Chapter 2

141 7 0
                                    

/Zahara Lorietta Perez's POV/

Wala akong nagawa nang ipilit ng sajang ang misyong pinagagawa sakin. Naging mas malala kasi ang pangungulit nila Arnold sakin matapos ang engkwentro nila ng lalaking iyon. Kung tutuusin ay madali lang naman ang misyon na iyon. Hindi ko lang talaga gustong tanggapin dahil gusto ko nang kumalas.

Pero dahil ipinangako ng sajang na ito na ang huli kong misyon at palalayain na nila ako ay pumayag nalang ako. Ang kailangan ko lang namang gawin ay ang proteksyunan ang anak ng may-ari ng Butterfly University. Pero ang problema ay walang nakakakilala sa anak nito.

Ilang araw ko nang minamanmanan ang eskwelahan. Makailang beses na rin akong nagtanong sa mga estudyante. Pero iisa lang ang kanilang isinasagot. Wala raw anak ang direktor. Ni hindi ko pa alam ang kasarian o kung ilang taon na ba iyon.

Kinailangan ko pa tuloy mag-enroll sa eskwelahang iyon. Tch. Ngayon na ang unang araw ko. Wala akong alam sa pasikot sikot ng lugar na iyon pero wala naman akong magagawa.

Dumeretso ako sa teacher's office. Nandito raw kasi ang magtuturo sakin ng kwartong papasukan ko. Doon ko nakilala si Mr. Cruz, ang homeroom teacher ko. Sinamahan niya ako papunta sa kwarto ko. Siya ang naunang pumasok at pinahinto ang mga estudyante sa kani-kanilang ginagawa.

"Students!"bulyaw niya sa mga ito."may ipapakilala ako sa inyo. May bago kayong kamag-aral. Gusto kong pakisamahan niyo siya ng mabuti. Naiintindihan niyo?!"tumango naman ang mga estudyante."hija maaari ka ng pumasok."

Pumasok naman ako ng dahan dahan atsaka akong magalang na yumuko."Magandang araw. Ako si Zahara Lorietta Perez. Sana ay maging magkakaibigan tayong lahat" nakangiti kong pagpapakilala.

Nagsipagpalakpakan naman ang lahat. Itinuro sakin ni Mr. Cruz ang silyang gagamitin ko. Hindi ako kumportable. Nasa bandang gitna ako at nakakailang ang maya't mayang lingon sakin ng mga kaklase ko. Wala naman akong magawa kundi ngitian sila. Walang karapatang lumabas ang pagiging mayabang ko sa lugar na ito.

Lumipas ang mga oras. Apat na subject kaagad ang natapos. Mabilis na nagsipagtayuan ang mga estudyante. Ako naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagulat ako ng may kumalabit sa balikat ko.

"Hey. Ako si Ashley Lorreine Valdez you can call me Ash."magiliw na pagpapakilala niya. Tumayo ako para makipagkamay.

"Hi. Ako si Zahara."tugon ko.

"By the way, ako ang president sa classroom na ito."walang halong kayabangan ang pagsasalita niya."mmm.. kapag ganitong oras"tumingin siya sa relos."lunch break na. May dalawang oras every breaktime."dagdag niya.

Tumango naman ako. Niyaya niya akong sumabay sa kaniya kaya sumama ako. Maliligaw ako kapag nagmagaling pa ako. Marami siyang kinuwento sakin pero hindi naman ako interesado. Binigyan niya ako ng kopya ng schedule ng aming klase.

Mabait naman siya pero hindi ko kasi ugaling makipagkaibigan. Madaldal din siya masyado. Kung hindi lang siguro ako naging pasensyosa sa araw na ito ay baka tinahi ko na ang bibig niya. Pero naisip kong unang araw ko palang ito kaya kailangan kong kumalma.

Marami na akong nakilala sa mga classmate ko. Mabuti nalang at masipag si Ash na ipakilala ako sa lahat. Isa nalang ang hindi ko pa kilala. Ang lalaking nakaupo sa bandang dulo ng kwarto namin. Ang sabi ni Ash ay wag ko nalang pansinin iyon dahil walang balak makipaghalubilo sa tao ang isang iyon.

Matapos ang lunch ay walang pumasok na guro. Sabi ng ilan ay absinero talaga ang propesor namin sa Filipino kaya naman wag na akong magtaka.

Hindi ko inaasahan na may nale-late pa palang estudyante sa panahong ito. Pero mas hindi ko inaasahan na kilala ko pala ang isang to.

My Girlfriend is a GANSTERWhere stories live. Discover now