Chapter 26

31 3 0
                                    

Chapter 26 (Return)

ZAHARA's POV

Flashback...

"Kailangan mong bumalik sa Korea at harapin ang parusa mo." seryosong sabi ni sajang.

Palihim kong pinasadahan ng tingin si Director Lee na kanina pa tulala sa dagat. Napayuko ako nang maisip na hindi pa niya nakakalimutan ang trahedyang nangyari sa iisa niyang anak. Narinig kong tumikhim si sajang na siyang nagpabalik sakin sa reyalidad.

Yumuko ako bilang paghingi ng tawad. "Handa kong harapin ang kahit na anong parusa, sajangnim." tila ba naubos na ang mga luha ko at wala nang maipatak pa pero ang sakit ng katotohanang hindi ko na makakasama pa si Jullian ay nandito pa rin. Umayos ako ng tayo at walanng buhay na hinarap si Director Lee. "Lord Lee Daniel, patawarin niyo po ako sa kapalpakan ko, patawarin niyo po ako sa pagkukula--"

"Wag mong sisihin ang sarili mo." napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon, mugto na ang mga mata niya at tulad ko ay para bang pagod na rin siyang umiyak pa. "Kasalanan ko ang nangyari kay Jullian, ako ang nagdala sa kaniya sa sitwasyong ito." utal niyang sabi, hindi ko na rin masyadong naintindihan ang iba niyang sinabi dahil sa barado niyang ilong. "Hindi niya dapat dinanas ang gano'ng klaseng kamatayan." nakita ko mismo ang pagtulo ng luha niya, hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.  "Anong klaseng tao ako at nagawa kong ipahamak ang isang inosenteng bata?" napahawak siya sa noo niya nang sabihin niya iyon, sobra akong naguguluhan sa mga sinabi niya.

"Mabuti pa at magpahinga ka muna, Lord Daniel." sabat ni daddy, "alam naming mahirap ito sa iyo." inalalayan ni daddy si Director Lee hanggang makarating kami sa kwarto nito.

End of flashback...

"Bakit hindi niyo po pinauwi si kuya, Dad?" hindi ko naitago ang inis ko nang itanong ko iyon.

"Hindi naman siya nagpapilit na bumalik sa Bulacan." nakangiwi niyang sagot.

"Paano kung malamab niya ang pagkatao natin?" nag-aalalang tanong ko, siguradong magagalit si Tau kung malalaman niya ang totoo kong pagkatao.

"Sinabi ko na sa kaniya." napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. "Well... may karapatan siyang malaman, kapatid mo siya."

"Kapatid, huh?" sarkastiko kong tanong, nakita kong napaiwas siya ng tingin atsaka napalunok. "Nakalimutan mo na bang hindi pwedeng ipagsabi ang katauhan natin basta basta sa kahit na sino, Dad?"

"Alam ko iyon, anak, kaya nga hindi ko naman sinabi sa kaniya lahat. Sinabi ko lang sa kaniya ang mga dapat niyang malaman para naman sa ikakapanatag ng loob niya." mahabang paliwanag niya 

Ganito talaga kami mag-usap ni Daddy kapag kaming dalawa lang at kung wala namang kinalaman sa trabaho. Alam kong hindi galit sakin di Daddy dahil sa palpak kong misyon. Nagulat pa nga ako nang salubungin niya ako kanina ng mahigpit na yakap no'ng makabalik ako.

Ipinanood sakin ni Daddy ang video'ng ipinadala ni Master Choi, hindi ko alam na ipinadala niya pala ito. Kaya pala hindi na sila masyadong nagtanong sakin kung ano ang nangyari. Napahawak ako sa sintido ko nang muling sumakit ang sugat na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan at paano ko nakuha.

"Hindi mo ba talaga alam kung sino ang gumamot sa'yo? Mukha kasing propesyunal ang isang iyon." mayamaya'y tanong ni Daddy, umiling ako.

"Basta paggising ko ay nasa isang magandang bahay na ako, may isang babae lang akong nakita at siya ang nagpapalit ng benda ko. Ilang beses ko din siyang tinanong kung sino ang nagligtas sakin pero tikom ang bibig niya." pagsisinungaling ko, hindi ko pa pwedeng sabihin ang buong pangyayari kay Daddy.

My Girlfriend is a GANSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon