Chapter 20

25 2 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Guys bumaba na daw muna tayo sabi ni Sven, mag-lunch daw muna." malakas na anunsyo ng president namin.

Kakaumpisa ko lang mag-ayos ng mga gamit ko dahil sandali pa akong nagpahinga matapos ang halos tatlong oras na byahe mula sa school. Gutom na rin ako pero hindi ko naman pwedeng iwan ang mga damit ko sa kama lalo na't wala naman akong mapagkakatiwalaan sa mga kasama ko.

"Hindi ka pa bababa?" nakangiting tanong ni Mitch, kaibigan ko.

"Mauna ka na, hindi pa naman ako gutom." pagsisinungaling ko.

Ramdam ko pa rin ang mga titig niya pero binaliwala ko na iyon at minadali na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Mayamaya ay ramdam ko nang mag-isa nalang ako sa kwarto, sandali pa akong humiga sa kama ko bago ko napagdesisyunang bumaba na rin.

Hindi ako kumportableng sumakay ng elevator nang mag-isa kaya naman nagdesisyon akong bumaba nalang gamit ang hagdan. Nasa 5th floor kami kaya matagal tagal pa akong makakababa sa restaurant kung nasaan ang mga kasama ko.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan sa pangatlong palapag nang may mapansin akong lalaking nakatayo patalikod sakin at prenteng nakasilip sa bintanan ng hagdan. Nakatanaw siya sa salaming bintana at hindi ko mawari kung ano o sino ang tinitingnan niya.

Sa tangkad at kisig ng kaniyang katawan ay alam ko na agad na isa siya sa mga manlalaro ng eskwelahan namin. Alam ko agad iyon dahil nakasuot siya ng tshirt na ginawa lang ng mga admin sa school para sa mga kasali sa event.

Pero dahil nga nakatalikod siya sakin ay hindi ko makita kung sino nga ba ang lalaking ito. Kaya naman dahan dahan akong bumaba ng hagdan nang walang ginagawang ingay. Tahimik akong lumapit sa kaniya at simpleng sinilip ang kaniyang mukha. Hindi niya pa rin ako pansin dahil abala siya sa panonood sa kung sino o ano sa labas ng building.

0_0

Agad na nanlaki ang mata ko nang makilala na kung sino ang lalaki sa harap ko. Mukha ng iisang lalaki na matagal ko nang gustong makita sa malapitan at muling mahawakan ng aking mga kamay. Napakatanga ko dahil hindi ko manlang agad nakilala ang lalaking ito sa harap ko.

Jullian...

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, gusto ko siyang yakapin at panggigilan. Pero sa kabila ng pananabik ko ay pinigil ko ang sarili ko. Isang metro lang ang distansya namin sa isa't isa pero hindi manlang niya nararamdaman ang presensya ko at tulad kanina ay abala pa rin siya sa pagtanaw sa kung saan.

Dahan dahan kong inilihis ang aking ulo at sinundan ng tingin ang tinatanaw ni Jullian. Agad akong napangisi nang mapagtanto kung ano talaga ang tinatanaw niya. Napatingin akong muli sa kaniya at ganoon pa rin ang posisyon niya, pero sa pagkakataong ito ay nakangiti na siya.

I used to be the reason of that smile

Zahara... how could you steal my man?

Pasimple kong pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko, at bahagyang lumihis patagilid kay Jullian. Pero nang muli akong humarap sa gawi niya ay nakatingin na siya sakin.

Sa gulat ko at napaatras pa ako. Nasa likod na niya ang kaniyang mga kamay at nakaharap sakin ang kaniyang katawan na para bang nililitis na niya ako sa isip niya.

"Anong ginagawa mo dito?" seryoso ngunit walang kagana-ganang tanong niya.

"A-Ah, wala naman... naglalakad lang ako pababa no." utal kong sabi sa kaniya.

"Naglalakad ka pababa?" tanong niya, halatang hindi siya naniniwala. "Halos limang minuto mo na akong tinitignan."

"A-Ano?" utal kong sigaw. "H-Hindi totoo yan!" pagsisinungaling ko.

My Girlfriend is a GANSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon