sa mga ito. Hindi ugali ni Zahara ang humingi ng tulong kahit kanino, kahit pa dehado na siya ay pride pa rin niya ang nangingibabaw sa loob niya.

"Sa tingin ko, wala sa mga lugar na ito dinala ng bluewolf si Jug-eun." tutol ni Sajang.

"Ano hong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi lingid sa kaalaman nila na alam natin ang mga lupaing binili nila sa buong bansa, sa tingin mo ba ay hahayaan nilang mahanap pa natin sila?" napatango ako sa sinabi ni Sajang, naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. "Ikaw ang mamuno sa mga tauhan, magpunta kayo sa lahat ng lugar dito sa Palawan, lahat ng kahina-hinalang lugar ay pasukin ninyo, gawan niyo ng paraan. Ang importante ay mahanap si Jug-eun, nauunawaan mo ba?"

"Ne, Sajangnim."

"Sandali lang..." tawag pansin sakin ni Director Lee. "Nakikiusap ako, ibalik mo nang buhay ang anak ko." pagmamakaawa niya, tumango lang ako bilang sagot.

Akto akong tatayo nang bigla akong pinigilan ni Tau. "T-Teka, ano bang pinag-uusapan niyo?" Naguguluhang tanong niya, muli akong naupo at inayos ang suot kong coat. "Arnold, kaibigan mo si Zahara, hindi ko alam kung anong ginagawa mo sa lugar na ito pero nakikiusap ako, hanapin mo siya."

Napalingon ako kay Sajang, sinenyasan niya akong umalis na. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko hindi lang dahil kay Tau, kundi para na rin kay Zahara. Paano nagagawang maging mahinahon ni Sajang ngayong hindi mahanap ang anak niya?

Hawak pa rin ni Tau ang braso ko at anumang oras ay posible siyang lumuhod sa harap ko para magmakaawang hanapin ang kapatid niya. Pero wala akong nagawa dahil may kailangan akong gawin, hinawakan ko ang pulsuhan ni Tau at pilit iyon inilayo sakin.

"Gagawin ko ang makakaya ko, huwag kang mag-alala." Iyon lang ang nasabi ko sa kawawang lalaki sa harap ko.

Hindi ko alam kung nakatulong ang simpleng salita na iyon sa kaniya pero wala na akong pakialam, kailangan ko nang umalis. Muli akong sumakay sa kotse ko at hinanap ang telepono ko. Idinial ko ang numero ni Steve, isa sa mga tauhan ko.

"Bumalik na kayo sa meeting place, may kailangan tayong pag-usapan."

"Yes, Sir."

Ibinaba ko na ang telepono at pinaandar na ang sasakyan. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ng kapatid ni Zahara, alam kaya ni Zahara kung gaano ito nag-aalala para sa kaniya? Kahit walang magsabi sakin, hahanapin pa rin kita, Zahara.

TAU's POV

Nawawalan na ako ng pag-asa, bakit parang ako lang ang nag-aalala? Bakit ako lang ang natataranta sa mga nangyayari? Bakit parang ako lang ang naghahanap kay Zahara? Dahil ba malakas siya kaya wala nang pakialam sa kaniya ang iba? Maging ako ay nanghihina na.

Nang makaalis ang kaibigan ni Zahara ay para bang nawalan na ako ng lakas. Siya nalang ang natitira kong pag-asa na mahanap si Zahara pero hindi manlang ako nagkaroon ng pag-asa na mapakiusapan siya ng maayos. Tulala lang ako sa isang tabi at hindi na pinansin ang pag-uusap ng dalawang matanda.

"Pacheco..." dinig kong tawag sakin ni Director Lee, hindi ko siya pinansin. "Tau, alam kong mahirap to para sayo pero sana wag mo nang palalain ang sitwasyon." napangisi ako sa sinabi niya.

Hinarap ko siya nang may pagtataka. "At ako pa ang nagpalala ng sitwasyon?" natawa ako sa sarili kong sinabi. "Tumawag tayo ng pulis para matapos na ang problemang to!!"

"HINDI PWEDE!!!" naging matalim ang tingin ko sa tatay ni Zahara nang sabihin niya iyon. "Walang magagawa ang mga pulis sa problemang ito. Masisira lang ang pangalan ng eskwelahan niyo, pati na rin ang samahan." seryosong paliwanag niya.

Napamura ako at alam kong narinig nila iyon. "Ano ba talaga kayo? Anong buhay ba ang ibinigay mo kay Zahara?! Bakit ba ganiyan kayo umasta?!" nanginginig ang mga kamaong tanong ko.

Sobrang gulo na ng isip ko, halos sumabog na ang utak ko dahil sa dami ng tanong sa isip ko. Alam kong hindi normal ang buhay ni Zahara pero wala akong alam, bata pa lang ako nang makita ko siya noon na nag-aaral sa pakikipaglaban.

Umiwas ng tingin sakin ang ama ni Zahara, at para bang iniisip ang sasabihin. "Hindi kami pangkaraniwang tao, Tau." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "We are part of a group which called Butterfly Community, we are gangster."

"Morgan, tama bang ikuwento natin iyan sa kaniya?" nag-aalangang tanong ni Director Lee.

"He deserve to know the truth, don't worry, I won't tell him everything." magalang na sagot nito. "Tau, inampon ko si Zahara noon hindi lang para magkaroon ng anak, kundi para maisama ko siya sa samahang kinabibilangan ko."

"Napakamakasarili mo." Tiim-bagang sumbat ko sa kaniya. "May sakit noon si Zahara, alam mo yan hindi ba?" Sa sinabi ko ay para bang naguluhan siya, hindi niya ba iyon alam?

"What do you mean na may sakit siya? She was quite healthy back then." seryosong aniya, naguluhan ako. "Anyways, inampon ko siya to be part of our organization. I trained her, she became one of the strongest member of Butterfly Community. Lord Lee Daniel, was a former heir of the throne." isinenyas niya pa ang direktor. "But He refuses the offer, since then our organization becomes weaker, Blue Wolf, our competitor finds out that the former heir has a child, they are afraid that Director Lee might comeback to us and his child will be the new ruler of Butterfly Community, and they think that it will be the start of our victory."

"Ano namang kinalaman ni Zahara sa buhay nilang mag-ama?" Naguguluhang tanong ko, nagtinginan silang pareho.

"Zahara Lorietta Perez was Jullian's protector." sabay nilang sabi.

TO BE CONTINUE...

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now