Chapter 8

68 5 0
                                    

/Zahara's POV/

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero tanghali na ng magising ako. Wala na rin ako sa sala, malamang ay dinala ako ni Arnold dito sa guestroom ng apartment niya. Dumeretso ako sa banyo ng kwarto at ginamit ang bagong sipilyo na nasa loob ng drawer. Matapos kong magsipilyo ay naligo agad ako at sinuot ang damit na nakahanger sa pintuan ng kwarto bago ako bumaba.

Wala nang tao sa baba, inaasahan ko na iyon. Malamang ay may inasikaso na naman si Arnold, mabuti na iyon dahil malamang ay magtatanong lang iyon ng magtatanong kung nanatili siya. May nakita akong lutong pagkain sa lamesa at may nakadikit pang sticky note sa kutsara.

"Kainin mong lahat itong niluto ko. Magtimpla ka nalang ng kape dahil hindi ko alam kung anong uri ng timpla ang gusto mo. Nasa sala ang medicine kit ko, ikaw nang bahalang gumamot sa mga sugat mo tutal mayabang ka naman. Tch, take care!"

Natawa ako sa sinabi niya, hindi iyon sweet para sakin kundi pagiging sarkastiko. Ganiyan si Arnold, hindi siya ang tipo ng tao na ipapakita sa iyo ang feelings niya. Makikita mo iyon ng kusa sa mga kilos niya. Hindi malabong iyon ang nagustuhan ko noon sa kaniya. Napangiti na naman ako.

Matapos kong kainin ang niluto niya ay nanood ako ng t.v pero mas pinili kong manood nalang ng movie sa cellphone ko. Mayaman si Arnold, may sarili siyang internet connection at kumpleto siya sa mga appliances. May apat siyang sasakyan at tatlong motor.

Lahat ng pag-aari niya ay kinita niya mula sa kaniyang mga misyon. Sa murang edad na labing-isa ay nahasa na ang kaniyang kaalaman sa pakikipaglaban. Dahil doon ay huminto siya sa pag-aaral at piniling magtrabaho na agad sa samahan.

Nagsimula lang ako sa paggawa ng misyon ng tumuntong na ako sa edad na labinlima. Sa madaling salita ay magtatatlong taon palang ako sa serbisyo. Masaya kami noon ni Arnold pero habang tumatagal ay nagiging malamig ang relasyon namin. Hindi namin ininda ang murang edad naming dalawa. Kahit pa mas matanda siya sakin ng apat na taon ay wala akong pakialam.

Naghiwalay kami dahil nagkaroon ng pagkakamali sa misyon niya. Aksidente siyang nakapatay, nakakapagtakang hindi siya natakot. Matapang niyang hinarap ang parusa para sa kaniya dahil lang sa kagustuhang iligtas sa kapahamakan noon ang sajang. Natakot ako at naduwag, pakiramdam ko ay kaya niya ring gawin sakin ang nagawa niya kaya ako mismo ang nakipaghiwalay sa kaniya.

Hindi siay umangal, hindi siya kumontra. Syempre noong una ay nasaktan ako pero dahil kilala akong matatag at matapang ay hindi ko ininda ang sakit. Nagsimula ang misyon ko nang nasa tabi ko siya, madali mab o mahirap ang misyong hinahawakan ko ay nanatili siya.

Hindi ko namalayan ang takbo ng oras, hapon na pala. Hindi ko rin napansin na nakatatlong pelikula ako. Ang kapal ng mukha ko dahil hindi manlang ako nakapaglinis ng bahay.

Una kong hinugasan ang mga platong kinainan ko matapos no'n ay nagligpit ako sa salas. Magwawalis na sana ako nang makita ko ang medicine kit na nasa lamisita. Magagalit iyon panigurado kapag nakitang hindi ko ginamot ang sugat ko.

Nagwalis na muna ako, matapos no'n ay sinimulan ko na ang paggamot sa mga sugat. Ang totoo ay nakuha ko iyon sa nakaengkwentro kong kasapi ng blue wolf. Sila din ang dahilan kung bakit nakitulog ako dito kay Arnold. Ilang araw na kasi nila ako ginugulo, hindi ako natatakot. Sandyang ilang gabi lang talaga ako napupuyat dahil sa kanila. Kaya gusto ko lang sana ng break hehe.

Kagabi bago ako pumunta dito ay nakalaban ko ang limang kasapi ng blue wolf. Hindi ko inaasahang bukod sa pagiging matalino nila ay sadyang malalakas talaga sila. Kakaiba ang bilis ng kilos nila, masasabi kong hindi ko sila basta basta pwedeng maliitin.

FLASHBACK...

May plano kaming magkita ngayon ni kuya Tau kaya naman maaga palang ay inihanda ko na ang susuotin ko at ang mga gagamitin ko. Balak naming magcamping dalawa dahil gusto niyang bumawi sakin sa mga taong nagkahiwalay kami.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now